Pumasok kami sa clinic. Buti nalang walang nurse dahil malalagot kami at make-kwestyon bakit nandito. Edi mapapakwento kami kung ano nga.
Kumuha ako ng band aid at betadine sa lalagyanan at pinaupo si Vince.
"Ano bang nangyare at nagsuntukan kayo?" sabi ko habang nilalagay ang betadine sa bulak. Sinulyapan ko siya.
"Wala. Kasi si Anna eh. Eh hinawakan ni Migo sa pisngi." sabi nito na nakapag-paharap sa akin sakanya.
"Oh talaga?!" sabi ko at tumango siya. "Crush ni Anna si Migo. Oh ano naman ngayon sayo?"
Matagal siyang naka-tunganga sa baba at hindi ako tinitignan.
"Vince, I'm talking to you." iritado kong sabi sakanya.
"Oh, sorry. Wala lang, nakakabastos kasi yung ganoon." tumango ako at lumapit sa mukha niya. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Not now please!
"A-ah ano, umayos ka ng upo." sabi ko dahil bahagya siyang nakayuko. Nag angat siya ng mukha at tsaka ko siya ginamot. Nararamdaman kong nakatingin siya sa akin.
"Masakit ba?" tanong ko dahil umiilag siya ng kaunti.
"Medyo lang." sabi nito at ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko.
Hello! Pwede naba akong maging nurse niya sa buong buhay niya at ako na din ang bahala kung paano siya masasaktan at mapapahamak para palagi ko siyang gagamutin? Ohmygod! Napangiti ako sa naisip ko.
"Bakit ka ngumingiti?" tanong niya sa akin. Lumayo ako sakanya at nagpamaywang sa harap niya.
"Sino ba nagsabing bawal ngumiti ang isang tao?" nagtaas ako ng kilay.
"May sinabi ba ako?" taas din niya ng kilay.
"Ah ganon? Iniinis mo na ako?"
"Oo, bakit?" sabi niya ng natatawa. Ngumiti ako ng palihim dahil sa wakas, nakita ko din siyang ngumiti sa harap ko.
Lumapit ako sakanya at diniinan sa mukha niya ang bulak na may betadine."ARAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!" sigaw niya at natawa ko.
Wala kaming ginawa kundi tumawa doon at mag-asaran. Clinic I love you so much. Ikaw ang unang scene namin. And thank you din Migo sa pagsuntok sakanya. At thank you sa nurse dahil wala siya. Ohmy! Hahahaha!
"Well, ano ba ang gusto ng isang babae?" biglaang tanong niya. Napatingin ako sakanya. "I mean, kung ano ba yung gusto ng isang babae, hilig niya. Ikaw ano ano bang gusto mo?"
Gusto kong sabihin sakanya. "Kelan ka pa nagkaroon ng interes sa akin?" pero hindi ko masabi.
"Uhm, surprises! Mahilig ang kaming babae sa surprises. Kahit ano basta galing sa mahal namin, go lang ng go. Tanggap lang ng tanggap." ngiti ko sakanya.
"Surprises, hmmm. Favorites mo?" ngumiti ako sakanya.
"Books! Cases ng phone ko, wattpad. Madami eh. Baka abutin pa tayo ng bukas." sabay tawa ko. Natahimik kaming dalawa. Gusto ko siyang tignan pero hindi ko alam, baka mailang siya sa akin.
"Bakit bigla mokong napansin? Or napansin?" tanong ko sakanya.
"We should appreciate the presence of the people in our surroundings. Habang nabubuhay pa sila, hangga't masaya pa sila." tumango tango ako. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Vince.
"And you should accept love from them Vince. Habang nabubuhay pa sila, hangga't masaya pa sila sa pagmamahal nila sa atin." ngumiti ako sakanya. Siguro'y alam niyang ibig kong sabihin.