"I love you, you should sleep right now. I miss you. See you in two days." paalam ni Harvey sa akin. Sinama siya ng dad niya sa isang business trip. Ayaw niya, pero ano nga bang magagawa niya. Ibinilin niya ako kay Anna at Ashley.
Wala akong ginawa kundi manahimik sa upuan ko dahil walang nangungulit sa akin. Walang humahawak ng kamay ko at walang bumulong-bulong ng 'I love you' sa tenga. Hindi ako sanay na wala ang mokong sa tabi ko.
Nung isang araw naman pinilit akong umupo nung dalawa sa tabi nila.
"Hello! Bakit ba? Edi kayo magkatabi, ako sa tabi ni ano." sabi ni Ashley. Dahil ayaw namin pareho ni Anna na tumabi kay Vince. Hindi ako nalingon kahit kanino dahil tatama ang paningin ko kay Vince.
I'm not affected anymore but ayokong makita ang pag-mumukha niya. Naiinis lang ako. Napapaikot nalang ako ng mata tuwing magtatama ang paningin naming dalawa.
Nung gabi ay nag-facetime kami ni Harvey.
"Nage-enjoy ka naman dyan?" sabi ko habang nakasandal sa headboard ng kama ko.
"Uh, yes. Look. Sobrang ganda dito. Kaso wala ka." sabi niya at naglakad-lakad sa veranda. Naiinggit ako nakikita ko kasi yung alon. Gusto ko mag-surf sobrang ganda nung alon. "Oh ba't ka naka-simangot? Miss mo na ako?" sabi niya at tumawa.
"Assuming. Gusto ko pumunta dyan. Gah, surfing." sabi ko at sumimangot pa lalo.
"Ouch baby. Ouch! Hindi mo ako na-mimiss?" sabi niya at nakita kong pumasok sa kwarto niya.
"No. Kinakausap na kita so hindi kita namimiss." panloloko ko sakanya. Sumimangot siya at sumeryoso. Ohmygod, pinag-sisihan ko na ang nagawa ko.
"Okay. Hindi muna ako uuwi bukas." malamig niyang sabi.
"Harvey! Joke lang! Eto naman. Syempre, miss na miss na kita. Nakaka-miss yung pangungulit mo sa akin. Walang nahawak sa kamay ko. Walang nag i-Iloveyou. Walang Harvey akong nakikita. I wanna hug you right no--"
"I love you." sabi niya at ngumiti ng matamis. "I will never ever go with dad anymore. I freaking miss my girl."
I smiled. Well, I am so so so lucky to have him. "I love you too, I will wait."
--
After 2 years.Kami pa din dalawang taon na ang nakakalipas. Hindi siya umaalis sa tabi ko. Alam niyo bang pinagawan siya ni mommy ng kwarto sa bahay namin? Kulang nalang magpakasal kami! Minsan ay sa bahay namin siya natutulog lalo na kapag galing kami kung saan-saan.
Hindi niya ako pinapatulog dahil sa pangungulit niya. Dahil magkatabi ang kwarto ko at sakanya, naririnig ko ang tawa niya. Tumatawa siya kasi ayaw niya akong patulugin, dahil alam niyang kapag tumawa siya at matatawa din ako. Tapos tatawag siya at tatawa ng tatawa.
Kapag nasa school naman hahawakan niya ang kamay ko at hahalikan kahit madaming tao. Minsan kung nakatayo lang kami at ilalagay niya ang mukha niya sa tenga ko. At kapag tinanong ko siya kung bakit, sasabihin niya inaantok at matutulog daw muna siya.