Sabay kaming naglakad ni Vince papuntang sa Garden ng building namin. Bawat building ay may garden, sa katapusan ng buwan, iju-judge iyon at kung sino ang mananalo magkakaroon ng premyo ang bawat section sa building na iyon.
Halos matapilok ako sa bato dahil sa naisip ko.
"Ano na?!" sabi kong naiirita sakanya.
"Anong nangyare kagabi? Kanina? Galit ka ba? Hindi ba kita napakopya ng assignment?" halos malaglag ang panga ko sa tanong niya. Nainsulto ako sa huli niyang tanong.
"Anong pinagsasabi mo?" dahan dahan kong tanong sakanya.
"Ano? Hindi ka ba nakakopya ng assignment kaya ka gan--" hindi niya tinapos ang sinasabi niya dahil sinampal ko siya.
Mabigat ang paghinga ko dahil hindi kinaya ang insultong iyon.
"Para sabihin ko sayo, kaya kong gumawa ng assignment ng wala ka. Nakakainsulto naman yung tanong mo. " sabi ko at naramdaman nanamang iiyak ako.
"Eh ano ngang problema?!" galit niyang sabi sa akin.
"Ikaw! Ikaw ang problema! Paano mo nagawang mag sinungaling sa akin? What the hell Vince. Yung slumbook ay sayo. Sabihin mo sa kin, para saan iyon?" matapang kong tanong sakanya. Alam ko ang sagot sa tanong ko pero kailangan kong marinig iyon mula sakanya.
"Inaaway mo ako dahil sa puchang slumbook na yan?!" galit niyang sabi sa akin.
"Hindi iyon ang punto ko! Sabihin mo sa akin ano ang purpose non?! At bakit mo ako kinaibigan bigla?" nanahimik siya sa tanong ko.
"Sagutin mo ako kundi ipapa drop out kita sa school ko." banta ko sakanya.
"Para kay A-anna. Para malaman ko yung buhay niya." tumikhim ako at tumalikod sakanya. Ang kinakatakot kong sagot ay narinig ko na. Ang sakit pala. Ang sakit sakit.
Humarap ako sakanya. Tinitigan ko siya sa mata. "At kaya mo ako kinaibigan dahil may gusto ka kay Anna, hindi ba?"
"Hindi ganoon iyon Queeny!" lumapit siya sa akin at lumayo naman ako. "Magpapaliwanag ako. Pakinggan mo ako Queeny."
Umiling ako sakanya habang naiyak.
"Kinaibigan mo ako dahil gusto mong malaman ang buhay ni Anna! At ginawa mo iyon kahit alam mong may gusto ako sayo!" halos pumiyok ang boses ko.
"Hindi ko alam na may gusto ka sakin." sabi nito na nakapag iyak sa akin ng sobra. Inilagay ko ang palad sa bibig ko.
"Kasi bato ka! Manhid na manhid ka! Halos lahat ng estudyante dito alam na may gusto ako sayo! Ikaw lang ang hindi makapansin non! Dahil palaging nakatingin ka sa iba kahit ako naman yung andito na palagi mong kasama!" hindi siya nagsalita sa sinabi ko.
"At sa lahat lahat ng pwede mong magustuhan, yung bestfriend ko pa! Ang sama sama mo!" pinagsusuntok ko siya sa dibdib niya. Hindi siya gumagalaw doon ni nagsasalita.
"I'm sorry." ang tanging nasabi nalang niya.
"I'm always unnoticeable to you. Hindi ko mawari dahil napapansin ako ng halos lahat dito, ikaw lang hindi. At ang sakit sakit non dahil ako kasi.. ako yung palaging nandyan at naghihintay pero ba't sa iba pa din ang atensyon mo?" nanghihina kong sabi sakanya at unti unti umupo sa damo. Inilagay ko ang palad ko sa mukha ko at umiyak ng umiyak doon.
"Sorry. I'm so sorry." sabi niya at umupo din para maging kapantay ko.
"Umalis kana please. Hayaan mo muna ako dito." sabi ko sakanya pero nanatili pa din siya doon.
"Umalis ka na." pag-uulit ko sakanya at tumayo siya.
Iniwan ako sa garden nang nakaupo sa damo na umiiyak.
Sobrang bigat ng dibdib ko. Sobrang sakit. Parang gusto ko na matulog ng matagal at kalimutan lahat 'to. Sana naman magkaroon ako ng amnesia.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Harvey. Baka mamuti na yung mata nun kakaantay sa akin sa labas ng room.
"Hello?" sabi nito sa linya.
"Uhm.. Harvey, mauna kana pumasok. Sorry sumakit yung ulo ko. Sorry." sabi ko at natahimik ang kabilang linya.
"Wag moko pinagloloko. Pupuntahan kita diyan. Diyan ka lang." sabi nito at binaba ang linya.
Nakita kong naka-silip sa second floor si Harvey at nakatingin dito. Nawala lang siya sa paningin ko nang maglakad siya papunta dito sa garden.
At pagkababang pagkababa niya ay tumakbo siya papunta dito.
Ang yakap niya ang sumalubong sa akin nang makapasok siya sa garden.
Umiyak ako sa balikat niya."Shhh. Nandito lang ako okay?" sabi niya na mas lalong nakapagpaiyak sa akin.
Bakit ba hindi ko siya napansin dati?
