U2

94 5 2
                                    

"So.. Alberto and Batungbakal." panimula ng teacher ko dahil nag pa-partner para sa project na pinapagawa niya.

Humikab ako dahil sobra akong inaantok. Ala una na kasi ng hapon ngayon at syempre oras yon para sa pagtulog.

"Haaaaaaaaa. Kaantok." mahabang hikab ni Ashley sa gilid ko. Kanina pa yan singhot ng singhot halatang inaantok na talaga. Mga nakaka sampu na akong hikab ngayon.

Bukod sa sobrang lamig sa room sobrang hinhin pa nung teacher namin.

"Natividad and Marquez." agad akong napatingin kay Ms. Lara

"Po?"

"Magka-partner kayo ni Marquez." nanlaki ang mata ko nang ma-realize kung sino yung tinutukoy niyang Marquez.

"Ohmy!! Kayo ang magka-partner ni Vince." yugyog ni Anna sa likod ko.

"Palit tayo please." pagmamakaawa ni Anna sa akin.

"Anna. Ano ka ba? Diba may bubuuin tayong loveteam? Viny! Haha. Parang si Vini Uehara lang." gising na gising na sabi ni Ashley.

"So ganon parang hindi kayo naririnig nung isa?" sarkastikong sabi ko sakanilang dalawa dahil tumili sila ng mahina.

Kahit na may isa pang upuan sa pagitan namin ni Vince ay naririnig niya pa din yun.

"Hindi pa nagreklamo si Vince!" bulong ni Ashley kay Anna. Agad akong ngumiti dahil hindi manlang siya umayaw.

"So.. kausapin niyo na yung partner niyo para sa project. " sabi ni Ms. Lara at umupo sa harap.

"Byeeee." tuksong paalam ni Ashley at ni Anna, mga baliw!

Tumayo ako para lumapit kay Vince. Pinipigilan kong ngumiti dahil sa kinikilig ako.

"Paano yung atin?" sabay upo ko katabi niya.

"Sa bahay nalang namin tayo gumawa. Ilista mo nalang muna yung mga kailangan." sabi niya ng pasulyap sulyap sa akin. Para naman siyang mamamatay kapag tinitigan ako.

"Maaaaaaaaam!" malakas na sigaw ni Princess. Ay naku!

"What is it?"

"Ms. Lara pwede po bang makipagpalit? Ayaw po kasi ni Harold sa akin---" hindi pa tapos magsalita si Princess ay tumayo si Harold.

"Excuse me hindi tayo talo. Ms. Lara ayoko din po sakanya." at turo ni Harold kay Princess. Napa iling nalang si Ms. Lara.

"So sino ang gusto mong partner ngayon?" tanong ni Ms. Lara kay Princess. Lumingon siya sa buong klase at na-lock iyon ng tumama ang paningin niya kay Vince na nakatingin din sakanya.

Kumirot ang puso ko. Bakit hindi niya ako matignan ng ganyan?!

"Si Vince po." agad namang tumingin si Ms. Lara sa direksyon namin.

"Ms. Natividad, ayos lang ba sayo na makipag palit? Mukhang walang magagawang project si Harold dahil ayaw nila sa isa't- isa."

"Ayos lang p-po sa akin. si Vince nalang po ang tanungin niyo." halos lahat sa klase ay nakatingin kay Vince at nag aantay ng isasagot niya.

Sa loob loob ko ay sana hindi siya pumayag. Ako ang nauna at dapat hindi na siya papayag dun.

"Mas okay po sa kin kung si Cess ang partner ko." agad naman na nag ingay ang klase na para bang kawawa ako.

Tumayo ako at pumunta kay Harold.

"Mag plano na tayo." sabi ko at tumalikod sa direksyon ng mga kaibigan ko at syempre kina Vince.

"Okay ka lang?" tanong ni Harold at umiling ako. Pagkailing ko ay tumulo ang isa kong luha. Ang saket talaga.


Nag bell na at tumayo ang lahat. Lahat ng nadadaanan ko ay tinanong kung okay lang ba ako. Ang tanging sagot ko lang ay ngiti.  Mas lalo akong naiiyak kapag yun ng tinanong sa akin.

"Ash, uuwi na ako. Sobrang saket eh." at tinuro ko ang puso ko.

UnnoticeableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon