Harvey's POV
Sinundo ko si Queeny sa bahay nila para sabay kaming pumasok sa school.
"Hi tita! Goodmorning po." sabi ko at ngumiti kay Tita Queen na nagkakape sa sala nila.
"Goodmorning din iho. Pababa na din si Queeny, umupo ka muna."
"Hindi na po tita! Paalis na din kami." sabi ko at inantay nalang bumaba si Queeny.
Matapos ang ilang minuto ay bumaba na din siya at ngitian ako.
"My, pasok na po ako." sabi niya pagka baba at tumuloy sa mommy niya at hinalikan ito. Ngumiti lang nang nakakaloko si Tita at tumawa ako. Nagpaalam ako.
"Ako walang goodmorning kiss?" biro ko habang pinagbubuksan siya ng pintuan ng kotse.
"Goodmorning punch gusto mo?" naka-ngiti niyang baling sa akin. Amazona talaga! Ngumiti din ako sakanya.
"Hehe. Hindi naman po eh." sabi ko at sinarado ang pintuan tsaka pumasok sa katabi niya. May driver kami ngayon. Imbis ako nag da-drive ay ayaw ni Queeny. Baka daw mabangga kami. Baliw talaga 'to.
"Kumain kana ba?" tanong ko nang marealize ko na hindi siya kumain nung sinundo ko siya.
"Yes, kumain na ako. Bago ka pa dumating." ngiti niya sa akin. Nginitian ko siya bilang sukli.
Hindi ko alam pero hindi ko alam kung ano bang estado naming dalawa. Kasi alam mo yun. Eto na eh! Pahatid hatid na.
"So, anong balak mo ngayon kapag nakita mo si Vince?" tanong ko at humarap sakanya,
"Kapag nag sorry siya, tanggap agad. We shouldn't treat people bad. Hindi porket may nagawa siyang kasalanan ay hindi ko na siya papatawarin. Besides, bestfriend ko naman yung nagustuhan niya." sabi nitong confident sa akin.
Ginulo ko ang buhok niya. "Wag kang iiyak kapag nakita mo siya ha? Alam kong masakit pa din. Pero hahayaan kita." tumango tango siya sa sinabi ko.
"At napag isip isip ko ding bigyan natin nang chance ang tao." sabi niya nang naka-ngiti.
Alam ko na kung bakit ako nainlove sa babaeng ito. Mabait. Mabait. Mabait. Amazona! Hahahaha.
"So ibigsabihin.. bibigyan mo ako ng chance?" nginitian ko siya pero naka baling siya sa bintana. Nagpipigil nang ngiti.
"Stop biting your lip, you're distracting me. I'm asking question here. Hello!" sabi kong sarkastiko sakanya.
Bumaling siya sa akin at mabilis na tumango ng isang bes at nagpakawala nang ngiti.
"Ha?! Oo ba yun?! Hoy Queeny!" sabi ko nang di matanggal ang plaster na ngiti. Bumaba siya dahil nasa school na kami.
"Queeny! Ano ba yuuun? Oo o hindi?" hindi niya ako sinasagot at nakangiti lang siya.
Hanggang sa corridor nang building namin ay kinukulit ko siya. Naka ngiti lang siya doon at di ako pinapansin.
Nang nasa harapan na kami nang room ay hinarang ko siya sa harap at tinignan siya.
"Oo o hindi lang. Please?" malambing kong sabi sakanya.
Tumitig siya sa akin at narinig kong naghihiyawan nanaman ang mga kaklase ko sa loob ng room. Hindi ko iyon pinansin at bumaling pa din sa mata nang pinakamamahal ko. habang naka harang ako sakanya.
"Okay fine. Oo." sabi niya at napa 'yes' ako.
"But.. but, don't think that I did this because I want to move on. And you are the key. No, Harvey. That's a big no. I did this and let you to take the chance because I don't want to lose people again. You understand me? Okay?" sabi niya at tinapik ang nakaka-nganga kong bibig at pumasok siya sa loob.
Para akong tangang naka ngiti sa maghapon na iiyon. Para akong lumulutang sa clouds.
Heaven ba ito?! Jusko hindi ko kinakaya.
Sa akin pa rin sumama si Queeny sa araw na iyon. Wala siyang pinapansin na tao kundi ako lang. Maging si Ashley ay di niya kinakausap. Magsasalita lang siya kapag may gusto siyang sabihin sakin at kapag nag re-recite siya sa klase.
Tinignan ko ang mga mata ni Ashley na nakatingin kay Queeny. Lumapit ako sakanya nang naka pamulsa.
"Galit ba siya sa akin?" tanong ni Ashley na nag-aalala sa bestfriend niya.
"No. Ayaw niya lang talaga muna kumausap ng tao." sabi ko at tinignan na din si Queeny na nagbabasa ng libro.
"Sana kausapain na niya ako. Namimiss ko na siya kausap. Tinatawagan ko siya pero pinapatay niya lang. I heard the issue between Vince and Anna." malungkot na sabi niya.
"Sooner or later, kakausapin ka din niyan. Alam na din ni Anna?" tumango siya sa akin.
'Wala namang gusto si Anna kay Vince eh. Alam mong na kay Migo ang puso nun. Tumawag nga sa akin iyon isang bes nang malaman niya yung issue. Umiyak siya nang umiyak. Nag-aalala siya dahil baka daw masira ang friendship nilang dalawa ni Queeny." mahabang kwento nito.
"Magpalamig muna kayo. Hayaan niyo muna siya. Masakit yung nangyare. Alam mo yan. Sige, babalik na ako." sabi ko dahil nakita ko si Queeny na tumingin sa paligid nang makitang wala ako sa tabi niya.