3 chapters to gooooooo! Thank you dyosas!
--
Queeny's POVPumasok kaming sabay ni Harvey. Binitawan niya lang ang kamay ko dahil nakita niyang papalapit sa akin si Anna.
"Queeny.." sabi niyo at tumingin ako sakanya.
"Bakit?" sabi ko at nag-iwas ng tingin sakanya. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin kami nag-kakausap ng maayos. Siguro ito na din ang tamang panahon.
"P-pwede ba tayong mag-usap? Y-you know." tumango ako at naunang mag-lakad sakanya.
"I'm sorry hindi ko naramdaman na m-may gusto sa akin si Vince." bumaling ako sakanya.
"Ako rin eh. Hindi ko alam." sabi ko sakanya.
"I'm sorry." sabi niya at yumuko.
"Hindi mo naman kasalanan. Okay lang, besides, di ko din alam kung anong kinagalit ko. I mean, hindi mo naman gusto si Vince. Siguro, nagsisi lang ako ning time na yun na pinaganda kita at ako ang dahilan kung bakit ka gumanda." nakangiti kong sabi.
"Galit ka pa din ba?"
"No. Besides, meron na akong Harvey ngayon. Matagal tagal na din iyon. Wag kang mag-alala." ngumiti siya sa akin at niyakap ako.
"Sobra akong na-bothered sa nangyari hindi ko na alam ang gagawin ko nung time na yun. Sorry ulit." niyakap ko siya pabalik.
"Okay lang. And sorry too. Asan na pala si Ashley?" tanong ko sakanya.
"Nasa room na din siguro. Grabe! Ang tagal ko ding inantay 'to! Tara puntahan na din natin siya." napa-iling nalang ako dahil nakita ko na ulit ang dating Anna. Masayahin at parang walang problema sa buhay.
Nakarating kami sa harap ng room. Nanlaki ang mga mata ni Ashley ng makita ang magka-hawak naming kamay ni Anna. Itinaas ni Anna ito at tumili si Ashley.
"Matagal ko na talaga tong inantay! Grabe!" tumawa ako sa reaksyon niya. Niyakap niya kaming dalawa ta ngumiti ng pagkalaki-laki.
Hinila nila ako sa upuan namin dati at nag kwentuhan. Ang daldal ni Ashley sobra. Kesyo nalulungkot daw siya kasi hindi na niya ako katabi at pinagpalit ko na siya. At kung ano ano pa.
"Dito ka nalang umupo ulit! Please?" pagpipilit nilang dalawa.
Itinuro ko ang direksyon ni Harvey at tumingin doon. Nakatingin din siya sa akin at umiling.
"Awwww!" reklamo nitong dalawa sa tabi ko.
"Iiwanan ka ni Queeny. Nakakasakal ka grabe!" inirapan lang siya ni Harvey. Baliw talaga.
"Next time, papaalam ako. Hahahaha! Hayaan niyo na, minsan lang yan ganyan." Kumunot naman ang noo ni Anna.
"Anong minsan? Kulang na nga lang bakuran ka ng kawayan niyan sa araw-araw!" tumawa ako dahil itinuro niya si Harvey na papalapit dito.
"Mahirap na, baka maagaw. " sabi ni Harvey at umupo sa katabi ko.
"Jusko! Ilang buwan na kayong magkasama! Ano ba yan. Kami naman oh." sabi ni Ashley at itinuro ang sarili niya habang pinapaalis si Harvey sa upuan.
"Oh tignan mo! Inaagaw niyo na siya sa akin." iling pa ng mokong.
Ngumisi lang si Harvey at ako naman ay tumawa. Nanahimik lang kami ng biglang pumasok si Vince at tumigil sa gilid namin. Oo nga pala dito siya naka-upo.
Nakita kong tumikhim si Harvey. Hinawakan ko ang braso niya. Napatingin siya sa akin at agad na pumungay ang mata.
"Bahala ka kung san mo gustong umupo." sabi niya at iniwanan ako.
Napairap ako sa ere at sinundan siya. Umupo siya ng pabalag.
"Harvey." tawag ko sa pangalan niya ngunit naka-iwas pa din siya ng tingin.
"Harvey!" medyo mas malakas kong tawag pero wala pa din.
Hinampas ko ang table niya. "Mag-aaway nanaman ba tayo?" tumingin siya sa akin at hinila ako sa siko ko. Inalis ko iyon at umupo sa tabi niya.
"Napaka-mo." sabi ko ng wala sa sarili.
"Sorry." sabi niya at bumaling sa akin.
Nang magsimula na ang klase ay natatawa ako sa kakulitan ng dalawa sa kabilang row. Napapatingin sila sa akin at inaambahan si Harvey sa gilid ko. Mga baliw talaga!
Nung lunch ay sama sama kaming apat na kumain sa canteen.
"Alam mo ba nakakalungkot talaga kapag wala ka. Alam mo yon, wala ng nanlilibre." sabi ni Ashley na pinanliitan ko ng mata. "Hahahahaha! Echos, joke lang." sabi niya at nag-peace sign.
Kinalabit ako ng katabi kong mokong.
"Ah." sabi niya at iminwestra ang pagkain. Ibinuka ko ang bibig ko.
"Sabi ko na nga ba, maling sumama dito sa dalawa eh." Bulong nitong dalawang bruha. Napa- iling nalang ako. Kahit kelan talaga!
"Queeny." tawag ng isang pamilyar na boses sa likod ko. Kaagad akong lumingin. Si Vince.
"Pwede ba tayong mag-usap ngayon?" napa-tingin ako sa katabi ko at kina Ashley. Tinitigan ko si Harvey na hindi manlang bumaling kay Vince.
"Pumapayag ako sa pag-uusap niyo pero siguraduhin mo lang na wala kang gagawing masama." maangas na sabi ng mokong.
"Tuwing nag-uusap kayo palaging may masamang nangyayari. Sampung minuto. Walang lalagpas." sabi nito at tumayo ako. Hinagkan ko muna ang pisngi ng tatlo kong kasama at sumunod kay Vince.
