Maaga akong pumasok dahil sa mag de-design kami ng classroom ngayon. Ako ang presidente kaya dapat mas maaga ako sa mga officers ko. Kaso mukhang nauna pa sila sa akin. Binabati at nginingitian ko ang mga estudyanteng bumabati sa akin pati ang mga teacher.
Nakaka apat na hakbang palang ako sa hagdanan ng building namin ay agad ng bumungad sa akin si Ashley na hinihingal.
"Oh anong nangyare?" tanong ko sakanya.
"Si ano kasi.. Ano.." hindi niya matapos ang sasabihin niya dahil hinihingal pa din siya.
"Ha? Ano?" yugyog ko sakanya. Lumunok muna siya bago magsalita.
"Basta tara na!" nagmamadali niyang sabi at hinila ako. Halos madapa ako sa hagdan sa sobrang bilis niya.
Nakita kong nakapa-daming tao sa labas ng classroom namin. May nag aalalang mukha at meron din namang gustong manuntok.
"Excuse me! Nandito si Queeny! Tabi!" sigaw ni Ashley at agad namang nag bigay ng daan ang mga estudyante doon.
Nang makapasok ako sa classroom ay halos mapasigaw ako nang sugurin ni Migo si Vince. Nag sigawan ang lahat.
"Suntukin mo!" sigaw sa labas at kung ano ano pang sinasabi nila. Tumingin ako sakanila at tumahimik sila.
"BABAE TO PARE!" sabi ni Vince at tinuro si Anna na umiiyak sa gilid.
"BAKIT BA?! BOYFRIEND KA BA NIYA?! TANGA KA BA?!" halos mang-galaiti ako sa nakakabinging sigaw ni Migo kay Vince. Nakarinig ako ng mura kay Vince at sumugod kay Migo kahit hawak na siya ng mga kaklase namin.
"Pare tama na!"
Agad akong tumakbo sa gitna nila.
"Hoy ano ba!" sigaw ko. Namataan kong lalong bumigat ang hininga ni Vince.
"Ayan na si Queeny!"
"Lagot sila."
"Ohmygod si Queeny." Naririnig kong bulungan sa labas.
"Eh yang si Vince, nanunugod wala naman akong ginawa kay Anna." sigaw ni Migo at dinuro si Vince. Nakawala si Vince sa hawak ng kaklase ko at sinuntok si Migo. Sinuntok din siya nito.
"MAGTIGIL NGA KAYO!" sigaw kong sabi habang hinihila si Vince kay Migo.
"TITIGIL BA KAYO O SA GUIDANCE TAYO MAG-UUSAP?! HA?! ANO?!" galit kong sigaw habang hawak ko ang naninigas na braso ni Vince.
"EH GA--" pinutol ko ang sinasabi ni Migo.
"PWEDE BA?! SINABI KONG ITIGIL NA EH! ILABAS NIYO NGA SI MIGO." utos ko at inilayo nila si Migo.
"Ash, pakisabi sa labas umalis na sila. Baka mapansin 'to ng teachers." sabi ko kay Ash na agad sinunod ang gusto ko.
Hinihingal akong bumaling kay Vince na nakatingin din sa akin. Nakita kong may dugo siya sa gilid ng labi at sa mismong labi.
"Pumunta tayo ng clinic." sabi ko at tumalikod sakanya. Pero ng naramdaman kong hindi siya sumunod ay lumingon ako sakanya.
Nainis ako sakanya dahil oo nga naman, sino ako para utusan siya? Pumasok ulit ako sa classroom at nilagpasan siya.
"Oh akala ko lalabas kayo?" tanong ni Ashley.
"Ako na nag-abalang mag-gagamot sakanya eh ayaw niya, ano bang magagawa ko?" malakas kong sabi.
"Akin na nga yung designs na ilalagay sa walls." sabay lahad ko ng kamay sa kaklase ko. Inilagay nila iyon malapit sa akin. Idinikit ko yung papel sa walls at malakas na tinapik tapik iyon para dumikit.
"Sino ba kasing nagsabing ayaw ko? Tara na." sabi ng pamilyar na boses sa likod ko. Si Vince iyon. Hindi ko iyon pinansin. Bahala siya sa buhay niya, nakakapagod na.
"Isa Queeny. Baba na dyan." sabi niya ng nagbabanta.
"Diba kaya mo namang maglakad papunta sa clinic?! Ayun si Princess! Tawagin mo at magpasama ka." sabi ko at bumalik sa pagdidikit sa walls.
"AHHHHHHH!" sigaw ko dahil binuhat niya ako. "BABA! BABA!" sabi ko at pinag-hahampas siya.
Narinig ko ang hiyawan sa klase. Galit ako eh! Wag niyo naman akong pakiligin! Ohmygod.
Nakalabas na kami ng classroom tsaka niya ako binaba.
"Ikaw nag yaya tapos mang-iiwan ka sa ere." napatingin ako sakanya.
"Eh sino ba naman kasing--" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil tinakpan niya ito ng kamay niya.
"Tara na, habang wala yung nurse." sabi nito sa akin at hinila niya ako pababa. Lumingon ako sa classroom at nakitang kinindatan ako ni Ashley. Kahit kelan talaga baliw!
Kinakagat ko ang labi ko dahil pinipigilan kong ngumiti. Sa wakas! Eto na ba yung masasabi kong best moment ever? Yung napansin na ako ni Vince! Sobrang heaven sa feeling at kita mo ngayon ay hawak niya ang kamay ko. Ohmygod!
