U14

75 3 0
                                    

Harvey's POV

"Naku Migo kung frat 'to tigilan niyo na! Hoy dreeee!" pagmamakaawa ko sakanila.

Piniringan kasi nila ako sa room at may surpresa daw sila. Nakakatakot dahil hindi ko alam saan kami pupunta.

"Mukha ka namang bading!" reklamo nila dahil kanina pa ako kumakawala.

Kahit lalaki ako may kinakatakutan din ako no! Parang.. Parang kinakatakot ko na mawala si Queeny sa buhay ko. Nga pala, dalawang buwan nang lumipas simula nung scene namin sa classroom. At grabe! Sobrang sweet ni Queeny sa akin. Well, pogi ako eh.

"Aray aray!" reklamo ko dahil natapilok ako,

"Ayan ano ano kasi pinag-iisip eh." reklamo naman ni Keith sa gilid ko. Nasa kanan ko si Migo samantalang siya nasa kaliwa inaalalayan nila ako.

"Mga dre, gusto ko pang pakasalanan si Queeny. Wag naman kayong mang-ganyan." sabi ko dahil wala talaga akong marinig at di ko alam nasaan na kami.

"Oh well, nasa bangin na tayo eh. Ingat ka sa heaven dre." sabi ni Migo at tumawa.

Napamura ako sa loob loob ko dahil binitawan nila ako. Ambang aalisin ko na ang blind fold pero nagsalita ulit si Keith.

"Tsaka mo lang yan aalisin kapag tapos na kaming magbilang ng tatlo okay?" pangaral ni Keith na nasa likod ko na. Ayokong gumalaw baka mamaya kasi nasa bangin nga kami. Edi ba-bye sa pinaka mamahal ko, no way!

"One.. Two.. Three!" inalis ko ang blind fold at parang camerang nag fo-focus ang mata ko sa madaming tao sa paligid ko.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at napakurap ng ilang ulit dahil sa nakikita kong malaking 'yes' na banner.

"Wag ka munang kiligin please." sabi ng babae sa stage. Nasa quadrangle ako samantalang siya nasa stage. Kilala ko iyon, paniguradong si Queeny iyon.

"I did this because I want this moment to be special. Para everytime na maaalala mo itong ginawa ko ay mapapangiti ka nalang bigla." naka-ngiti ako sa sinabi niya. Papagalitan ko siya mamaya! Dapat ako ang gumagawa nyan.

Napatingin ako kina Migo na nasa likuran ko at nakita kong nag thumbs up sila sa akin. Naka pamulsa ako sa gitna ng quadrangle at siya naman ay bumaba habang kinakanta ang Grow Old with You.

Mas lalo ko siyang minamahal sa bawat araw na makikita ko ang ngiti niya, ang tawa niya, ang mata niya, ang pagseselfie niya katabi ko, ang laway na tumatalsik kapag nagsasalita siya, kapag naghihikab siya, kapag nagpapa cute siya sa akin, sa pagkain niya, sa lahat lahat ng ginagawa niya sa isang araw.

At ngayon napatunayan ko iyon dahil sa ginagawa niya. Mahal na mahal ko si Queeny at ayoko na siyang pakawalan.

"All I wanna do.. is grow old with you." Kanta niya at tinuro ako ng dalawang ruler nalang ang pagitan namin.

"The banner says it all." sabi niya at tinignan ko ulit ang banner na may pagkalaki laking yes!

Ngumiti ako ng todo at ganoon din siya. Lumapit ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit.

"I love you." bulong ko sakanya.

"I love you too." Mas malambing niyang sabi.


Nagpapalakpakan ang mata estudyante sa nakikita nila. Finally! I've become one of those unnoticeable around her but damn, I am Queeny Natividad's handsome boyfriend right now!

Malaki ang ngiti ng hinarap siya sa akin.

"Pa-kiss!" nakakaloko kong sabi sakanya.

"Mom's watching." nanlaki ang mata ko.

"Okay, kapag di nalang siya naka-tingin." kinurot niya ako.

Kinuha ko ang mic sakanya.

"Una sa lahat, maraming salamat sa tropa kong tinakot ako. Pangalawa, hi tita Queen! Asahan niyo pong palagi nakong nasa bahay ninyo para... ano makikain!" Nagtawanan ang mga loko loko. "I love you na din po tita!" Sabi ko at nag thumbs up siya sa akin.

"At Inlove you din sa pinaka mamahal kong babae ngayon at magpakailanman." tumango siya at tumawa. "At nakakahiyang aminin na naunahan ako ng babae sa sorpresa, hayaan niyo sa susunod ako naman ang mag su-surprise, tipong kasalan na!" Sabi ko tumawa ng tumawa dahil pinaghahampas na ako ni Queeny na pulang pula sa pinag-sasabi ko.

"Yun lang, salamat!" paalam ko at in-off ang mic.

"At ikaw! May kasalanan ka sa akin. Bakit ikaw ang gumawa nito?! Nakakasakit kasa ego ah." reklamo ko sakanya.

"Babawiin ko nalang!" kunot noo niyang sagot sa akin.

"Oh oh, ayan nanaman eh. Joke lang." sabi ko at hinawakan ang noo niya at binabalik sa dating porma. "Kiss nalang pambawi."

Hinampas niya at hinawakan ang kamay ko.

"Mamatay ka sa kaka-antay." sabay belat nito sa akin at iniwan ako.

Oh diba?! Kiss lang naman ayaw pa. :( Hahahahahaha!

UnnoticeableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon