Prologue

11.8K 162 5
                                    

"Mahal ko siya, lahat gagawin ko para sa kanya, siya lang ang mamahalin ko. Kahit na hindi nya kayang ibalik ang pag mamahal na yun sakin".

"Hanggang saan ang kaya mong tiisin para sa pag-ibig na sinasabi mo? Hanggang kailan ka magpapakatanga para sa kanya?"

"Hanggat kaya ko, hanggat humihinga ako"

"Bahala ka, basta kung ano man ang kahihinatnan ng katangahan mo hindi ako nagkulang ng payo sayo. Tandaan mo, andito lang ako susuportahan kita."

Andito ako ngayon sa bar ng kaibigan kong si Clyde. Dito ako pumupunta pag masama ang loob ko. Siya lang naman kasi nakakaintindi saken eh. Siya ang bestfriend ko. Alam nya lahat ng problema ko sa asawa ko. Taena, nakakabading man pero aaminin ko, mahal na mahal ko asawa ko. Tsk, at siguro first time nyo makabasa ng story na lalaki ang bida.

Iniisip ko kung pano ba gagawin ko para mahalin ako ng asawa ko?. Akala ko pag pinakasalan nya ako mamahalin din nya ako, akala ko pag ginawa ko lahat ng bagay mapasaya lang siya mamahalin nya ako. Akala ko pag naging mabuting asawa ako sa kanya matututunan din nya akong mahalin balang araw. Pero mukhang mali yata ako.

Lahat yata ginawa ko na para lang mapasaya at maging karapat dapat sa kanya. Kakaiba ang asawa ko sa lahat. Normally lalaki yung pinag luluto, pinaglalaba, pinagsisilbihan ng asawa, pero sa sitwasyon ko baliktad dahil ako ang gumagawa nun sa asawa ko, at lahat ng yun BALI WALA LANG SA KANYA.

Ano pa ba ang kulang? Bakit hindi nya makalimutan ang lalaking yun? Bakit hanggang ngayon siya parin ang mahal ni Sabrina? Mababawi ko pa kaya ang pusong kasamang nawala ng lalaking minahal niya?

Sabrina Romualdez, and SHE IS MY COLD HEARTED WIFE.

MY COLD HEARTED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon