Chapter 1
The New Boss
KATH
"Kath ngayon daw ang dating ng bago nating boss, ah!" salubong sa akin ni
Marina."Talaga?" tanong ko dito. Sino kaya yung bago naming boss? Mabait kaya siya? Sana hindi masungit katulad nung previous boss namin.
"Oo, ang gwapo at hot nga daw eh, kaso lang taken na. Kasal na daw" parang nanghihinayang na sabi ni Marina. Napailing-iling naman ako.
"Ano daw pangalan?" tanong ko dito. Oy walang malisya ah.
"Ang sabi Daniel Clarez, 'o ha pangalan pa lang pogi na!" sabi nya. Bigla naman akong namutla.
Nagtaka naman si Marina sa naging reaksyon ko. "Oh Kath, ba't ka biglang namutla diyan?"
'O-M-G hindi naman siya yun di'ba?'
"A-Ah w-wala, halika na baka dumating na si Ma'am Sungit." yaya ko sa kanya.
By the way, my name is Katheryn Chanderine Diaz, 23 yrs old. Mayaman naman kami, pero mas pinili kong magtrabaho sa ibang kompanya. Bakit?Parang training na rin, dahil balang araw ipapamana na sa'kin nila mama yung company. Pero, wala nga palang nakakaalam na mayaman kami, hehe. Shhh lang kayo, ah. Back to reality na!
Tumungo na ako sa table ko para gawin yung mga 'di ko natapos na work kahapon.
"Guys, be ready. Our new boss starts to check each teams. Don't make something embarrassing in front of our boss. It will be a big shame to our team." anunsyo ni Ma'am Sungit. Sus! Ang sabuin niya, ayaw niyang mapahiya sa harap ng bago naming boss, in-alibi pa ang team, eh.
"Ok ma'am" we said in unison. Lumabas naman si Ma'am Sungit.
We start doing our own job.
Ma'am Sungit or should I say Ma'am Friaz was obviously the leader of our team. At kaya naman Ma'am Sungit ang tawag ko sa kanya, dahil maliban sa masungit siya, ay lagi niya ako'ng pinagiinitan. Palibhasa walang asawa o boyfriend.
Habang inaayos ko yung mga papeles na nakapatong sa table ko, ay bigla na lang pumasok ulit si Ma'am Sungit kaya napatingin kami dito.
"Nandiyan na si sir! Tumayo na kayo!" utos niyo. Tumalima naman kami.
Bago ago tumayo ay pinatungan ko muna yung mga papeles para hindi liparin.
Maya-maya pa ay pumasok na ang isang lalaki. Na obviously nakabusiness-attire.
Nanlamig at natuod ako sa kinatatayuan ko nang tuluyan ko nang maaninag ang mukha niyo.
'Oh my! Siya nga!'
"Good Morning, Sir Daniel." bati namin. Pilit pa ang pagbati ko dito dahil hanggang ngayon ay shock pa rin ako sa nangyari.
Nginitian kami nito. "Good morning!"
Ipinalibot nito ang mga mata sa amin, kaya yung dalawa kong katabi ay todo kung magpa-cute kay sir, or should I say my husband.
BINABASA MO ANG
HUSBAND SERIES#1: My New Boss Is My Husband?✔️
RomanceKatheryn works at a big company. But unexpectedly, Daniel-her husband, happened to be the new boss. *** Katheryn Chanderine Diaz, works at one of a big company. They're rich, but she insist to work to ano...