Kath POV
3yrs later...
Nag lalakad lakad ako dito sa park kasama ang kambal na nasa stroller.
"Mame- mame" napatingin ako sa kambal dahil kanina pa sila mame ng mame.
Naupo muna ako sa isang bench dito sa park habang nasa tapat ko naman yung kambal na nilalaro ang titter nila.
(Di ako sure kung titter yung tawag dun. Basta yung pang baby na malambot na para sa ngipin tas pinanggigigilan ng mga baby hehe)
Kinuha ko yung phone ko dahil nag riring eto. Sinagot ko ito ng di tinitignan dahil nilalaro ko si danilo.
"Hello?"
["Kaaaaaaaaaaaath."] Nilayo ko agad yung phone sa tenga ko dahil sa tili ng babaita.
"Ano ba abby! Mabibingi ako sayo eh!"
["Hehehe sorry na ( sino yan? Si kath? Pakausap nga) ehh kinakausap ko pa eh.]
"Hoy ano ba yun? "Tanong ko pa.
[" May reunion daw tayo sa college ah."] Sabi naman ni ella.
"Reunion!? Parang wala naman sinabi sakin na meron?" Ako.
["Haller alangan wala eh, wala na nga din kami masyadong balita sayo. Last na kita namin sayo binyag pa ng anak mo."] Si jen naman ngayon. Arrg miss ko na sila!
"Magkakasama kayo?"tanong ko.
["Yup. Ikaw nga lang kulang eh."]
"Ayyy! Yaan nyo soon uuwi na din kami dyan kasama ang kambal!"
["Hoy kathryn! Ililibre ka na lang namin ng plane ticket umuwi kana sa thursday."] Rizzy.
"Ha? Bakit naman agad uuwi?"
["Naka limutan nya na! Tsee di ka nanamin kaibigan."]nag tatampong sabi ni abby.
Ano ba kaseng meron?
"Ano nga kase yun?" Tanong ko.
["Friend anniversarry na kaya natin!"]hailey.
HALA! oo nga pala!
"Fine uuwi ako! Basta libre nyo plane ticket ko ah!"
["No need! Dahil private plane na lang nila jen ang gamit at kasama ang buong tropa. So it means baka kasama sya."]hailey.
What? Kailan pa yun nasama sa tropa? Sabagay kahit si dave at si jay kasama na.
"K. Bye na, uuwi na kami ng kambal."paalam ko.
["Sige baaaaabyeeeeeee sabihin mo sa kambal miss na namin sila ng ninang nila." Sabi abby.
Pinatay ko ma agad yung call at nilagay sa bulsa yung cellphone ko.
Tuesday na pala ngayoooon!
Nakarating agad kami sa bahay dahil malapit lang yung park sa bahay nila tita.
"Ta! Baka sa thursday uuwi na po kami." Sabi ko dito,kaya napalingon eto sakin.
"Ha? Bakit?"
"Eh susunduin daw po ako ng mga kaibigan ko dito eh. Sasama ko na din po siguro yung kambal." Sabi ko.
"Sakto dahil pupunta si rome sa philippines dahil may work daw sya dun." Sabi ni tita.
Si rome ay naging kaibigan ko din sya dito. Kaibigan ni tita yung mama nya. Isang beses nga eh umamin sakin yun namay. Gusto daw sya at tanggap nya yung kambal,pero sabi ko hanggang kaibigan lang kami. Pero sabi nya liligawan nya parin ako,kahit na may anak ako. Sa ayaw at sa gusto nya daw. Kaya hinayaan ko na lang, pero sabi ko naman na advance sorry na kung masasaktan ko sya sa future.
Nandito kami sa kotse otw na sa airport. Kinakabahan ako dahil makikita ko uli sya, but masaya din dahil makikita ko yung mga kaibigan ko.
Nakahawak ako sa kamay ni rome dahil kinakabahan.
"Kath easy! Nanginginig ka oh." Sabi ni rome. Nginitian ko lang eto.
Nakarating naman agad kami sa airport.
Pumasok na kami sa loob at nakita ko agad sila.
"Tita alis na po kami." Paalam ko.
"Sige mag iingat kayo dun ah."
"Kayo din po ta." Sabi ko dito at niyakap.
Niyakap din neto yung kambal. nag paalam na din ako kay kuya cy at kay miriel.
Lumapit ako sa mga kaibigan ko,buti na lang at wala sya.
Niyakap ko ito isa isa.
"Ahm guys si rome nga pala kaibigan ko dito. Rome si hailey, abby,jen,rizzy,ella,gail at hanna." Pag papakilala ko sa kanila. "And si jay at dave."
"Nice to meet you." Sabi ni rome.
"NICE TO MEET YOU TOO." sabay sabay nilang sabi. Nag lakad na kami papasok buhat nila jay at dave yung kambal.
"Di na namin sinabi kay dan dahil i'm sure na mag kaka ilangan kayo at ayaw mo pa sya makita." Sulpot ni hailey sa tabi ko.
Nginitian ko lang ito.
Nakapasok kami sa airplane at umupo agad ako sa tabi ng bintana.
"Matulog kana muna dahil i'm sure na pagod ka." Sulpot ni rome sa tabi ko.
"Oum"
Isinandal ko yung ulo ko sa balikat nya at pumikit. Sila na daw muna bahala sa kambal, sinabi ko na din kung umiyak man gisingin lang nila ako.
Naramdaman kong may yumuyugyog sakin.
"Hmmm?"ungol ko.
"Gising na kath. Andito na tayo." Sabi ni rome. Kinusot kusot ko muna yung mata ko at tumayo.
Bumaba na kami sabay sabay at nag lakad. Buhat buhat ko si danilo habang nakay rome si niela.
"mam-me bat po ang inyit dyito?"
"Nasa philippines na tayo baby kaya mainit na talaga. Dont worry may aircon sa pag tutuluyan natin ok? Behave lang." Sabi ko kay danilo. Tumango naman eto at Ngumite.
"Ok, guys may mag susundo satin, then may pupuntahan tayong kami lang walo ang nakaka alan but since kaibigan namin kayo at ikaw rome since kaibigan ka ni kath, kaibigan ka na rin namin kasama kana dun." Sabi ni jen.
"Pupunta tayo sa secret house natin noh?" Tanong ko.
Waaah miss ko na dun.
"Yup. Dun muna kayo tutuloy." Sabi ni abby.
"But may na bo--"
"No buts kath, dahil dun tayo mag cecelebrate ng anniv bukas."hailey.
"Fine." Sabi ko. "Rome ok lang ba sayo na dun kana lang din? Marami namang room dun eh."
"Sure. Why not?"
Papalabas kami ng NAIA at nakita namin yung van na sasakyan namin.
Napahinga ako ng malalim dahil baka nandyan sya.
"Dont worry kath. Di kita iiwan basta basta." Sabi ni rome.
Pumasok na kami sa loob and i knew it! Andito nga sya.
_________
Dont forget to vote and comment!
BINABASA MO ANG
HUSBAND SERIES#1: My New Boss Is My Husband?✔️
RomanceKatheryn works at a big company. But unexpectedly, Daniel-her husband, happened to be the new boss. *** Katheryn Chanderine Diaz, works at one of a big company. They're rich, but she insist to work to ano...