Kath POV
Pagkatapos ng nangyari kanina ay umalis agad kami. Di ko na muna binasa yung letter na nakalagay dun.
"Kath okay ka lang?"tanong ni hailey sakin.
"Oo naman."nakangiting sabi ko.
Inakbayan ako neto at sabay kaming nag lakad. Nauna kasi sila samin dahil mga excited sila. tsk.
Nakarating kami sa pupuntahan namin.
May nakalagay na..
BIGAHO FALLS.
maganda naman dito marami ding tourist. Malinaw ang tubig at malamig peri halata mong malalim eto.
Nag ikot ikot pa kami at ganun lang lagi. Mag papahinga saglet,mag group picture,single picture, tas sila dave couple daw.
Ala singko na ng hapon kami naka uwi, tumambay muna kami sa labas para panoodin ang pag baba ng araw.
"Kath di mo pa ba babasahin yung letter na nakalagay dun?" Tanong ni dave.
"Baka di muna, bukas na lang siguro."sabi ko dito.
Tumango lang ito sakin.
"Asan nga pala si ella?"tanong ni dan.
"Oo nga, w-wala sya." Medyo utal na sabi ni rizzy.
May tinatago ba sila samin? Lagi ko kasi silang nahuhuli na seryosong nag uusap eh. Minsan sa kusina o di kaya sa may likod ng bahay.
Napatingin ako kay abby,dahil bigla etong nag salita.
"Kath, pwede ba tayong mag usap?"seryosong sabi neto.
Kaya napatingin na din sakanya yung iba.
"Sure,san ba? Dito na lang?"
"Wag dito." Sabi neto bago tumayo.
Napakunot naman yung noo ko at napatingin sa mga kaibigan ko,ganun din sila.
Sinundan ko si abby,papasok ng bahay.
Dumeretso ito sa likod. At umupo dun sa upuan dun.
"Abby? Bakit?"i ask.
"Kath.... Kilala ko na kung sino ang nagpapadala."
Ha? Kilala? Nag papadala?
"Ano? Di kita gets."
"Threat,deadcats,text."sabi neto.
"Sino?"
"Malalaman mo din kath,pero eto lang ang sasabihin ko. Lumayo ka sa kanya hanggat maaga pa, di mo alam,di natin alam ang plano nila."
"N-nila?"
"Oo,may kasama sya."sabi neto.
Tumayo na eto at lumabas.
Sino ba kase?
EM? di kaya....
"Humanda ka. Babalik ako."
NO! Imposible! Di nasya nag paparamdam. At imposibleng sya. Ilang taon na yun.
*
KINABUKASAN alas otso na ako nagising dahil iniisip ko pa rin yung sinabi ni abby, tsaka kung sya ba talaga yun.
"Good morning kath." Bati sakin ni dan.
"Morning." Tulala kong sabi.
"May problema ba? Anlalim ng iniisip mo ah?"
"Dan pano pag bumalik sya?"tanong ko.
"Ha? Sinong sya?"
"Aish! Wala wala."
Tumayo na ako sa kama at bumaba na, para kumain.
"Oh kath gising kana pala, mag s-swimming tayo mamaya. Bukas na daw kase uwi natin eh."ani dave.
"Sige."masayang sabi ko.
Umupo ako at sinimulang kainin yung pagkaing hinanda ni dave.
Habang kumakain ay nag c-cellphone ako. Nanonood lang ako ng mga vlog.
Nang biglang may nag text sakin galing uli dun sa number na nag text din sakin.
'Bantayan mo maigi ang mga anak mo, baka magising ka na lang wala na sila sayo. -EM-'
anak ko? Pati ba naman anak ko idadamay nila?!
'please kahit ako na lang wag mo ng idamay ang anak ko.'
Mamaya pa ay nag reply na eto.
'kung ayan ang gusto mo.Isang araw bago ang iyong kaarawan. Pumunta ka sa adress na ito _____________. Ala sais ng gabi. -EM-'
BINABASA MO ANG
HUSBAND SERIES#1: My New Boss Is My Husband?✔️
RomanceKatheryn works at a big company. But unexpectedly, Daniel-her husband, happened to be the new boss. *** Katheryn Chanderine Diaz, works at one of a big company. They're rich, but she insist to work to ano...