🌙️Chapter 4

4.4K 133 11
                                    

Chapter 4

Baby?

KATH

"How are you, Dave?" tanong ko dito.

"Heto gwapo pa rin," he said and grinned making me chuckled.

'Di pa rin talaga siya nagbabago'

I shook my head. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Dave. Lakas pa Rin ng hangin mo" sabi ko at tumawa. He pouted.

Masaya talaga ako ngayon dahil bumalik na siya. It's been years since he left to continue his study on U.S.

"Oo naman. Hanggang ngayon mahal pa rin kita, eh." he mumbled the last sentence so I didn't understand what he said.

"Ano?" tanong ko dito.

"Ahh, wala. Sabi ko ang ganda mo na lalo." he said making me blushed.

Hindi rin talaga nawala yung pagiging bolero niya, tsk! Tsk!

"Ahh, salamat." I just accepted his compliment.

"Oo nga pala. Kamusta ka n--" hindi na natapos ni Dave ang sasabihin niya nang biglang sumulpot si Daniel.

"Kath, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap, kausap mo lang pala si..." napatingin ito kay Dave.

"Dave?" halata mo rito ang gulat nang makita si Dave.

"Daniel" he said with a serious tone. Daniel just stared at him and nod.

"Ahm, do you mind if I interrupt your little chitchat? Mom wants to see us," sabi ni Daniel at matamang tumitig sa akin.

He smirked and I see him clench his fist. "Sige. See you, Kath and... Niel"

I smiled apologetically at him and followed Daniel. Syempre, ngayon na nga lang kami ulit nagkita, na-interrupt pa.

Ano ba ang problema nito kay DJ? At ang bilis niyang maglakad? Kung lakad pa ba ang tawag niya diyan, eh halos pa lang ay tumakbo na siya.

Umakyat kami sa taas dahil nandun daw sina mom.

Pumasok kami sa library, agad ko namang nakita sina mom and dad.

"Mom, bakit niyo po ako—este kami pinatawag? May problema po ba?" I asked them.

"Anak, aalis kasi kami ng daddy mo. Ang problema eh walang ibang tao dito sa bahay kundi yung mga kasambahay lang. 2 years kami sa newyork dahil aasikasuhin namin yung company natin dun. Nag-aalala kami dahil baka manakawan tayo, mahahalaga pa naman lahat ang mga gamit natin. Kaya napagisipan namin ng dad mo na dito ka muna tumira, wag kang mag-aalala dahil may makakasama ka naman dito." mahabang saad ni mom.

Grabe naman, ang tagal namang mawawala nila mom. Malaki ba ang naging problema dun sa company namin? Na-bankcrupt ba kami?

But wait! Dito na ako titira? At bibigyan nila ako ng kasama sa bahay?

"Bibigyan niyo ho ako ng kasama sa bahay?" ulit ko sa sinabi ni mom. Baka kasi namali lang ako ng rinig.

"Yes nak. Kasama mo si Daniel." anang ni dad. My mouth literally dropped.

'O to the M to the G. Like what the fvck?! Seryoso ba sila?! Alam naman nila kung anong nangyari sa amin ni Daniel, ah?'

Tatanggi na sana ako kas mukhang determinado talaga sila ni mom na pagsamahin kami ni Daniel sa iisang bahay. Siguro okay na rin yun. Kasi patatawarin ko na rin dapat si Daniel, kaya talagang magsasama at magsasama kami sa iisang bahay, atleast hindi na namin kailangang bumalik sa bahay na iyon, dahil dito na kami.

"O-Okay po. Kailan po ang alis niyo?" tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan naman sila ni mom at dad. "Bukas na."

'What?! Bukas na?! Agad-agad?!'

"Eh?! Paano po yung mga gamit Daniel?"

They smiled. "Ang totoo niyan ay nandiyan na yung gamit ni Daniel pinakuha ko na kanina."

Pinaghandaan na talaga nila ito. "Ah ok po."

"Wait. Dadating nga pala ang lolo at lola mo ngayon." paalala ni mom.

"Opo."

Lumabas na kami ni DJ dun. Sakto naman na nakasalubong namin si lolo at lola, kaya't nagmano ako sa kanila. Ganun din naman ang ginawa ni Daniel.

Bigla namang nag-ring ang phone ni Daniel, kaya't nagpaalam muna ito na sasagutin ang tawag.

"Apo, may hihilingin sana kami sa inyo ng lolo mo, bago kami lumisan." sabi ni lola. Nagtaka Naman ako sa sinabi ni Lola.

"Lumisan? Aalis po kayo?" takang tanong ko sa kanila.

"Apo, matanda na kami at nanghihina na. Ang tanging hiling lang namin ay makita ang magiging apo ko sa tuhod—ang magiging anak mo-niyo ni Daniel, bago kami lumisan sa mundong ito" ani lolo.

"Lo, La, ano ba kayo ang lakas-lakas niyo pa, tapos ganyan na ang mga sinasabi niyo." sabi ko dito.

"Basta gusto namin makita ang magiging anak niyo!" seryosong sabi ni lolo. Patay kapag nag-salita na yan si lolo ng seryoso, kailangan talaga naming gawin yun!

Jusme! Por diyos, por santo. Hindi pa ako handa!

"Sige po gagawa na kami ni Kath. Di'ba?" biglang sulpot ni Daniel. Napilitan akong tumango.

"Good sige puntahan muna namin Ang mom and dad niyo." paalam ni lola at naglakad paalis.

Nang maka-alis na sila ng tuluyan ay agad kong kinausap si Daniel.

"Hoy ano yun?! Takte ka Daniel!" asik ko at sinamaan siya ng tingin.

"Bakit?ano ginawa ko?" pa-inosenteng tanong nito..

"Ba't mo sinabi yun? Pa'no kung umasa sila? Alam mo namang hindi pa tayo ayos!" inis na sabi ko dito.

"Ganun din naman yun magkaka ayos din tayo at magkaka-baby, tsaka lolo at lola mo na yung humiling nun. Gusto mo bang ma-disappoint sila?" pangongonsensya niya. Oh no.

Umiling na lang ako at tumungo. "Psh!"

"Halika na." yaya nito sa'kin.

Nagtataka ko naman siyang tiningnan. "Saan?"

"Gagawa na tayo ng baby." sabi niya na ikinapamula ng mukha ko.

"Tse!"

Tinalikuran ko na siya at umalis para bumalik na sa party.

***

HUSBAND SERIES#1: My New Boss Is My Husband?✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon