Chapter 1 (New Version)

2.3K 57 31
                                    

Zelle

"[Bago magtapos ang lahat, guys I just wanna say thank you for your support!]" Ani ng lalaki at nagsimula nang maluha.

Shit. . .

Shit. . .

Shit!

"[Kung wala kayo, wala rin ako rito sa harapan ninyo. . .]" Dagdag pa niya.

First time ko 'tong makita, ang maiyak siya. . .

Parang dinudurog na rin ang puso ko! Mantakin mo!? Ang isang Ken Suson na bad boy looks. . . Ay umiiyak pala!?

Pero parang mas naiiyak ako kasi hindi ko siya napapanood ng tunay. I mean, eto lang. Facebook live lang. Nakakainggit tuloy ang iba niyang fans.

Na nandoon at nagkakandapalirit na, dahil ang gwapo niya talaga!

"[Maraming salamat sa inyo!]" Nag-finger heart pa si Justin na tinilian talaga ng marami. Sobrang lakas nga at pati ako napairit na rin.

Pero bigla kong naramdaman ang yabag na papunta sa kwarto ko!

Eto ang shit!

Si Nanay!

"Hoy, Zelle!! Alam mo namang galing ako sa trabaho tapos magiiirit ka!!?"

Bigla ko tuloy naitago ang cellphone ko sa ilalim ng unan sa gulat at takot na rin sa sigaw ng nanay ko.

Badtrip.

"S-Sorry po. . . Nay." Mahinang saad ko.

"Letseng buhay 'to! Maglinis ka ng buong bahay!" Padabog niyang isinara ang pintuan nang makalabas.

Agaran ko namang kinuha ang cellphone ko nang maramdamang nakalayo na siya sa kwarto ko.

"[That is true, we really do appreciate your efforts, A'TIN! Hanggang sa muli!]" Sabi naman ni Sejun. And then he smiled genuinely.

My heart!

Kaso agaran ring natapos ang Facebook live, my gosh!

Hindi ko napanood magsalita si Stell and Josh!

Pero. . .

Hindi pa rin talaga maalis sa isip ko 'yung itsura ni Ken nung nakita ko siyang umiiyak.

Ang sakit sa puso, grabe.

Pero sobrang saya rin ng puso ko, sa kabilang banda.

Kasi, 'yung tipong 'yung bias mo, iiyak dahil sobrang nagpapasalamat siya sa suporta ng fans, grabe!

Knowing na si Ken ay minsan lang mag-express ng feelings niya, pero kapag naman ginawa na, maf-fulfill naman talaga ng sobra ang puso mo kase sobra-sobra pa sa in-expect mo 'yung ginawa niya.

Bumalik na ako sa pagkakahiga at nag-inat muna ng katawan sa higaan. Nag-browse nalang muna ako ng facebook dahil mamaya pa namang 4:30pm ang trabaho ko sa club.

Pero hindi ako nagma-martilyo, huh! Waitress po ako ng Mariones club dito. Bar na rin siya kung maituturing, may alak, pwede mag-videoke, at minsan nga kapag late ako nakakauwi,

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon