Chapter 14

667 35 25
                                    


Ken

Everything pisses me off.

The air, the vehicles, the convenient store, everything!!

Wala naman akong pakialam kung, inakbayan ni Josh si Zelle. Pero, babae siya e! Babae, dapat hindi basta-basta hinahawakan!

My lola told me before that you cannot easily touch a girl. At sinusunod ko pa rin 'yun!

Pero bakit mas lalo akong nainis nung sinabi ni Josh na, exempted naman siya sa rule na 'yun?! 'Yung hands off pagdating kay Zelle!

"Tsk. Nababaliw na ako." I shooked my head.

Nagiintay nalang kami ng bus para bumalik sa lugar kung saan kami dapat makabili ng ticket para makapag-roro papuntang Manila. We are off to Batangas port.

"Ken. . ."

I didn't respond.

Sandali, bakit nga ba ako nag-iinarte?

What the hell is happening to me?

"Ken galit ka saKEN?" She puts an emphasis to the word KEN. Which made me smile.

"What is it?" Nakatalikod ako kay Zelle, dala-dala ko pa rin ang bag niya na hindi naman kabigatan. Nasa kamay ko rin ang mga pagkain na binili ko para sa kaniya dahil baka magutom siya mamaya sa biyahe.

Katabi niya si Stell na nakahawak na NAMAN sa mahaba niyang buhok na naka-tirintas, sigurado akong si Stell ang may gawa niyon.

Oh, e ano naman ang kaso sa akin non?

Tama. Walang kaso sa akin 'yon.

Iniwan niya si Stell sa likuran at tumabi sa akin.

"Galit ka ba sa akin?" Biglang napawi ang mga nasa isip ko nang marinig ko ang boses niya. Sandali, bawal 'to. Bakit parang nakokonsensiya naman ako?

E dapat nga, pagalitan ko siya dahil basta-basta siyang hinawakan ni Josh.

Naramdaman niya sigurong hindi ko parin siya sinasagot, kaya nagulat ako ng bigla niyang higitin ang suot kong polo sa bandang manggas kaya naman nalihis iyon at tumambad ang kaunti kong balat sa balikat!

"Uy, Zelle masyado kang mabilis ah."

"Nyay! S-Sorry! Hindi ko naman sinasadya!"

Nakangisi pa rin si Josh at si Stell naman, tatawa-tawa sa nangyari sa akin. Hindi na rin ako nakatiis, natawa na rin ako.

Zelle Gamaliel, nako. Ibang klase ka talaga, yare na.

"I'm not, haha." Sabi ko sa kaniya at saka inayos ang damit. Nakanguso pa rin si Zelle habang nakatingin sa akin at tinanong akong muli."Hindi nga, Zelle." Saad kong muli at iaabot sana kaya ang mga binili kong pagkain kanina sa convenient store para sa kaniya pero huminto ako.

Baka mahirapan kasi siya sa pagdadala, may kabigatan rin kasi.

"E, bakit ang moody mo kanina? Inakbayan lang naman ako ni KUYA Josh ah. Pati si Justin, moody rin. Niloko pa ako, ay hindi! Biniro kanina na nasasaktan raw siya kapag nakikita akong may kasama kita, Ken!"

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon