Chapter 29

669 39 15
                                    

Ken

"Josh—"

Sa kung paano kami sumigaw ng pangalan niya ay ganoon nalang pagkagulat ko nang mabaril ni Justin ang kamay ni Espinosa kaya naman nagkaroon si Josh ng tiyempo para makatakas at pagbabarilin ang iba pang tauhan ng mayor, pero padagdag lang iyon ng padagdag.

May kasamang sundalo na matataas ang rango si Justin, kahit may sugat siya at daplis ng bala sa gilid ng ulo ay seryoso siyang nakikipaglaban.

"Puta, intense 'yon!" Pagbibiro ni Josh, sobrang intense to the point na halos magkulay papel na siya. "Nginitian kita Keuna, akala ko sasabog na cerebellum ko e."

"Hindi ito ang tamang panahon para magbiro, Josh—may tama ka sa likod!"

Bigla nalang itong natumba sa harapan namin kaya naman nasalo ko ito, "Josh! Gumising ka! Kuya padala nalang si Santos sa headquarters, isugod niyo na po siya sa ospital"

Binuhat na ng isa sa kanila si Josh at sa likod ng bakuran dumaan. Lumabas na kami para tulungan sina Justin kaso kaagad akong napahiyaw nang tamaan ako ng bala sa kaliwang braso.

Walangya, pangatlo na'to ah.

"Ken, langya naman umalis ka na dito! Kami nalang ni Justin!" Alalang saad ni Sejun habang gumaganti pa rin ng paputok ng baril sa mga tauhan ni Espinosa. "Mauubusan ka na ng dugo tangina!"

"G-gawin.. ko lahat, kaya ko!" Kada salita ko ay kumikirot ang buong sistema ko. Gusto nang bumigay ng katawan ko pero ang puso ko, ayaw.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtakas ni Espinosa sa bandang likuran ng mga tauhan niyang nakaharap sa pwersa namin kaya walang anu-ano'y gumitna ako para pagbabarilin lahat ng nakaharang. May paparating pang katana sa akin pero binaril ko rin ang kamay niya't naagaw iyon. Lahat ng sumasagabal sa daan ay tinatagpasan ko ng leeg, ilang bala na rin ang tumatama sa buong katawan ko pero nananatili pa ring gising ang isip ko.

Hindi ako pwede mamatay, kailangan kong maabutan si Espinosa.

Malayo na ang natatakbo niya mula sa akin kaya pinilit ko pa ang makakaya ko, si Sejun ay paulit-ulit lang sa pagsigaw sa pangalan ko pero nanlalabo na ang paningin ko.

Bumagsak nalang ang katawan ko sa kalsada sa sobrang daming bala ng baril na natamo, nawawala na rin ang pandinig ko. Palpak. Isa kang malaking kapalpakan sa buhay, Suson.

Zelle, pwede bang makita muna kita? Kahit sa huling sandali lang gusto sana kitang makita, kung pwede lang naman. Marami na akong nagawang kapalpakan sa'yo pero eto, hanggang sa huli lumalaban ako para sa'yo. Alam kong matatalo nila Sejun si Espinosa, magtiwala ka.

Sa buong buhay ko, hindi pa ako nakaranas ng ganitong pagmamahal, at hindi ko inakalang sa'yo ko pa mararanasan 'yon. Hindi ko inakalang ipaglalaban kita, kahit buhay ko na ang magiging kapalit gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita.

Pasensya na kung matutulog na muna ako, hindi na kaya ng mga mata ko e. Always remember Zelle, that if my life is a movie, you're the best part.

Unti-unti nang nagdilim ang paningin ko pero nakarinig ako ng isang malakas na pagsabog.

"Subukan mong mamatay, KEN! PAKAKASALAN MO PA AKO!"

Doon tumambad sa akin ang babaeng nakaputing damit na hanggang tuhod, masama ang tingin sa akin at may hawak na baril.

Agad nabuhay ang dugo ko ng makita ko si Zelle, na binabaril ang mg lalaki sa paligid ko, may hawak rin siyang katana sa kabilang kamay at nakitang tumakbo siya para pagsasaksakin ang mga lalaking nabaril na niya.

God granted my whish. She came.

Sinigurado niya munang patay na ang lahat sa paligid saka niya ako pinuntahan at inihiga ang ulo ko sa ibabaw ng hita niya.

"K-Ken! Tangina, anong ginawa nila sa'yo!? Isumbong mo sa akin!" Naiiyak na kaagad siya kaya naman natawa ako. "Bwisit ka, 'wag kang magtawa!"

Hinawakan ko ang pisngi niya pero napaubo ako ng dugo. "Pinatay mo na lahat, Zelle."

"Sina Stell!? Si Justin, si Josh!? Nasaan na sila!?" Wala nang tigil ang pag-agos ng luha niya, kaya masikap kong inabot ang pisngi niya para punasan iyon. "K-Ken," Hinawakan niya ang kamay ko.

"N-nasa headquarters na sila, s-si Sejun rumaratrat pa rin." Nagsinungaling nalang ako at hindi na sinabi sa kaniya na malubha ang lagay ni Josh at Stell. Pero mukhang ako ang na-combo, haha. Potcha kumikirot! "Z-zelle, una sa lahat, sorry."

"H-huwag mo ngang sabihin 'yan! Hindi ka naman mamamatay na e!" Sinuntok niya ang sugat sa balikat ko! "Kukurutin ko'to para magising ka!"

"Pangalawa, pasensya na kung gago ako." Saad ko. Muli akong napaubo ng dugo, kinakapos na rin ako ng hininga. Umiiyak pa rin siya at sinusuntok ang mga sugat ko sa katawan.

Alam kong sa mga oras na ito, mamamatay na ako, kaya kailangan kong sabihin sa kaniya ang lahat.

"Pangatlo, tatandaan mo lagi na mahal na mahal kita, hindi ko akalain na makikilala kita at magiging ganito ako kabaliw sa'yo," Namamanhid na ang kalahati ng katawan ko at gusto nang pumikit ng mga mata ko. "Maging masaya ka Zelle, h-huwag kang mag-alala, susubaybayan pa rin kita sa malayo."

"A-ANO!? TUMIGIL KA! HINDI KA PWEDENG MAMATAY!K-KEN!K-ken.." Yumuko siya para yakapin ako, "Ken, Ken hindi ako nakikipagbiruan Ken! Mahal na mahal rin kita! Tangina, oo na hindi ko parin tanggap! Kaya mabuhay ka naman oh, Ken!" Sumuntok siya sa semento kaya naman kahit wala nang pakiramdam, hinawakan ko ang kamay niya. "Ken sawang-sawa na akong maiwan, wala nang natira sa akin! Pati ba naman ikaw, iiwan ako!? Sinungaling ka! Napaka sinungaling mo! H-hindi, hindi ka marunong tumupad sa pangako!"

Ilalapit na sana niya ang mukha niya sa mukha ko pero dugo mula sa ulo niya ang humalik sa mga labi ko.

Tuluyan nang bumagsak ang katawan niya. Saktong tumapat ang mukha niya sa tapat ng mukha ko,

Pero binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti na pinabaon niya sa akin para magpatuloy ako sa buhay.

ו×

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon