Chapter 25

639 32 4
                                    

Justin

"Hoy po, ngiti ka na please?" Nakatalikod pa rin siya sa akin kaya naman bigla akong nakonsensya. "Hindi ko naman alam na takot ka pala sa ipis e. Sorry na Zelle---ate Zelle?"

Naglilinis kasi kami ng bakuran ni Josh rito, we're staying here for one week kasi wala ang parents niya. Sabi niya he'll throw a party para kay Zelle. Noong una ay kaming lima lang, pero nag-insist si Stell na isama si Ken kahit nga magda-dalawang buwan na siyang hindi kami kasama. Later for that.

Back to the topic, may nakatambak kasi na kahoy rito malapit sa fountain nina Josh, ayon. Sinubukan ko lang namang tanggalin 'yung mga nagkapatong-patong kaso nagliparan 'yung ipis. Dumapo 'yung apat kay Zelle. Sa likod niya, apat talaga! E kaysa naman ako magtanggal, bawal kaya! Tinawag ko nalang ang pangalan niya, hindi ko pa natatapos sasabihin ko, may dumapo nang isa ulit sa mukha niya kaya siya napatakbo.

Nagtatawanan sina Sejun at Josh, hindi ko rin mapigilan ang paghilhil sa mukha ni Zelle. Haha! Pero pinagalitan ako ni Stell kaya sa kaniya na sumama si Zelle :(

"Patay ka..pag nagsumbong 'yan kay Ken yare ka."

"Edi wow Josh!" Binelatan ko nalang siya at humabol ulit kay Zelle. Si Sejun ang nagt-trim sa mga matataas na damo, si Stell ang nagaayos ng upuan at lamesa, si Josh ang nagdidilig sa mga halaman at si Zelle ang nagwawalis. Katabi ko 'yan e, lumayo :(

"Bro, isasama ko si Zelle bumili bukas ng lulutuin. Tiyaka si Stell." Inilapag niya na ang lagadera sa gilid at pansamantalang umupo sa lamesa at nagpakawala ng hininga. Itinaas niya rin ang damit niya kaya tumambad ang 8packs niya pero agad ko 'yong tinakpan.

"Josh may babae talaga dito." Inis kong tugon. Napatawa lang siya. "Oo haha, sorry na." Ibinaba na niya ang damit niya.

"Eh teka, bakit pati ikaw sasama? Sila nalang ni Stell. Madami pa kayo e." Sabi ko.

"Eh!" He mocked. "Gusto mo ikaw nalang?"

Napanguso ako at napatingin sa gawi ni Zelle. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero nagiwas rin. Lalo tuloy akong napanguso. Nakabusangot parin ang mukha niya.

"Galit nga!" Natawa na naman si Josh sa akin at tinapik ang balikat ko bago ngumiti.

"Suyuin mo lang, baby Justin!" Tumayo na siya para bumalik ulit sa ginagawa. Walanghiya. Baby Josh kasi ang palaging tawag sa akin ni Zelle pero ngayon, hindi! :(

"Tss. Sila nalang ni Stell."

"Okay. Sabihin mo na dun, dun!" Tinuro niya si Zelle na tinuturuan si Stell mag-arnis gamit ang walis-tingting. Okay, sila na may bonding :(

(Imaginin niyo sad expression ni Justin, whahaha!)

Malungkot pa rin ang mukha kong nagtungo kay Stell, natigil naman ang ginagawa nila at tumingin sa akin. Pero si Zelle, nakabusangot pa rin! :(

"Sabi ni Josh kayo raw bumili ng lulutuin bukas," Sabi ko. "Kayo ni ate Zelle."

Hi Zelle. Malungkot ako, malungkot ako :(

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon