Chapter 13

759 30 19
                                    

Zelle

"Tingin mo, magugustuhan ako ng manager ng fast food na sinasabihan mo, Sejun?" Hindi na ako mapakali rito kahit sa susunod pang araw ang pagpunta namin sa sinasabi niya. Nakakaba lang talaga.

Sanay naman ako sa trabahong ganoon, kaya lang iba pa rin siguro ang mga ugali ng tao sa Maynila. Mga sosyal, samantalang ako maganda lang.

Hays.

Lumapit sa akin si Sejun saka ako tiningnan sa mga mata. 'Wag naman ganiyan, pinuno. Baka bumaliktad ako ng bias e.

"Don't worry about that, Zelle. Ako naman ang bahala saiyo. Hindi mo na kailangang magpasa ng resume dahil ako na ang nag-recommend sa'yo sa kanila." Sabi niya at binuksan na ang pintuan para makalabas kami pero pinauna niya ako. "Tiyaka sa susunod pa namang araw 'yun, ano ka ba." Bahagya siyang natawa.

E, kinakabahan parin kasi talaga ako. Ibang tao na kasi ang makakasalamuha ko, alien ba ay de joke lang.

"Hey green eyes,"

"Josh!" Bulalas ko. Ang walanghiya talaga, bakit ba ang hilig niyang manggulat!?

"Hands off, Cullen." Dinig ko si Ken na nagsalita sa likuran. Hala!

Nakaakbay pala sa akin si Josh!

Nasa kabilang gilid ko si Sejun na hindi na rin maipinta ang mukha. Teka, hindi ba masyado silang OA? Pati si Justin ay nilingon kami. Si Ajero naman ay tatawa-tawa.

Nakaakbay lang naman sa akin si Josh ah, grabe naman sila? Ipapasa ko na sa kanila ang trono ni Juanito ng pagiging maginoo.

At sandali nga, aber.

Bakit parang biyernes santo ang mukha ni Ken, malayo pa naman ang mahal na araw ah? Wala siguro talaga 'to sa hulog. O baka, nasobrahan sa manok? Nakanguso kasi siya habang nakatingin kay Josh e.

Nilingon naman ni boss amo si Ken at mas lalong inasar. Yare!

"Bakit? Exempted naman ako sa rule na 'yun kasi hindi naman siya sa akin titira ah." Aniya at mas inakbayan pa ako. "Tiyaka 'wag nga kayong maaning diyan, parang kapatid ko na 'tong si Zelle." Ngumiti naman ako sa sinabi niya.

Napaiwas nalang ng tingin si Ken, pati si Justin. Ano bang nangayayari sa dalawang 'to?

Wala akong kaide-ideya. Basta ang alam ko, mahal ko si Ken. 'Yun lang, hindi nga lang niya ako magagawang mahalin kase, bawal. Matatanggal siya.

Tiyaka, asa naman na magkagusto sa akin si Ken, e ang gusto niya 'yung kaya siyang sabayang sumayaw? Maraming magagaling sumayaw na babae tapos, maganda rin. Ako, maganda lang. Malabo.

Tahimik kaming naglalakad palabas ng hotel para mag-check out. Nang matapos, bumili sila ng makakakain para sa magiging biyahe mamaya, dahil isang nakakangawit na oras 'yun, panigurado.

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon