Chapter 4

1K 41 8
                                    

Stell

"Hoy, Ajero!"

"Ano na naman!" Asar kong binalingan ng tingin si Josh. Susubo pa lang ng pagkain e!

We finished shooting our video with Tatang, and gabi na pati, kaya nagugutom na ako!

Si Justin kaya at Ken, nakakain na? Hindi pa kasi sila bumababa rito sa dining area mula pa kanina.

Okay, baka pagod.

"What do you think with the girl?" He asked. He sat in front of me. Balak niya pa sanang kumuha sa kinakain ko pero tinapik ko ang kamay niya. "Damot!"

"Aba, may paa ka. Kuha na doon oh." Turo ko sa kitchen. Hindi na niya ako sinunod at sumandal nalang siya sa upuan.

"So ano nga, anong tingin mo doon sa babae na, sinabi ni Ken?" Tanong niyang muli. "I know that you're not like that. Bakit mo sinabi kay Ken 'yung ganoong bagay?"

He's right.

He's pertaining to what I've said to Keun.

"Para hindi na siya mag-alala pa doon sa babae, Josh. Alam mo namang malungkot si Ken, kahit hindi niya ipahalata. Right?" He nodded. "So makakadagdag lang sa stress niya kung, aalalahanin pa niya 'yung A'TIN na nag-DM sa kaniya." I continued.

"Pero, curious na rin ako e. I think Sejun too. Sabi niya 'Me too' e." Tumayo na siya at hindi na siguro natiis, pumunta na siya sa kitchen at kumuha ng curry na niluto ng isa sa mga staff namin bago sila umalis.

Nagpatira ako, siyempre!

Bumalik siya sa kinauupuan niya, nakaharap sa akin at sinimulang kumain.

"I think Justin's doing something with it. Alam mo naman 'yun, may pagka-curious." Napatango nalang ang kuya ng SB19. "Basta, papansinin ko rin 'yung girl kapag di na ako medyo busy. Maybe one of these days."

"I'll DM her later, pero Stell sabihin mo kay Coleen na, as a friend lang 'yun. Hehe. Kukumustahin ko lang naman 'yung A'TIN. Baka sabihin nagtataksil ako. . ."

"Galing naman! Akala mo, kayo e ano!?" Humagalpak ako ng tawa kaya naman binigyan niya ako ng hindi na maipintang mukha.

Cullen, Cullen, Cullen.

"Yo, Suson!"

"Yo." Ken responded to Josh. Giving him salute. Tinanguan naman ako nito. Nagtungo na siya sa kitchen at mayamaya, lang sasabihin niya na--

"Uy Manok!"

Natawa kami ng lihim ni Josh. Ipinagpatuloy ni Ken ang excited niyang pagkuha ng manok saka gumilid para sumandok ng kanin sa rice cooker.

Mabilis ang kilos niya, napaka!

"Gutom na gutom, Suson?" Bungad ni Sejun na kakababa lang ng hagdan. Nginitian lang siya ni Ken at umupo na katabi ni Josh. Ganoon rin naman ang ginawa ni Sejun, pero kataka takang may hawak siya sa kabila niyang kamay.

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon