Chapter 19

631 43 8
                                    

Josh

Hala, bakit ang lapad ng ngiti ng babaeng 'to? Pero,

Pero naiyak?

"Hoy, Zelle. Halika nga rito." Napalingon siya sa akin, ngiti lang ang iginanti niya. "Sabi ko lumapit ka,"

Unti-unti siyang lumapit sa akin, bigla rin namang napatigil si Ajero sa pagc-cellphone. Maging si Justin, nahinto rin sa ginagawa at tumingin rin kay Zelle na papalapit na sa akin.

Si Sejun, bagsak. 'Yan, kala mo ha.

"Anong problema?" Saad ko nang makaupo na siya. "Tanggalin mo na 'yang hoodie mo, mainit na naman dito." Sinunod naman niya ang sinabi ko, saka siya nagtanong sa akin.

"Ano bang meron, Kuyang liit?"

Liit.

Liit, kuyang liit?

Isinantabi ko muna ang asar niya. Hays, mahirap naman makipag-asaran sa isang 'to nang ganiyan siya, baka pagalitan ako ni Ken.

"Anong ano bang meron? Bakit ka umiiyak pero nakangiti?" Sabi ko.

Kataka-katakang lumapit si Stell sa kaniya at hinawakan ang buhok. Ah okay, para itirintas. Nagulo na rin ito dahil na rin siguro sa pagkakasandal ng ulo ni Sejun sa kaniya. Si Justin naman ay lumapit rin, saka pinunasan ang luha ni Zelle.

Aayaw pa nga sana si Zelle pero nagpatuloy lang si Justin, nag-aalala siya e.

"Zelle, ano nga palang nangyari kay tita? Sinong, sinong naglibing sa kaniya?" Tanong ni Justin. "Simula kasi nang makabalik tayo sa hotel, hindi mo na inungkat 'yung tungkol kay mama. Sinong nag-asikaso kay nanay?"

Kamuntik na akong ma-wirdohan sa pinagsasabi nitong si Justin, pero na-gets ko na rin.

Ibang klase.

"Wow, Jah ha. Nung una, tita. Sumunod mama then parkour na into nanay? Swave." Natawa si Zelle sa mga pinagsasabi ni Stell kay Justin, habang si Justin naman ay parang inagawan ng moment? Ganoon.

"Okay na nga. At least napapatawa ka, Zelle. So what's the matter ba?" Saad ni Justin.

Tapos nang mag-tirintas ng buhok ni Zelle si Stell kaya umayos na siya ng pagkakaupo at nag-focus na sa babaeng may berdeng mata.

"S-Si tita na raw ang bahala, nakausap ko si tita noong sinabi ni," Tumingin siya sa akin. "Sinabi ni Josh na may nag-iintay sa akin. Pinuntahan ko siya at doon niya sinabi sa akin na, siya na raw ang bahala."

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon