Chapter 10

751 36 15
                                    

Zelle

"N-Nanay. . ."

Hindi pa rin makapag-sink in sa akin na, wala na ang nanay ko.

Masakit, sobrang sakit. At mas lalo pang nagpagalit sa akin nang malaman ko kung sino ang nasa likod nito. Kahit hindi na hanapin ng mga pulis, alam na alam ko na kung sino.

Si Espinosa. Ang mga hayop na pumatay rin sa tatay ko, sino pa ba?

Hindi ko na alam kung papaano ako makakapagsimula ngayon, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero alam kong hinding-hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nakakapaghiganti.

Dalawang buhay ang kinuha nila sa akin, maghahanda na rin ako ng dalawang hukay para sa kanila.

Nandito ako sa sulok, malapit sa dingding. Nasisinagan ng buwan, pero nang biglang umulan, mas lalo akong naghinagpis. Sobrang lamig na ngayon dito sa loob ng kwarto, at hindi naman ako marunong magpatay ng aircon na ito.

Patuloy lang ako sa pag-iyak, kinakaligkig na ako ng lamig pero mas nilalamig ang puso ko. Maraming salamat at nandito rin ang SB19 para damayan ako pero sa totoo lang, hindi ko inakala na dadating sila.

Lalo na si Ken, ramdam ko ang pag-aasikaso niya sa akin. Maging si Sejun, si Justin.

Alam kong sinisisi ni Stell ang sarili niya sa pagkamatay ni nanay, pero sa bawat pagkakataon na nakikita kong ganoon siya, tinatapik ko siya at inuulit na hindi niya iyon kasalanan. Sobrang nagpapasalamat pa nga ako biruin mo, sinubukan niyang iligtas ang nanay ko.

Siguro, kaya rin ako iniwan ni nanay, dahil alam niyang may mag-aalaga na sa akin. Ang SB19.

Pero ako pa rin talaga ang dapat sisihin sa nangyari, napaka-iresponsable ako.

Wala akong kwenta.

"Wala akong. . . Kwenta." Tumayo na ako at pinunasan ang mga luha. Balak kong lumabas, kaya naman sinuot ko ang hoodie na ibinigay sa akin ni Ken.

Binigyan niya ako ng damit niya, napaka swerte ko. Nakikita ko lang ang damit niyang ito sa pictures, pero heto't suot ko na.

"Where are you going?"

"Ay itlog ni Ken!" Bulalas ko. Napahawak ako sa puso ko ng dahil sa gulat, bwisit 'to! Kung hindi ko lang mahal e. Natawa siguro siya sa sinabi ko kaya siya nakatakip ng kamay sa bibig.

Ano ba kasing bibig 'to.

"Lalabas lang. Sama ka?" Ngiting tanong ko sa kaniya. Tumango siya at sinabayan ako maglakad palayo sa kwarto ko.

"Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kaniya. 10pm na rin kasi, dapat nagpapahinga sila. "Pagod ka, matulog ka na kaya?"

"Nag-aalala ako sa'yo," Sabi niya. Halos magmura na ako nung mapakinggan ko ang boses niya e,

Bakit naman husky. Nubanaman 'yan!

Kalma, Zelle. Inhale, exhale.

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon