Chapter 24

623 35 14
                                    

Ken

Nang mapatay ko ang makina ng sasakyan ni Tony ay sandali akong tumingin sa bahay ko. Lights were open, indicating that someone might be in there. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil nai-imagine ko si Zelle na nakaupo sa sofa ko, nakamasid sa paligid.

Bumaba na ako sa sasakyan at sinara ang pinto nito, bago ako nagtungo sa pintuan ko para kumatok.

"Zelle?" Nakatatlo akong katok bago ko muling banggitin ang pangalan niya.

Pero, ni hindi ko alam kung gusto niya ba akong makita. Is she still mad at me? Did my words hurt her a lot? Mahal niya pa ba ako? Ewan ko, gulong-gulo na ang isip ko.

Natigil iyon nang madinig ko ang mga yabag ng paa na paibaba na, mabilis ito at ramdam mong sabik na mabuksan ang pintuan. Am I ready?

In three,

Two,

One...

"I'm sorry---"

"Hijo, diyos ko saan ka ba nanggaling!?" It was manang. "Pero bilib ako sa'yo Hijo ah. Naka-sorry ka kaagad. Halika at pumasok, gagawan kita ng tsokolate."

Hinigit niya na ako papasok ng bahay nang mapansin niyang nakatulala lang ako sa kaniya. Where the fuck is Zelle? Damn. Akala ko, akala ko dito siya umuuwi? Bakit hindi sinabi sa akin nina Sejun na wala siya rito... Pinagkakaisahan ba nila ako?

May ginawa ba akong mali?

Puro tanong lang ang nasa isip ko, hindi ko na magawang masagot ang tanong ni manang sa akin dahil hindi ko na ito maintindihan. Bakit? Bakit wala siya? Hindi niya ba ako, gustong makita?

Umuwi nga ako para sa'yo pero wala ka naman dito.

"Hijo!" Tinapik ni manang ang balikat ko, saka lang ako nakabalik sa reyalidad. Nakalapag na ang mainit na tsokolate sa lamesa.

"Sorry po, ano po ulit 'yon?" Tanong kong muli. Kinuha ko na ang baso na naglalaman ng tsokolate na ginawa niya para sa akin at hinipan iyon bago ininom. Napangiti nalang sa akin si manang.

"Ang sabi ko'y saan ka nanggaling, bumalik ako dito noong nakaraan pero wala ka." Tumayo siya at lumapit sa ref para kumuha ng ginawa niyang pastel. "Ayan, kain. Bago lang 'yan." Saad niya. "Ano bang nangyayari sa iyonh bata ka at, natutulala ka?"

"Manang," Ani ko."Bumalik ba kayo dito kahapon?"

Tinanguan niya ako. "Aba'y oo! Ngunit wala ka pa. Asaan ka ba--"

"May naabutan po ba kayong babae na nandito sa loob?" Agad na kumunot ang noo niya, siya namang pagbuntong hininga ko. Wala. Wala siyang naabutan. Wala si Zelle, hindi niya ako inintay na makauwi rito.

"Babae!? May babae ka Hijo, sabi mo bawal sa inyo ang magka-nobya?" Tanong niya sa akin. Kahit mainit, dire-diretso ko nang ininom ang ginawa niya para saaking tsokolate.

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon