Chapter 9

862 30 23
                                    

1st POV for Cullen :)

Josh

If you were hurt, what's the first thing that comes into your mind? Sadness, Loneliness, Anger? What else?

Mahirap bang tanggapin na iyong gusto mong pusa, ay bigla ka nalang iniwan? Bigla nalang, nawala. Tapos, mahal na mahal mo pa 'yung pusa. Naging kaibigan mo na siya, dahil mag-isa ka lang at kahit hindi siya nakakapagsalita,

Alam mong naiintindihan ka niya.

Medyo pambata man itong ginamit kong example, pero alam kong naiintindihan ninyo kung anong gusto kong iparating.

Ako, hindi man ako pinalad na maging matiwasay ang buhay namin noon, na marami rin kaming problema, ay nagulat nang malaman ang nangyari kay Zelle. Hindi namin inakala na ganito ka-delikado ang buhay niya pero wala kaming balak umatras sa pag-protekta sa kaniya.

Ang totoo, mas namangha ako sa kaniya. Biruin mo? She can use gun! A gun for Pete's sake! Dapat lalaki ang humahawak ng bagay na iyon pero bihasa siya.

Siguro ay siya na rin ang nagturo sa sarili niya kung paano gamitin iyon dahil alam niyang kailangan niyang protektahan ang sarili niya. Dahil ibang tao ang kinakalaban niya.

Things may be rough for this girl, I know.

Ala-una na ng hapon ay wala pa rin kaming pahinga, kinakausap pa ng mga pulis si Zelle at kasama niya roon sina Ken at Sejun. Kinuha na ang bangkay ng nanay ni Zelle, kami naman nina Stell at Justin ay nakaupo na dito sa binigay na monobloc ng mga kapulisan. Binigyan rin nila kami ng kape. Iyong sa mga vendo-machines. Dito nalang pala ulit ako makakatikim nito, sa Manila kasi puro Starbucks.

Andito kami sa isang bahay ng kung sino man sa Pantolan at doon muna pinag-stay.

Hindi talaga kami kilala rito, normal na tao lang ang trato nila sa amin dito. Nakakapanibago man, pero kailangan naming i-adjust ang sarili namin dahil dayo kami rito. Para na rin kay Zelle.

Hindi pa namin saulo ang lugar, baka mamaya mapahamak na naman kami!

Pero infairness, parang nasa hukay na ang kalahati ng katawan ko kanina. Mabuti nalang at may skills si Zelle. Lalo na si Ken at Sejun! Walangya, parang mga action stars e!

No, shut up Josh. This isn't the right time to have jokes.

Kahit tanghaling tapat ay malamig rito sa lugar, tiyaka tahimik.

What should we do now?

Nabaling ang atensyon ko kay Stell na tulala, damn. Alam kong siya ang pinaka apektado sa amin dahil siya ang nagsubok na i-revive ang nanay ni Zelle, pero hindi niya nagawa.

Tinapik ko ang balikat niya saka nagsalita.

Napalingon naman siya sa akin. "Hey, don't blame yourself with what happened. It's not your fault." Nag-iwas siya ng tingin at itinuon nalang iyon sa kaniyang mga kamay. Kanina ay puro dugo ang mga iyon pero nakapag-hugas na siya.

"Stell, walang may gusto sa nangyari sa nanay ni Zelle." Saad naman ni Justin. "We should eat na. Nalipasan na tayo ng gutom."

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon