Chapter 18

652 29 8
                                    

Zelle

Hi Manila!

Bumungad sa akin ang mga building na nagsisitaasan, pati ang mga kotse na mabibilis na umaandar, mga billboard na malalaki na, teka bakit nakadikit sila? Hays.

Mariin kong hinawakan ang dala-dala ko at sumunod na kina Stell na nauna na palang maglakad sa akin. Jusko po, mamamatay siguro ako pag naligaw ako dito.

Pero mga kapatid, walang ganito sa probinsya namin. Unang beses kong makakita ng ganito, kaya kahit pagtawanan ako ng mga kasama kong parang mga holdaper dahil sa mask at cap na suot nila, wapakels! Nakaka-bano talaga, tiyaka ang dami ring bilihan ng mga pagkain, sapatos, at kung anu-ano pa. Iyong binilihan lang kasi namin ng damit ko sa Pantolan ay tiangge lang. Pero maraming pagpipilian huh!

"Zelle, pahinga muna tayo sa bahay ni Ken before tayo mag-shopping?" Saad ni Stell na hawak hawak ang stuffed toy niyang si Toki. "Masyadong nakakapagod ang biyahe e." Dagdag niya pa at hinawakan ang bandang likuran.

"Ngawit 'yan sa matagal na pagkakaupo, Stell. Hayaan mo hihilutin kita mamaya." Sabi ko. Napalingon naman siya sa akin at kinabig ang balikat ko para palipatin sa kabilang pwesto kung saan siya naroroon kanina, baka raw ako mahagip ng sasakyan.

"Nako, talaga?! Matagal na rin akong hindi nahihilot," Masiglang aniya na nagpangiti sa akin. Pero tinapunan niya ng tingin ang nasa unahan. "Kaso baka may mag-selos, Zelle."

"Nakakatawa ka, Stell. Si Justin, magseselos? Hindi 'yan. Bunso ko 'yan e." Sandaling naantala ang pagsasalita ko ng maisip ko rin kung, ano ba ang magiging reaksyon ni Ken.

Pero iling, Zelle. Hindi ka niya gusto.

"Tiyaka si Ken, may ibang gusto 'yan. Haha! Alam ko naman 'yun, ano ka ba."

Nauunang maglakad sina Sejun at Josh, habang si Justin at Ken naman ay magkasabay pero sobrang layo ng agwat sa isa't-isa.

Pero naiinis pa rin ako sa sarili ko dahil ako nga ata ang dahilan kung bakit ganiyan ang itsura nila ngayon.

Sobra talaga akong nabigla nang malaman kong gusto rin ako ni Justin, pero mas nabigla at medyo nasaktan ako nang madinig ko rin ang sinabi ni Ken na, "No. I don't like her." Na kahit hindi pa niya natatapos ang kaniyang pagsasalita ay magiging isa lang ang epekto sa akin ng mga iyon. Sakit.

Mga kapatid, uulitin ko, tanggap ko na ang bagay na 'yan. Na hinding-hindi niya ako magugustuhan dahil wala e. Eto lang ako. Kaya nga nagtataka ako sa sinabi ni Justin, hindi ko alam kung trip niya lang ba ako o kursunada, basta ang alam ko sa sarili ko, maganda ako.

Hindi ko na rin ipinahalata sa kanila na sobra pa rin akong nangungulila sa nanay ko. Hindi nila alam na sinabihan ako mg tita ko na hindi ako pwedeng dumalay sa sarili kong nanay dahil irresponsable nga raw akong tunay. Maraming salamat talaga at ng dahil sa SB19 ay nagagawa ko pang tumawa kahit ganito ang pinagdadaanan ko.

Pagkatapos ng maaksyong bugbugan sa bus kanina, napagod ako. Biruin mo, lundagin ko 'yung mga upuan sa loob ng bus, tapos aircon pa. Muntikan ko nang masukahan 'yung holdaper pero pinigilan ko kasi nakakahiya, ang ganda na ng tindig ko tapos susuka pa ako. Yare.

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon