Chapter 7

850 30 30
                                    

Zelle

Putanginaglass talaga mga kapatid,

Hanggang ngayon akala ko nananaginip pa rin ako e. Akala ko talaga na-budol lang ako pero hindi, hindi talaga. Thank you so much, Lord!

Gumising nalang ako ng maaga, pagtingin ko sa orasan dito sa kwarto ko 7am palang. Nag-diretso na muna ako sa banyo at nag-sipilyo saka naghilamos.

Tumingin ako sa salamin.

Bakit ang ganda ko?

Haha! Salamat talaga sa aking tatay, napakalakas ng dugo! Ang ganda tuloy ng mata ko. Berde. Hehe! Kulang nalang pati ang buhok ko ay maging berde.

Tapos magkaka-powers ako!? Wow!

Tapos kapag napahamak ang SB19, Ililigtas ko sila. Great! Zelle Gamaliel being their protector? Mag-apply kaya ako?

Lumabas na ako ng banyo at nagsuklay na muna ng buhok. Kataka-taka naman na hindi pa pumapasok si nanay dito sa kwarto para pagbungangaan ako. Ang peaceful naman.

Isinukbit ko sa buhok ko ang suklay na gamit ko, saka lumapit sa picture ni tatay. Grabe, sobrang saya ko nung nabubuhay pa si tatay. Sinasabayan niya kasi ako sa mga kalokohan ko, sinusuportahan niya rin ako noong nalaman niyang fan ako ng SB19. Sinubukan niyang gumawa ng paraan para makapunta ako sa mall show nila na malapit rito, pero hindi talaga natupad. Wala e.

Kapos sa pera.

Sinubukan ko namang mag-ipon noong nag-trabaho ako sa karinderya rito pero kulang na kulang talaga ang sweldo ko. Na sapat lang para sa araw-araw na gastusin ni nanay. Ayoko namang manghingi sa kaniya, dahil doon siya nagt-trabaho kay Mayor. Na ayoko sana pero hindi ko naman siya masabihan. Magaaway lang kami.

Pagtapos nitong sugat ko, itutuloy ko na ang ginagawa mo. Itutuloy ko na ang nasimulan ko.

Sinusubukan kong pasukin ang opisina ni Mayor Espinosa kung nasaan siya naroroon. Ginagawa ko iyon kapag pauwi na ako galing trabaho, sumasadya ako ng palihim pero hindi ko parin magawa dahil may mga bantay na bodyguards. Na halos doble ang tangkad sa akin.

E 5'3 lang ako! Saklap.

Ang plano ko ay gawin rin kay Mayor Espinosa kung anong ginawa niya sa tatay ko. Nagawa ko ngang mag-post ng article na tinype ko lang sa cellphone noong nakaraang taon. Hindi ako natakot, at mismong apilyedo ko ang inilagay ko roon.

Simula noon, naging mainit ang tingin ng mga tao ni Mayor sa akin. Siguro ay nabasa nila iyong ginawa ko. Lalo na siguro kung, sa facebook ko ipinost.

Bawal lumabas rito sa barangay namin. Bawal ring may pumunta. Exempted naman sa patakarang iyon ang mga nagt-trabaho sa kabilang barangay. E saktong doon ako nagt-trabaho kung nasaang barangay ang bahay ni Mayor kaya napapadali ang gusto kong gawin.

Ipinasara niya iyong barangay namin ng dahil sa nangyari sa tatay ko. Anong tingin niya, mananahimik nalang ako ng ganito? Hindi pwede.

Kabado, pero mas nangunguna sa puso ko ang galit.

Wala na akong pakialam kung walang tutulong sa akin. Basta magawa ko ang dapat kong gawin, kahit ikamatay ko pa.

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon