Chapter 11

771 39 3
                                    

Stell

"Gising na, Ajero! Kainan na!"

Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa paligid. Nakapameywang sa akin si Josh at iniintay ako.

"Ang ingay mo naman," Hindi pa naman ako gutom.

"Hindi raw kakain si Zelle kapag wala ka! Gutom na rin ako!" Nang banggitin niya ang pangalan ni Zelle, napatayo na ako.

Nag-aalala pa rin ako sa kaniya, kaya kahit sa ganito mang paraan mapasaya ko siya.

Sa kwarto raw ni Zelle kakain, naka-order na rin ng pagkain sina Sejun sabi ni Josh. Ang tumal naman, nakaligo na siya. Tsk!

Masyado kasi akong maraming napanaginipan, at isa na roon ang mga nangyari kahapon. Nag-flash lahat sa panaginip ko. Simula noong makita namin si Zelle na humahangos.

"Hi, Stell! Kain na!" Masiglang bungad sa akin ni Zelle nang makapasok sa kwarto niya. Naroroon na si Justin, si Ken naman ay katabi ni Zelle. Si Sejun ay nagbubukas na ng pagkain. Naupo na kami ni Josh sa sahig ay nag-indian seat.

"Dami ah," Nakangiti kong saad. Kumuha na ako ng parte ko, tiyaka kumuha ng baso at pinasalinan iyon kay Josh ng juice.

Kumain nalang kami ng tahimik habang si Zelle ay nagkukwento ulit ng buhay niya. She told her experiences noong panahong sinusubukan niyang patayin ang Mayor, siyempre gulat kami.

We're encouraging her not to kill the Mayor, madadaan naman kasi iyon sa korte at mas magdudusa si Mayor Espinosa oras na makulong siya. Pero tingin namin, disidido talaga siya.

Kung anong kinuha, 'yon rin ang kabayaran.

"Anong plano bukas, Sejun? Balik na tayo sa bahay?" Tanong ni Justin.

"Ah, oo. Doon titira si Zelle. Maraming bakanteng kwarto roon."

"Teka! Paano pag nakita siya ng staffs?" Agarang tanong ko. "Magagalit ang mga iyon ng sobra. . ."

Sandali kaming natahimik habang kumakain.

"Alam ko na!" Zelle exclaimed. Napatigil kami sa pagkain. "Magkakasambahay ako sa inyo--"

"No!" Sabay-sabay naming sagot. Hindi 'yon tama!

"T-Teka, alam ko namang kaya ganiyan ang reakyson ninyo dahil akala niyo'y hihingi ako ng sweldo. . ." Sabi niya. "Pero hindi. Tulong ko na iyon sa inyo. Sobra-sobra ang naitulong niyo sa akin. Kaya kailangan ko ring magbalik ng utang na loob."

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon