Chapter 8

819 33 12
                                    

Ken

"Bilisan ninyo armado sila!" Sigaw ng babaeng kapit-kapit na ang braso ko na nagpabalik sa akin sa huwisyo.

Siya. . . Si Zelle. Kinuha na niya ang gamit ko na nasa likod at mabilis iyong isinukbit sa likod.

Takot na siya.

She looked at me with her green teary eyes, before running. Tumakbo na rin kami ng mga kasama ko at sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung walang mapapahamak sa amin dahil sunod-sunod na ang putok ng baril.

Tinatawag na rin kami ng mga lalaking iyon pero hindi na kami para tumigil. Ang importante ay madala sa pagamutan ang nanay niya.

"Zelle! Saan tayo dadaan, diba locked ang barangay ninyo!?" Sigas ni Sejun na patuloy pa rin sa pagtakbo. Hindi na maipinta ang mukha ni Josh, parang maiiyak na siya.

"May alam akong daan!" Mabilis na tugon ni Zelle at lumihis ng daan.

Wala akong masabi ngayon. Basta ang alam ko lang, nararamdaman ko ang lungkot niya at galit. May dugo na rin ang damit ko pero hindi ko na ito pinapansin, ang mahalaga ay matulungan ko siya. Matulungan namin siya.

"Ayoko pang mamatay, Coleen ko!"

"Huwag kang maingay Cullen! Pag tayo natodas dito!" Suway ni Stell.

"Dito, dito!" Pumasok si Zelle sa tunnel at doon tumigil. Ihinarang ni Justin at Josh ang bakal roon saka sila sumunod sa amin. Inilapg ko na muna ang babaeng baba ko kanina at inasikaso iyon ni Stell. She's unconscious.

May kinuha si Zelle na bag na kulay itim na naglalaman ng,

"Kaya mong gamitin, love?" Paglalahad niya sa akin ng Calibre 45. Malakas ang putok ng baril na nanggagaling sa labas pero parang malakas pa yata ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. "Love?"

Para akong nahi-hipnotismo sa berde niyang mga mata.

Tinapik ako ni Sejun. "Ken!? Sumagot ka! Bigyan mo ako, Zelle." Inabutan siya ng isa pang baril at inilagay na niya roon ang magazine.

Nab-blanko ako.

Damn it! Hindi ito ang tamang oras para kiligin!

"I can." Buong tapang kong sabi kaya naman bago niya iabot sa akin ang baril ay nilagyan na niya iyon ng magazine. May silencer iyon. Ikinasa ko na ang baril at buong tapang na tumayo.

Hawak niya ang isang. . .

"Putcha! Shotgun!" Manghang sabi ni Josh. Sinenyasan siya ni Justin na tumahimik.

"I can hear them outside!" Mahinang bulong ni Justin.

He's right.

Tinatawag na kami nito.

"Huling tawag, mga binatilyo. Kapag hindi niyo inilabas iyang kasama ninyong babae, diretso kayo sa hukay." Sabi ng lalaki sa labas. Malalim ang boses, pero mas malalim ang boses ko.

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon