Chapter 26

636 32 16
                                    

Stell

"Sagot!"

Teka, parang pamilyar 'yung boses na 'yon ah?

"Stell, manghahampas si Zelle!" Hinatak ako ni Justin palapit sa narinig ko, at gulat kong nakita roon si Zelle!

"Ano'tnampucha talong!?" Hindi ko alam kung matatawa ako o mangangamba, para kasing ano mang oras mula ngayon makipagsuntuak itong si Zelle. "Tara tara!"

Mabilis namin siyang pinuntahan, napatingin naman ang mga kaharap niya sa amin at napairap nalang. Luh, problema mo ate? Di ka naman inaano ni Don Ajero.

"Aba't! Gusto mo yatang magpadukot ng mata e!? Ano!?" Sinubukang awatin ni Justin si Zelle pero hindi ito tumigil. "Mga babaeng 'to! Bakit!? Ano bang ginagawa sa inyo ng SB19 para sabihan niyo sila ng ganiyan!? Ha!? Wala kang karapatan!" Dinuro niya ang babae na nagsabi sa amin ng copycat. "Wala kayong karapatang sabihan sila ng ganiyan dahil HINDI. NIYO. SILA. pinapakain! Wala na ba talaga kayong magawa sa buhay ninyo!? Kaya pinagdidiskitahan niyo buhay ng ibang tao!? Para lang sa kaalaman niyong tatlo,"

"Zelle tama na.." Tiningnan niya lang ako at sinenyasang sandali.

"Wala pa sa kalingkingan ng mga naranasan ninyo, ang naranasan ng SB19 KAYA UTANG NA LOOB, kung wala kang magandang sasabihin mas mabuting itikom mo nalang 'yang bibig mo! Dagdag polusyon lang 'yan sa mundo!" Sabi niya sa mga ito. "Ke bata bata niyo pa ang galing niyo nang mamintas, pagpipitasin ko kayo ng malaman ninyo."

Umalis ng naiyak ang tatlong binungangaan ni Zelle, habang ako at si Justin naman ay sinabihan rin si Zelle.

"Hindi ba parang sumobra ka naman yata Zelle?" Saad ni Justin kay Zelle na patuloy pa rin sa pagtingin sa listahan. "Umiyak 'yung mga babae, dapat pinabayaan mo nalang, sanay na naman kami—"

"Anong sanay sanay!? Hindi uso sa akin 'yon! Kahit naman sanay na kayo may damdamin pa rin kayo uy!" Lumuhod siya para kumuha ng repolyo. "Ano pa't nandito ako, ipagtatanggol at ipagtatanggol ko kayo. Hindi ko kayang makatiis kapag may naririnig akong maling sinasabi sa inyo." Nakanguso niyang sabi.

Napabuntong hininga nalang ako, wala naman kaming magagawa. E kung nakipaglaban pa ng pisikal 'yung mga babae, baka sa prisinto kami mag-celebrate nina Zelle. Hays. Buti nalang.

"Pero salamat doon, hehe." Nakangiting bawi ni Justin.

"Thank you? Lilibre moko oy." Napakamot sa ulo si Justin at tumango nalang. Tinulungan na namin si Zelle maghanap pa ng dapat bilihin. "Hala hawak-hawak ko pa 'to!?"

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon