Chapter 27

599 33 6
                                    

Sejun

Unti-unting nadurog ang puso ko sa nakita.

"ZELLE!!"

Mas lalong naginit ang dugo ko nang hugutin ng lalaki ang espada sa katawan ni Zelle, at ang pagbagsak ng katawan niya. Mabilis na sinugod ni Ken ang lalaki na sumaksak kay Zelle at pinugutan ito ng ulo.

"Justin, Josh, Dalahin niyo na siya sa ospital." Seryosong saad ko. "Stell, tayo nila Ken ang bahala rito."

Gamit ang dalawang espada, sinugod ko ang mga lalaki, hindi ko na alintana ang dugo, mga tama at saksak sa mga braso ko dahil ang mahalaga, mapatay ko silang lahat. Patuloy si Ken sa paglaslas ng mga leeg nito habang si Stell naman ang sumasaksak sa tiyan at puso. Ako ang lumalaslas sa mga binti nila,

Wala akong ititira na kahit isa.

"Fuck you!" Pagmumura ni Ken sa lalaking sumaksak kay Zelle at tinarak ang espada sa leeg nito hanggang sa makita na ang buto nito. "Tang*na mo! Tang*na mo! Mamatay ka! Sinaktan mo si Zelle! Sinaktan mo.." Bumagal na ang pagtarak niya sa leeg ng lalaki at napaluhod nalang ng lumuluha.

Wala ng mas sasakit pa dito. Nagdidilim na ang paningin ko at wala na akong ibang alam na gawin kundi ang pumatay.

Nakaramdam ako ng presensya sa likod ko kaya agad akong lumayo at inilipat ang ang espada sa kaliwang kamay at iwinasiwas sa binti ng lalaki sa likod ko ang espada. Natumba siya at umungol sa sobrang sakit at binigyan siya ng malakas na suntok at sipa ni Ken.

"Awat na muna Ken." Saad ko. Umiral ang malansang amoy sa paligid, nagkalat ang mga dugo, iba't-ibang parte ng katawan ng mga lalaki, ang iba'y namatay pa ng dilat.

Itinuon ko ang pansin sa lalaking naghihingalo na. "Nasaan si Espinosa?" Kalmadong tanong ko. "Sa bawat pasisinungaling mo, tatanggalan kita ng dalira sa paa. Kapag hindi mo naman sinabi ang totoo, buhay kitang babalatan." Patuloy pa rin siya sa pagdaing dahil sa malalim na sugat niya sa binti. "Nasaan siya?"

"H-Hindi ko alam!" Tinagpas ko ang hinlalaki nito sa daliri. "AAHHH!!!" Nakamasid lang sa akin si Stell, sinasabihan niya akong tama na pero hindi ko kayang sundin iyon.

Sinaktan nila si Zelle. Sinaktan nila ang babaeng nagbibigay saya sa amin.

"Sumagot ka kung ayaw mong tusukin ko 'yang mata mo!" Galit na saad ni Ken. Pero bigla nalang niyang itinusok sa mata ng lalaki ang espada dahil hindi pa rin ito nagsasalita.

"Ken! Tama na!" Inaawat na ni Stell si Ken pero katulad ko, hindi rin ito nakikinig.

"Anong tama na!? Sila! Sila ang dahilan kung bakit napahamak si Zelle!" Diniinan niya pa lalo ang espada sa mata ng lalaki-

"NASA KAPITOLYO SIYA!!-AHHHH!"

"Saan ang kapitolyo!?"

Galit na galit si Ken, ibang-iba siya ngayon. Idagdag mo pa ang dugo na nagkalat sa damit ang mukha niya. Handa niya talagang banggain ang lahat para kay Zelle. Lahat. Kahit pwede siyang mapahamak.

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon