Chapter 15

687 36 22
                                    


Josh

"Gising na, Sejun. Andito na tayo." Niyugyog ko ang balikat ni Sejun na tulog na tulog pa.

Nandito na kasi kami sa Batangas port at nagsisitayuan na rin ang mga pasahero dito. Sinenyasan ako ni Stell na magpahuli na muna kaya naman tumango ako. I leaned my back again.

I am wondering. Ano kaya ang gagawin ni Justin oras na makababa kami sa bus na ito? Anong magiging reaksyon niya kapag si Zelle na mismo ang nagsabi na si Ken ang gusto niya. Alam ko naman, kitang kita na kay Zelle na si Ken ang gusto niya.

Pero hindi ko alam kung ganoon rin si Ken. Ang hirap kasing basahin ang ugali ng isang 'yun. Minsanan lang pang tumawa, kaya akala mo laging badtrip. Pero kapag pinaguusapan na ay A'TIN, doon siya ginaganahan.

Nagkwento siya sa akin before na, ng dahil raw sa A'TIN, nagpapatuloy pa siyang mabuhay. Biniro ko pa siya na napaka-OA naman niya. Pero sinagot niya lang ako ng, "Malipayon kayko pirmi tungod nila, that's why I am doing everything for them. Sila ang inspiration ko."

Sana naman, kung magugustuhan ni Ken si Zelle, siguraduhin niyang hindi niya sasaktan ang isang iyon. Aba. Hindi biro ang mamatayan.

Nakalabas na ang ilang pasahero ng bus nang may lalaking tumayo at nagpaputok ng baril.

Shit!

"Holdap 'to!"

Hindi na magkandamayaw ang mga pasahero sa bus, dahil may isa pang lalaki na tumayo at tinutukan ng baril ang konduktor.

Walangya, mauulit na naman ba?

Nagising na si Sejun sa ingay, pero wala siyang ekspresyon! Alam na niya agad ang nangyayari!?

"Sejun! Anong gagawin natin!?" Aligagang tanong ko sa kaniya. Nilingon ko sina Stell at Justin, kalmado lang rin silang dalawa.

Ano ba!?

Tumingin lang si Sejun sa gawi nila Zelle, kung nasaan rin si Ken. Tumango siya na para bang nagkakausap sila using eye contact, walang anu-ano'y naglabas si Sejun ng,

"Toothbrush!? Anong gagawin mo sa toothbrush!?"

Nagiiritan parin ang karamihan dito sa bus, ang iba'y takot. 'Yung iba naman ay sinusubukang manlaban pero kapag tinututukan sila ng baril napapaurong sila.

Hindi ako sinagot ni Sejun at tumayo na siya---

"SEJUN!!!"

Hiyaw ko! Walanghiya!

Nilapitan niya kasi ang isang holdaper na malapit sa unahan saka mabilis inagaw ang baril. At tinusok ang lalaki gamit ang toothbrush sa mata!

Woah.

Woah talaga. Paano niya nagawa 'yun! Ang bilis!

Mabilis na nakalayo si Sejun at ibinato kay Zelle ang baril, si Zelle naman ang tumayo pero dahil sa nakaharang ang mga tao sa dadaanan niya, lumundag-lundag nalang siya sa mga upuan ng bus! Ang gaan ng katawan niya, ibang klase!

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon