Chapter 23

616 32 6
                                    

Ken

"Dude, drink this!" Saad ng lalaking nasa kaliwa ko. "Pumunta ka pa dito kung hindi mo rin lang naman maiinom 'tong treat ko sa'yo!" Sinikad niya ang siko ko. "Ano bang problema?"

"Tony, would you please shut your mouth? Kahit ngayon lang,"

After what happened to us, between me and Zelle, hindi pa ako nakakauwi sa bahay ko dahil alam kong naroroon siya. Hindi ko rin maiwasang mag-alala para sa kaniya dahil wala siyang kasama roon. Pero alam ko ding nandyan si Justin para sa kaniya kaya ibinigay ko na ang gusto niya. Diba?

Ano namang saysay ko kung paulit-ulit niyang sasabihin na natanggap niya nang hindi ko siya gusto? Ano pang gagawin ko doon, e si Justin naman ang pinahahalagahan niya at hindi ako. I maybe too immature for these things pero I was a little bit hurt. Huhupa rin naman ito, hindi ko lang magawang harapin si Zelle.

But my feelings for her didn't changed.

Ayoko lang na ako 'yung nagiging dahilan para masaktan siya. Tama nang lumayo na muna ako, magpahinga ba. Kaso hanggang kailan?

"Edi okay!" Tatawa-tawang sabi niya. Hinayaan ko nalang siyang uminom kaya naman natahimik na ako.

Tony is my friend since then. He's staying here in Manila for good, and he has a liquor business kaya kapag nadating ako, naglalabas agad siya ng alak. Na hindi ko naman iniinom dahil bawal. I'm here at his house, dito na muna ako pansamantalang magpapalamig.

Nakausap ko rin ang management kung may paparating na ba kaming events, luckily it's on September. 4 months from now. Baka 4 months rin akong mawala. And I really hope that after 4 months, okay na ang lahat.

May communication pa rin ako kina Stell, Josh, Sejun at Justin pero hindi ko tinatanong kung asan si Zelle. Ayoko ring malaman, baka hindi ako makapagtiis at hanapin ko siya.

"Meron kang problema, no?" Ibinaba na niya ang baso at tumingin sa akin. Hindi ko parin siya pinapansin. "Sulti kana tungod kay!" Wala pa rin akong kibo. "Babaye?"

Nilingon ko nalang siya para matapos na.

"Dili." Pagsisinungaling ko. "Nahibal-an nimo, girlfriend ug ako gidili."

"Bawal daw? Nako! 'Yan!?" Turo niya sa mukha ko. "'Yang ganiyang mga itsurahan, alam kong babae 'yan!"

Bakit, ano bang meron sa mukha ko?

"Imbento ka." Saad ko at tumayo. "Ligo muna ako,"

"Wow, bahay mo bahay mo?" He said. Binago kong muli ang ekspresyon ng mukha ko kaya bigla siyang napabawi. "Joke! Andoon pa rin sa ibaba ng damitan ko ang naiwan mong damit!"

Naglalakad na ako palayo para puntahan iyon.

"Damit 'yan nung nagdala ka dito ng babae---"

"Shut the fuck up!"

Tatawa-tawa lang siya kaya nagpatuloy na ako sa pag-akyat sa hagdanan at dumiretso sa pagligo. Kaunting minuto lang ang itinagal ko, bago ako dumulog sa kusina ni Tony para kumuha ng pagkain. Nakatapis lang ako ng tuwalya sa pangibaba dahil tinatamad na akong kumuha pa ng damit at nagugutom na rin talaga ako.

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon