Chapter 20

676 33 8
                                    

Ken

"Sana ako rin."

"Ken naman, ay nako! Sabi ko na magseselos kayo e." Saad ni Stell sa aming dalawa ni Justin.

It's so unfair. Nanakit rin naman ang likod ko sa biyahe pero, hindi ako hinilot ni Zelle. Unfair, unfair, unfair! Teka, kasalanan ko rin naman pala. Hindi ko naman pala nasabi sa kaniya na nananakit ang likod ko.

"Pero grabe, ang sarap." Saad muli ni Stell na nagpaawang sa bibig namin ni Justin.

Walanghiya!

"Hoy Stell, a-anong... Anong masarap!?" Utal-utal na sabi ni Justin. Nakakainis ka Ajero!

"Ang sarap talaga..." He sounded more seductive! Shit! Damn it!

Nag-iinit ang dugo ko, kalma Ken. Kalma. Hindi magagawa ni Stell 'yung bagay na 'yon kay Zelle, hindi. Imposible. At hindi talaga pwede!

"Chill guys, biro lang! Ang sarap ninyong asarin!" Tatawa-tawa pa niyang sabi. At anong nakakatawa sa pinaggagagawa niya!? Sinong, sinong matutuwa!? "Ibig sabihin ko, ang sarap dahil relaxing."

Napabuntong hininga kami ni Justin at sandaling napahinto dahil may nagpa-picture sa amin na mga A'TIN dito sa mall. Yep, hindi na kami nakapunta kagabi dahil sobra ang pagod, nakatulog na kaming lahat.

Pero grabe ang stamina ni Zelle, nang maalimpungatan ako ng 10pm, gising pa rin siya at naabutan kong nagwawalis, at sinasabayan niya rin ng pagwasiwas ng handle ng walis tambo na hawak niya kagabi.

Flashback

"Uno, dos! tres!"

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng boses, animo'y nagbibilang.

Hindi naman sina Ajero iyon, dahil hilik na hilik na sila sa salas, tiyaka nasa ibang kwarto na rin si Sejun at Justin. Si Josh ang kasama ni Stell sa baba, doon nalang daw sila matutulog.

Balik ako sa sinasabi ko, alam kong si Zelle ang nagsasalitang iyon.

Lumabas na ako sa kwarto ko, at nakitang nasa gilid lang nito si Zelle.

Hindi niya pa rin nararamdaman ang presensya ko kaya pinanood ko lang siya roon, grabe. It's midnight na ah, hindi pa ba siya napapagod?

"Dyis, onse... Dose!" Kasabay ng huli niyang pagbilang ay ihinampas niya ang hawak niyang walis tambo papatalikod, sa gawi ko.

Alangan siyang ngumiti sa akin at tatalikod na sana pero hinawakan ko ang handle ng walis tambong hinahawakan rin niya.

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon