Chapter 12

724 41 9
                                    

Isipin niyo nalang na kayo si Zelle, promise. Ang sarap mag-imagine.

'Yun nga lang, Imagine lang. Hehe!

Anyways, vote na rin kayo at comment kung anong nagustuhan niyo sa chapter na nabasa niyo, Please? :)))

Here's the chapter 12, Hoy po enjoy reading!

---

Zelle

Medyo nagulat pa ako nang sabihin sa akin ni Sejun ang gusto niyang gawin ko, kapalit ng pagtulong niya sa akin. Pero, hindi naman totally kapalit, sinabi niya rin sa akin ang dahilan. Dahil walang kasama si Ken sa bahay niya.

Tama. Gagawin ko ito. Bukal sa loob kong gawin ito dahil sobrang dami na nilang ginawa para sa akin.

Hindi ako makapaniwalang ang mga pinapanood ko lang sa noon sa Myx, sa Facebook live, sa Youtube contents, at fino-follow sa IG at Twitter accounts ay magiging tagapagligtas ng buhay ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon, kung hindi nila ako pinuntahan.

Pero malamang at sa malamang ay nasa kulungan na siguro ako ngayon, o hawak na ni Mayor Espinosa. Nakakakaba mang mangyari ang bagay na 'yon,

Pero gagamitin ko ang pagkakataong mahuli niya ako, nang mapatay ko na siya.

"Zelle, there's so many rooms in my house, pwede kang pumili kahit saan mo gusto." Nakangiting sabi sa akin ni Ken habang nasa labas siya ny pintuan ko, tapos na siyang mag-impake at iniintay na niya ako. Nagliligpit na rin ako ng gamit ko, nilalagay ko naman iyon sa extrang bag na ibinigay sa akin ni Josh.

"E, talaga?" Tsk. Pwede namang sa iisang kwarto nalang kami. Hindi ko naman siya gagalawin!

Napaka naman, jusko!

"Gusto mong tulungan na kita diyan?" Pagv-volunteer niya pero umayaw ako. Nakakahiya kaya, makita niya pa panty ko.

Hehe.

"Sige na, Ken. Malapit na rin akong matapos rito. Balik ka muna sa kwarto mo." Sabi ko habang busy pa rin sa pagsasalansan ng hinigaan.

Pinuna niya pa ako dahil hindi ko na raw kailangang gawin iyon, dahil trabaho raw iyon ng nangangalaga sa hotel rooms.

E ginawa ko pa rin, hindi ako sanay e.

"Uh, Zelle?"

"Ay palaka, Ano ka ba Josh!"

Susmaryusep, bumilis tibok ng puso ko doon ah?

"S-Sorry, pero may naghahanap kasi sa'yo sa labas. . . Tita mo raw siya?"

Tita?

"Anong itsura?" Tanong ko sa kaniya.

"Medyo chubby, then maikli ang buhok, Zelle. Mukhang inip na. Gusto mo samahan kita sa kaniya?" Presinta ni Josh pero ayaw ko.

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon