Chapter 28

672 34 19
                                    

Sejun

"Mabuti nga at nadala niyo kaagad ang pasyente rito kung hindi, maraming dugo ang mawawala sa kaniya." Pumasok na kami sa kwarto kung nasaan si Zelle. "Malalim ang natamo niyang sugat kaya kailangan niya munang magpahinga ng isa hanggang dalawang linggo. Doon ay maaari na siyang makauwi." Sabi ng doctor sa amin. "I have rounds, SB19. Mind if you excuse me?" Bumaling siya kay Stell na hawak ang kaniyang cellphone. Nag-request kasi siya na i-video greet ang anak niya.

"Tayo nalang lahat, boys." Saad ni Josh. Napangiti naman ang doktor na nag-asikaso kay Zelle.

Pumwesto na kami sa gilid niya at nag-start na ang video.

"Get in the Zone, break! Hi we are SB19! Maraming salamat sa pagsuporta sa amin Diane!" Sabay-sabay naming sabi bago magsalita si Justin ng solo. Sabi ng doktor, siya raw ang paborito ng anak niya. "Hoy po, Diane, hope to see you soon!"

Nagpasalamat na ang doktor sa amin kaya naman bumaling na kami sa babaeng naging dahilan kung bakit buhay pa kami ngayon.

"Zelle..." May swero ang likod ng palad niya. Mahimbing lang siyang natutulog habang kami,

"Stell 'wag ka ngang umiyak, yari ka kay Zelle kung gising siya ngayon!" Saad ni Josh at tinapik ang balikat nito. Ayon, si Ajero nga ay naiyak na.

"Hindi dapat siya nandito kung naging mas magaling tayo..Zelle pasensiya na kung mahihina kami.." Hinagilap niya ang buhok ni Zelle at tinirintas ito. "Zelle diba ito lagi 'yung gusto mo... 'Yung tinitirintas kita? Zelle eto na oh." He's still crying. "Eto o Zelle, gumising ka na.. Zelle nagmamakaawa ako, ang sakit na ng puso ko."

"Dude. Tama na 'yan, ayaw ni Zelle ng malungkot diba?" Sabi naman ni Justin. Nilapitan niya si Ajero at hinagod ang likod nito. "Hindi man natin alam kung kailan magigising si Zelle, ipagdasal nalang natin na mas mapadali ang paggaling niya." Tiningnan niya rin ang mukha ni Zelle, may gusto rin siyang sabihin.

"Ate Zelle, magpahinga ka lang ha? 'Wag mo kaming alalahanin." Alam kong hindi lang iyon ang gustong sabihin ni Justin. Pero nagtaka kaming lahat nang lumapit siya sa bandang tenga ni Zelle at may ibinulong na hindi namin alam kung ano.

She sacrificed a lot. At kung may dapat man kaming gawin, 'yon ang ipagtanggol siya sa abot ng makakakaya namin.

"Green eyes, magpagaling ka ha! Hindi pa kita nababatukan dahil sa paglabas mo." Hinaplos niya rin ang buhok ni Zelle. "Eto oh, kaya ko rin magtirintas!"

"Mali naman Josh e.." Nabago ang mood ni Stell ng dahil doon. Napangiti nalang siya dahil mali talaga ang braid na ginawa ni Josh.

Si Ken ay tahimik lang na nakaupo sa gilid, seryoso ang itsura niya pero alam kong durog na rin siya. Una, dahil nag-away sila ni Zelle. Pangalawa, iniwan niya ito ng walang sabi-sabi. Pangatlo, hindi man lang siya nakapag-sorry kay Zelle at nang huli niyang makita, nasaksak na ito.

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon