Chapter 3

1.1K 41 15
                                    

Zelle

"Susmaryusep ka talagang babae ka, ano ba kasing ginagawa mo roon sa itaas ng poste!? Hindi mo ba alam na wala na akong pera kaya kita iniintay sa bahay kasi diba bagong sweldo ka!?  Tapos may mga gawaing bahay haynako napaka-iresponsable mo talaga kahit kailan!"

Papaano ba ako makakapag-pahinga sa sobrang ingay ng nanay ko?

"Baka naman nag-iinarte ka lang kase ayaw mong gumawa rito sa bahay!? Aba, maging babae ka naman! Paano nalang kapag nagka-asawa ka na!?"

"Gwapo ang mapapangasawa ko nay."

Bigla tuloy napahinto si nanay sa paga-asikaso sa akin.

Nakauwi na ako mula sa KAHINDIKHINDIK--- Joke! Mula sa roon sa pagkakahulog doon sa poste kanina. Mga isang palapag lang naman 'yung hinulugan ko.

Pero masakit! Syempre!

"Sino naman!?" Bwelta niya.

"Si--Aray naman nay!" Saad ko nang maidiin ni nanay ng kaunti ang bulak sa sugat ko. Hindi niya ako pinansin at naging curious na siya tuloy sa mapapangasawa ko.

Ehe.

Ang sarap mag-imagine na naka-tuxedo si Ken tapos ako, naka-brides dress!

Tapos 'yung magsasama kami, ng masaya!

Bubuo ng. . . Pamilya! Ehe!

"Sino nga! Para kang natitimang riyan at napapangiti ka!?"

"Ah basta nay, isa siyang sobrang gwapong nilalang na paborito ang manok."

"Ha? Parang lahat naman ng tao, paborito ang manok. Anong pangalan niya kasi!" Tanong muli ni nanay.

"Si Ken Suson po." Ani ko't nag-beautiful eyes pa.

"Ano!? Kasintahan mo na ba!? Nakita mo na!? Mahal ka ba!?" Sunod-sunod niyang tanong.

Napabuntong hininga nalang ako biglang at umiling.

"Lahat ng sinabi mo nay, hindi pa nangyayari." Sabi ko. "Sobrang hirap niya lang abutin." Bigla na namang kumirot ang puso ko.

Akala ko, simpleng pag-hanga lang 'yung nararamdaman ko kay Ken.

Siya kasi 'yung tumawag ng pansin ko sa buong SB19. Hindi lang sa talent niya,

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon