Chapter 17

634 29 11
                                    

Stell

Ang sakit para sa akin, 'yung sa taong gusto mo pa manggagaling 'yung mga salitang, 'I don't like you.'

Hindi man ganiyan ang pagkakasabi ni Ken, na aksidenteng narinig ni Zelle ay alam kong iisa lang rin ng ibig sabihin, at iisa lang rin ang dulot kay Zelle. Sakit. But she managed to smile parin kahit na narinig niya.

Siguro, dahil alam na rin ng ibang A'TIN na bawal kaming mag-girlfriend ay natanggap na nila 'yun, at isa na rin si Zelle roon.

Pero si Ken kasi ih, damn it! Siguro parehas kaming napa-curse ni Sejun. Nagulat kasi talaga kami nung biglang nagsalita si Zelle, bakit ba hindi ko siya nakita kaagad. Para sana masuway ko man lang si Ken sa pagsasalita, para sana hindi na niya nasabi ang mga salitang 'yun na nagpasakit sa damdamin ni Zelle.

We're supposed to help Zelle sa mga ganitong pagkakataon, pero bakit parang kami pa ang nagdadala ng malas sa kaniya? Simula kasi noong pinuntahan namin siya sa San Isidro, puro kamalasan nalang ang nangyari sa buhay niya.

Nako, sana naman ay ayusin ni Ken ang kung ano mang dapat ayusin dahil sigurado talaga ako, nasaktan si Zelle. Ayaw niya lang sabihin para hindi na kami mag-alala pa.

"Stell, ilang sakay nalang tayo ng bus?"

Andito siya sa tabi ko ngayon, nakasakay na ulit kami ng bus para makarating sa Manila, at halata mo talaga sa kaniya na nahihilo na siya. Ewan ko ba kung matatawa ako o kakabahan, kasi baka magsuka siya maya-maya lang.

Pinili ko nang sa akin patabihin si Zelle, dahil baka umiyak lang siya kapag nag-sorry si Ken. Alam mo naman ang isang 'to, may isa lang na maagrabyado sa amin, iiyak na kaagad.

"Isa nalang Zelle. Pero mag-eenjoy ka kasi maraming building doon. Maaliw ka kasi sobrang lalaki." Parehas siguro kami ng reaksyon once na makadaan na ang bus sa Edsa, ganoon rin kasi ako noong una.

I was amazed dahil masyadong sibilisado na sa Manila noong una, pero nang magtagal ay nagsasawa na rin ako. Paano naman kasi, hindi na fresh 'yung air, sobrang init pa. Parang gusto ko tuloy magbakasyon sa El Nido.

Hays, saka na pag-usapan ang bagay na 'yan, kailangan pa ni Zelle na mag-adjust sa pamumuhay rito.

Tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana, nakadaan na kami sa Ayala kaya nagiging curious na ang mukha niya. Tsk, cute.

Nakayakap rin siya sa sarili niya, suot-suot ang hoodie na ibinigay ni Ken. 'Yung na 'yun ay 'yung may apoy apoy, na laging sinusuot ni Ken kapag lalabas kami o di kaya naman nakikita kong suot niya kapag dadalaw kami sa bahay niya. Paborito niya ang hoodie na ito ah. Ayaw niya pa ngang ipagamit sa kahit na sino sa amin ito.

"Stell nilalamig ako, pihitin mo nga 'yung hangin. . . May pinipihit si Ken diyan sa taas e."

Zelle Gamaliel, pinapatawa mo talaga ako.

"Aircon ito, Zelle. Ganito lang ang pagpihit." Itinuro ko sa kaniya ang paglihis ng aircon, namangha naman siya roon. Inulit-ulit pa niya iyon pero inawat ko na siya dahil baka masira na niya.

Protected By Them |SB19 SERIES|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon