Vice Ganda As Vicey Viceral
Ion Perez As Ion Perez
Ion and his family accepts vicey's gay. Vice and Ion are Both Childhood friends and have a special bond that blossoms into love. But Jackie will make sure Ion and Vice will never be happy and jack...
Inayos ni jackie ang kanyang sarili at naghanap ng masasakyan papunta sa amusement park kung saan pupunta si ion. Habang nasa byahe si jackie nakarinig sila ng salpukan ng isamg kotse at truck at nakita nila ang pagsabog nito. Kinagulat ito ni jackie .
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Jackie: kuya ano pong nangyari don?
Driver: sisilipin ko lang po mam. (Bumaba ng taxi)
Jackie: (nakasilip) kuya ano pong nangyari?
Driver: banggaan po mam, sunog na sunog po yung laman ng truck tska kotse.
Bumaba si jackie sa taxi at tinignan ang insidente. Samantala naka isip ng ibang idea si jackie at nagpanggap na kamag anak niya ang dalawang nasa kotse.
Jackie: manong! Paki tulungan po akong kunin yung dalawang nasa kotse.
Driver: bakit po mam? Antayin nalang po natin mga pulis at ambulansya.
Jackie: kamag anak ko po yung dalawa. Please po manong.
Samanatala tinulungan naman ng taxi driver si jackie na kunin ang mga ito at dinala sa pinaka malapit na ospital. Pagtapos nito ay napagpasyahan ng mga doktor na dalhin ito sa morgue. Maya maya ay kinausap naman ni jackie ang taxi driver na umuwi na .
Jackie: manong salamat. Sige na po pwede na kayong umalis.
Driver: sigurado kaba mam?
Jackie: oo kuya sige na po . Umalis na po kayo.
Driver: osige. (Umalis)
Nang mahimasmasan si jackie ay agad niyang tinawagan si ion.
Convo:
Jackie: i-ion? Si jackie to.
Ion: jackie? Asan na si vicey? Kasama mo ba siya? Andito na kasi ako eh.
Jackie: ah m-m may nangyari kasi.
Ion: nangyari? Anong nangyari? (Kinakabahan)
Jackie: p-patay na kasi si vicey eh. A-andito ako sa St. Joseph Hospital nasa morgue na si vicey.
Ion: ano?! Ano bang pinagsasabi mo? (Tumaas ang boses)
Jackie: dito ko nalang ipapaliwanag sayo, puntahan mo ako dito.
End of convo.
Binaba bigla ni ion ang telepono. At hindi makapaniwala. Paikot ikot si ion sa amusement park at hindi parin makapaniwala sa sinabi ni jackie.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mang Peter: sir ion. Bakit po? Di pa po ba dadating si mam vicey?
Ion: mang peter? Alam niyo po yung st. Joseph Hospital?
Mang Peter: (nagtaka) opo sir pero bakit dun po tayo pupunta?
Ion: dalhin niyo po ako dun ngayon (pumasok agad sa kotse)
Habang nasa byahe sila ay hindi mapalagay si ion sa nararamdaman.
Ion: mang peter malayo pa po ba? (Pilit na kinokontak si vicey)
Mang Peter: malapit lapot na din po .
Ion: hindi ko parin makontak si vicey.
Mang Peter: diba sir si jackie po ang kausap niyo kanina?
Ion: opo pinsan niya kasi yun. Pero mas mabuti na din siguro na kinokontak ko si vicey kaso di ko talaga makontak.
Mang Peter: wag po kayong mag alala. Malapit naman na po tayo.
Pagtapos ng ilang sandali ay nakarating na sila ion sa hospital at agad na hinanap si vicey ganun din si jackie. Nakita ni ion na nakupo si jackie malapit sa morgue at duguan. Dahan dahang nilapitan ni ion si jackie.
Ion: jackie? (Naluluha)
Jackie: (tumayo) ion..
Ion: asan si vicey?
Jackie: nasa loob siya. (Napalunok)
Agad na pumasok si ion sa loob . At nanlumo sa kanyang nakita. Sunog ang katawan at maamoy na. Tumulo ang luha ni at hindi makapaniwala sa kanyang nakita.
Jackie: ahh ion, kasi nung sinabi ko sakanya na pauwi kana nagmadali siyang umalis sa bahay. Nagmadali siyang sumakay ng taxi. Kaya sinundan ko siya tapos habang sinusundan namin siya ng taxi na sinasakyan ko nakita namin na may truck na nawalan ng preno nakita din namin na parang nawalan din nag preno yung sinasakyan na sasakyan ni vicey. Tumama yung sinasakyan ni vicey sa truck tapos sumabog. Ion im sorry di ko manlang naligtas si vicey.
Ion: (umiiyak)
Jackie: ion.. (hinawakan sa likod si ion)
Ion: hindi siya to , hindi ito si vicey (tumulo ang luha)
Jackie: ion.. sana . Sana nga hindi si vicey yan. Kasi hindi ko din naman matanggap na nangyari to.
Ion: alam naba to nila tita?
Jackie: hindi pa. Pero hindi ko kasi kayang sabihin. Baka kung mapano si tita rosario.
Ion: tawagan mo sila , kailangan nila tong malaman.
Jackie: sige. Sasabihin ko sa kanila. Pati narin sa mga kaibigan niyo ni vicey.