Flamery's POV"Ano na naman?" -- walang ganang tanong ko kay Cathy ng hilahin nya ako habang kumakain kasama sila Ice. Inis kong tinanggal ang kamay nyang nakahawak sa wrist ko ng tumigil ito sa paglalakad. Nakatalikod to sa akin ngayon at napansin kong medyo nasa malayo kami sa mga tao sa loob ng Campus. Humarap to sa akin pero nakayuko, inayos ko na lang ang pagkasabit ng backpack ko sa isang braso ko.
"Ano ba? Aalis na ako." -- usal ko ng hindi pa din ito umiimik.
"Wait lang kasi." -- inis na wika nito sa akin sabay tingin ng masama. Ang lakas talaga nitong tumingin sa akin ng masama, sya na nga ang humila sa akin dito.
"Bilisan mo kasi, may klase pa ako." -- wika ko dito habang nakatingin sa relo ko, 15 minutes na lang bago magsimula ang last subject ko.
"Gusto ka kasi kausapin ni lola." -- simula nito kaya napatingin naman ako sakanya. Maganda si Cathy, hanggang sa balikat nya lang ang haba ng buhok nito pero halatang masungit dahil laging nakakunot ang noo nito, manipis ang labi nito at halatang nilagyan lang ito ng lipgloss na pink, mas matangkad sya kaysa kay Shedi at sakto lang ang katawan nito, mas maputi lang si Shedi dito, kung paghahalintulad lang sa ganda nila ni Shedi, di naman nagpapahuli itong si Cathy. Malamang magbestfriend ang dalawa, napatingin ako sa mata nito, kulay black na black ang kulay nito at medyo mahahaba ang pilik mata, sakto lang naman ag laki ng ilong nito na medyo matangos, napansin ko din ang hairpin nito sa gilid ng bihok nito malapit sa tainga. I can say that she's simple but beautiful. Napailing ako ng marealize kong nakatitig ako sa kanya at talagang pinag aralan pa ang buong katawan nito.
"Hoy! Nakikinig ka ba?" -- inis na usal nito sa akin, nakakarindi talaga ang boses nito kapag nakasigaw.
"Sorry may naalala lang ako, ano na nga ulit yun?" -- tanong ko dito, ayaw kong isipin nyang nagagansahan ako sa kanya at baka magyabang pa sa akin.
"Ang sabi ko daanan mo sila lola Amanda mamaya gusto ka nya makausap." -- naiinis na usal nito sa akin, halatang nawawalan na ng pasensya. Ss pakikipag usap sa akin.
"Bakit daw?" -- tanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat lang ito kaya napatango na lang ako.
"Yun lang ba?" -- tanong ko dito.
Hindi ko alam kung naghehesitant lang syang magsalita dahil sa nakikita ko sa mukha nya. Napatingin ulit ako sa relo ko at 6 minutes na lang bago magsimula ang klase ko.
"Sige na may klase pa ako." -- usal ko nalang at alam kong magtatanong sila Red sa akin mamaya. Hindi ko na sya hinintay na sumagot at tinalikuran ko na sya. Parang naweweirduhan din talaga ako sa bestfriend ni Shedi, minsan diko maintindihan ang ugali. Pero diko maiwasan ang mapangiti ng maalala ko yung mukha nyang nawawalan ng pasensya. Sinits ko naman ang sarili ko ng mapansin kong napangiti ako ss kawalan akay binalik ko sa pagkapoker face ang mukha ko.
"Sino yung humila sayo?" -- tanong sa akin ni Vivian pagkaupo ko satbi nito saktong lumapit si Red sa amin habang akbay nito si Ice.
"Wala yun." -- tanging natugon ko kasi hindi ko naman kaibigan yun. Bestfriend lang naman sya ni Shedi.
"Baka sya yung babaeng sinasabi nila?" -- patanong na hula ni Red kay Vivian.
"Sya ba yung dinedate mo?" -- tanong ni Vivian sa akin, halatang nanunukso na ang tingin nila sa akin habang si Ice tahimik lang habang inaaral nito ang bawat galaw at ekspresyon ng mukha ko. Ang hirap talaga pag may kaibigan kang madrama at madadang gaya ni Vivian, isang clingy at makulit na gaya ni Red at isang observer at tahimik na gaya ni Ice pero kung magtagpo ang tingin nyo ay matetense ka sa kaba dahil alam mong nababasa nya ang galaw mo. Hindi ko alam kung masaya ba ako na hinahayaan ko na makapasok ulit sila sa buhay ko. Napabuntong hininga ako bago ko sinabing "No, hindi sya. She's the bestfriend." Alam kong di sila satisfied sa sinabi ko pero mabuti na lang dumating na yung prof namin kaya nakaligtas ako sa pagpapaliwanag at ang isang pinakaayaw ko sa lahat ay ang nagpapaliwanag. Bago natapos ang last subject ko ay nagbigay pa ito ng homework namin. Habang inaayos ko ang gamit ko ay napatingin ako kay Vivian na busy ito sa pagcecellphone habang si Ice ay tinitignan nya ng masama si Red na nagpapacute sa harap nito. Namiss ko din pala talaga sila, ngayon malapit na ulit sa akin. Mabilis ko ng kinuha ang bag ko at nagsabing mauuna na ako, pipigilan pa sana ako ni Red ng hilahin sya ni Ice at sinabing hayaan na muna nila ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/214268216-288-k21399.jpg)
BINABASA MO ANG
BLINDNESS (COMPLETED)
Romancegxg Story. She doesn't care about other people.. She only love herself... She's Heartless, an Ice cold woman indeed. She looks emotionless... She's Flamery Reign Salvador. She's brave and strong enough to protect and defend herself. But every...