NINETEEN.

1.9K 78 13
                                        

Shedi's POV

Nakatulala pa din ako hanggang ngayon dahil sa biglaang pagtawag sa akin ni Flame kagabi. I can feel my heart beat fastened. I'm a coward and I don't deserve Flame's Love, she's not good for me. Hindi nya sana maabot yung meron sya ngayon if hindi ko sya pinagtulakan.

"You okay?" -- tanong sa akin ni Cathy.

"We're hanging out pero tulala ka naman." -- dugtong na wika nito sa akin, I felt bad for my bestfriend.

"I'm sorry, may naisip lang ako." -- tugon ko sa kanya at yinakap ito. I want to tell her about Flame pero I'm afraid na ipamukha nya sa akin kung gaano kamali ang naging desisyon ko. I'm just thinking about Flame's future, I'm just saving her.

"You're crying again." -- mahinang usal ni Cathy sabay harap nito sa akin. She cupped my cheeks and wipe my tears using her thumb. Napatingin ako sa mga mata nyang malungkot na nakatingin sa akin, she smiled at me and I know that's fake smile. She's in pain too--- I know that, she's the best bestfriend ever in my life. Yinakap ako nito and she just let me crying in her arms.

"I'm sorry for crying." -- paumanhin ko sa kanya habang hinahaplos nito ang buhok ko.

"It's okay. Nandito lang ako Shedi. Hindi kita iiwan." -- malambing na usal nito..

"Kaya Mahal na mahal kita eh. The best ka talaga sa buhay ko." -- nakalabing wika ko, narinig ko naman ang mahinang tawa nito. Kumalas naman ako sa yakap ko sa kanya at mariing tinitigan.

"Kaya dapat wag mo ako ipagpapalit, wala ka nang mahahanap na katulad ko." -- nakataas kilay na tugon nya. Napatawa naman ako dahil sa kayabangan ng bestfriend ko.

We spend our time watching movies while eating. We have talked about our works and of course my school stuff. I haven't told her yet about Xena Celeste, the girl I've met at the Coffeeshop. Baka kasi mag isip sya ng iba kapag nabanggit ko sa kanya ito. I've decided to tell her next time. Having this time with my bestfriend always makes me feel good, nakakatakas ako sa mga malalaking responsibilidad at problema ko sa buhay.

"Anyways, feeling ko talaga may something sa inyo ni Vivian." -- biglang usal ko sa kanya, napatingin naman sya sa akin. Nakahiga na lang kami ngayon dahil tapos na ang pinanood namin. Napangiti naman sya at napailing.

"There's nothing going on between us best." -- tanggi nito but I can see how her eyes spark when I've mentioned Vivian's name.

"Makasabi ka sa akin na indenial ako. Ikaw naman ang indenial " -- mahinang usal ko, napansin ko naman na nakatulala si Cathy kaya malaya ko syang natitigan. Mas gumanda na ang bestfriend ko diko napansin ang paghaba ng buhok niya, baka dahil sa mas pinili kong magpakabusy, hindi ko na napapansin ang mga taong nagmamahal sa akin. I feel so lucky na until now nandito pa din ang bestfriend ko. I lean my head on her shoulder, naramdaman ko naman ang paghaplos nito sa may buhok ko.

"Thank you best for not leaving me." -- usal ko dito habang nakapikit.

"Mahal kita eh." -- tugon naman nito kaya napangiti ako. Diko maiwasan na maalala ulit ang pagtawag sa akin ni Flame kinagabihan.

*Flashback*

"Hey! It's me." -- usal nito sa kabilang linya, napaupo ako sa higaan ko at napatingin sa orasan. Alas 2 pa lang ng madaling araw, parang bigla nawala ang antok ko pagkarinig ko ng boses niya.

"You still there? Miss Bautista?" napakagat labi ako--- parang gusto kong maiyak dahil after 4 years ngayon ko lang ulit narinig ang boses nya pero di nya ako tinatawag sa pangalan ko, her tone is so formal.

"A-I'm here. Hey! S-sorry. Nagulat lang ako Miss Salvador." -- nauutal na usal ko.

"Glad to hear that. Ayos lang, sorry to call you, siguradong madaling araw ngayon jan." -- paumanhin nito. Tumayo naman ako at nagtungo sa may terrace, naramdaman ko bigla ang lamig ng hangin.

BLINDNESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon