NINE.

2.2K 91 14
                                    

UD for Today as requested.

------

SUNDAY MORNING

Flamery's POV

Nandito na ako sa Company ni Daddy, pagkapasok ko sa loob ay binati ako ng Guard at ng mga staffs, nagbow lang ako sa kanila bilang tugon. Nagtungo na ako sa VIP Elevator at inassist ng PA ni Daddy.

"It's good to see you here Miss Salvador." -- magalang na bati nito sa akin. Tumango lang ako sa kanya dahil wala akong maisip na isagot.

"It's been 5 years since your last visit." -- dugtong nito.

"Maybe you know that Dad and I are not in good terms." -- tugon ko sa kanya. At mabilis akong lumabas ng narating na namin ang 30th floor. Hinabol naman ako ng PA ni Daddy para iassist ako. Binati naman ako ng Secretary ni Daddy at tipid na tango lang ang tugon ko sa kanya. Kumatok naman na ang PA ni Daddy at pinagbuksan ako ng pintuan bago ako pumasok. Busy si Daddy sa harap ng computer nito at madaming paper works sa ibabaw ng lamesa nito.

"Good Morning Chairman." -- bati ng PA ni Daddy.

'Thank you Allison for assisting my Daughter. You can leave now." -- usal ni Daddy bago ito pumunta sa harap ko. Lumabas naman na si Allison bago nya ako bigyan ng matamis na ngiti. Yinakap naman ako ni Daddy bago nya ako sinenyasan na maupo sa may sofa.

"Good to see you my Daughter." -- firm na wika nito bago naupo sa harap ko. Sakto namang pumasok ang Secretary ni Daddy at naglagay ng dalawang tasa ng Tsaa sa lamesa. Pagkalabas ng Secretary ni Daddy ay nagdekuwatro ito at uminom sa tsaa nya.

"Dad, I know your angry at me dahil Bisexual ako." -- simula ko at nakita ko pagtiim bagang nito sa akin.

"And you hate me for being born in this world as a girl." -- dugtong ko.

"If you look down on me and you think by controlling my life is your way to accept me. I'm sorry Dad but I'll make sure I will make you proud of me and you can learn to accept for what I am." -- seryosong wika ko dito. Tahimik naman ito habang nakatitig sa akin.

"Reign, I'm doing this for your own good. And Conrad is a good man. Just date him." -- seryosong sagot naman nito sa akin at may diin ang bawat salita nya. As usal, he will never understand me.

"I don't like him. Wala akong gusto sa kanya." -- matigas na sagot ko sa kanya. Napatayo naman si Daddy at pumunta sa kinaroroonan ko.

"You need to follow me. Alam kong alam mo na nasa poder ko ang Mommy mo." -- matigas na tugon nya sa akin. Napakuyom ako ng kamay sa sinabi nya.

"Just go on a date with him, that's all anak. Matututunan mo din syang mahalin." -- kumbinsi nya sa akin. Napailing naman ako.

"Dad why are you doing this to me?" -- nasasaktan tanong ko sa kanya.

"Sinabi ko na sayo na wag mong pairalin ang nararamdaman mo. Learn how to be cold like a stone." -- seryosong wika nito sa akin. Sinubukan kong alisin ang sakit na nararamdaman ko pero yung pagka-hate ko sa taong kaharap ko ngayon ay di na yata mawala. Until now, I don't understand my Daddy. Tatayo na sana ako at aalis ng pigilan ako nito.

"Stay. Papunta na si Conrad dito." -- wika nito sa akin sabay balik nito sa upuan nya at asikasuhin ang mga papeles na nasa lamesa nya.

Gusto kong umalis pero naisip ko si Mommy, I'll make sure to find a way to get her from him. Bumalik ako sa pag upo at uminom ng tsaa, after 30 minutes ay dumating na si Conrad at masayang sinalubong ni Daddy ito. Linapitan naman ako ni Conrad at bumeso sa akin. Napapikit ako dahil naiinis ako sa nangyayari ngayong araw.

BLINDNESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon