Flamery's POVIt's Saturday kaya ngayon ang dinner namin ni Abbi nakatanggap pa ako ng message sa kanya na she's very excited and pinaalala sa akin na wag ako malate. Naisipan ko munang pumunta sa Gym para mag work out at maalis ang mga gumugulo sa isip ko idagdag pa ang hindi ko gustong nararamdaman para kay Shedi.
"Baby, I didn't know you're here." -- nakangising usal nito sa akin, hindi interesado ko syang tinignan at alam kong hindi nya yun nagustuhan. Lumapit to sa akin at hinawakan ako sa braso.
"Diba sabi ko sayo, don't you ever lay uour fuckin fingers on me?" -- malamig na usal ko dito sabay bawi ko ng braso ko sa kanya.
"Wala ka ng magagawa, I already talked to your Dad and he wants us to have a date again." -- usal nito sa akin.
"Conrad bakit ba sa dami ng babae jan, ako pa tong gusto mong pagtripan? " -- diretsang tanong ko sa kanya. Sumeryoso naman ang mukha nito at tinitigan ako sa mga mata ko na syang nilabanan ko naman ng tingin.
"Who told you na nangtritrip lang ako? Kahit ayaw ko man sa nararamdaman ko wala akong magawa Flame, I really really like you." -- pag amin nito sa akin kaya napaiwas na ako ng tingin sa kanya. Wala akong maramdaman na kakaiba sa kanya, not the same what I'm feeling towards Shedi. Okay, bakit ko ba pinagkukumpara sila?
"Alam mong Bi ako Conrad." -- wika ko sa kanya. Nagpapatanho naman ito ng marahan habang lumalapit na naman sa akin.
"I don't care Flame, tomboy ka man or whatsoever you call that, gusto pa din kita." -- tugon nito sa akin, umiwas naman ako sa paglapit nito sa akin. Niligpit ko na lang yung gamit ko at nagpunas ng pawis, mas okay yata kung aalis na lang muna ako.
"Just give me a chance Flame, please?" -- nagmamakaawa na ang mukha nito sa akin. Never kong naimagine na ang isang Conrad Ramirez ay nagmamakaawa sa akin. Ako na lagi pa nyang inaaway at iniinis nung bata pa kami?
"I'm not into you." -- usal ko bago ko sya tinalikuran at dahil dakilang makulit itong si Conrad hinabol na naman ako.
"Flame wait." -- habol nito sa akin sa may locker. Binuksan ko ang locker at kinuha ang bag ko, sa condo na lang ako magshower para makaalis na ako agad.
"Look I'm in hurry. Let's talk next time Conrad, okay?." -- wika ko sa kanya at tinapik sa balikat. Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga nito bago ko sya iniwan sa may locker room. Naiinis ako sa sitwasyon ko ngayon ang daming problema na taong dumadating sa buhay ko which is ayaw na ayaw ko lalo na't wala akong pakialam sa kanila pero heto sila pinipilit na pumasok sa buhay ko. Tamad kong nilagay sa backseat ang bag ko at sumakay na sa driver's seat, mabilis kong pinaandar ang makina ng makita ko ang hinihingal na si Conrad sa entrance ng Building.
"Ang kulit." -- usal ko habang nakatingin sa rear mirror ko. Naisipan ko na lang dumaan na muna sa Coffeeshop para bumili ng coffee pero diko inaasahan na nandito si Shedi, nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba sya or aalis na lang. Isa pa kasi si Shedi sa gumugulo sa buhay ko at natatakot ako na aminin sa sarili ko na espesyal na sya sa puso ko. Bigla ko na lang nakita ang sarili kong papalapit sa kanya at kumatok sa lamesa nya para makuha ang attention nya. Nakuha ko ang attention nito at napalingon sa kinaroroonan ko.
"Flame?" -- patanong na hula nito at di ko maiwasan ang mapangiti dahil ako pangalan ko agad ang hula nito.
"Ako nga Shedi Faye." -- tugon ko sa kanya at nakita ko na naman ang napakagandang ngiti nito. Gamit nya ngayon ang binigay ko sa kanya na salamin at tama nga ako, bagay na bagay sa kanya. Inabot nito ang kamay nya sa akin kaya hinawakan ko naman ito. Hinila ako nito sa tabi nya para maupo.
"You can't hug me." -- usal ko sa kanya ng akma ako nitong yakapin. Nagpout naman ito at napatigil.
"Bakit?" -- malungkot na tanong nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/214268216-288-k21399.jpg)
BINABASA MO ANG
BLINDNESS (COMPLETED)
Romancegxg Story. She doesn't care about other people.. She only love herself... She's Heartless, an Ice cold woman indeed. She looks emotionless... She's Flamery Reign Salvador. She's brave and strong enough to protect and defend herself. But every...