I dedicated this Chapter to independentlyown12Thanks for waiting.
Enjoy Reading guys!
_____________________________
Flamery's POV
MACAU DAY 1
Pagkalapag ng eroplano dito sa Macau ay bumaba na kami, hindi ako kinukulit ni Conrad na syang pinagpapasalamat ko. Pero nasa tabi ko lang sya at ramdam ko ang mga panakaw-nakaw na tingin nito sa akin. Pagkalabas namin ng Airport ay may nakaabang na sa amin na sasakyan at may nakasulat na pangalan ko nakalagay sa isang banner, napatingin naman ako kay Allison dahil bakit kailangang may banner pang "Welcome to Macau Miss Flamery Reign Salvador", nginitian lang ako nito na parang humihingi ng paumanhin. Napailing na lang ako at lumapit sa may sasakyan, pinagbuksan na ako ng pinto ng driver habang tumabi naman si Allison sa tabi ng driver. Nakita ko pa si Conrad na napapakamot sa may batok bago ito sumakay sa sarili nyang sundo.
"We'll arrive at Venitian Hotel in maximum of 20 minutes Miss Salvador." -- pahayag ni Allison, napatango na lang ako at pinikit ang mga mata ko. Iniisip ko palang na ilang araw kong di makikita si Shedi ay nalulungkot na ako, I'm not denying that I'm missing her already. Makalipas ang oras ay nakarating na kami at inassist kami ng Clerk sa room ko. Mabuti na lang at mag isa ako dito sa kuwarto, hindi ko na pinapasok sa kuwarto ko si Allison at sinabihang tawagin na lang ako mamayang umaga para makapag breakfast dahil matutulog na muna ako. Dumiretso na ako sa kama at pabagsak kong hiniga ang katawan ko, di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
*KINABUKASAN*
Nagising ako sa tawag ni Daddy kaya sinagot ko na ito kahit na ramdam ko Pa ang antok.
"Hello Dad." -- bungad ko habang kinukusot ang mga mata ko.
"My daughter, how's your sleep?" -- tanong nito sa akin, napaupo ako sa higaan at sumandal sa headboard, napagingin ako sa wall clock at 5:30 am palang.
"Fine Dad." -- tipid na sagot ko sa kanya.
"That's good, by the way I already talked to Mr. Lei Chen and he can't wait to meet you, he is the father of Dane Chen, the one I'm asking you to be friend with. Make sure to be good, okay?" -- he said straight to me, his tone is full of authority as always. Napairap ako sa kawalan.
"Okay." -- sang ayon ko na lang dahil ayaw kong makipagtalo pa sa kanya.
"Conrad will be your escort tonight.".-- pahayag nito sa akin, napakuyom ang isang kamay ko.
"Dad---"
"No buts." -- firm na putol nito at binaba na ang tawag. I hate him and I hate myself for letting him to control my life again. Ilang minuto pa akong nakatulala bago ko naisipang maligo na. Nagbabad na muna ako sa bath thub at hinayaang makatulog ulit dahil sa inis ko sa Daddy ko. Naalimpungatan ako ng marinig ko ang doorbell, hindi ko alam kung bakit sobrang tinatamad ako ngayon. Siguradong magagalit si Daddy pag nalaman nyang ganito ang mood ko ngayon. I just continue to take a bath as fast as I can dahil medyo naiirita na din ako sa tunog ng doorbell. I roll the towel in my hair and grab some bathrobe para mapagbuksan ko na ng pinto kung sino man ang nandun.
"Good morning Miss Salvador." -- bati sa akin ni Allison habang di makatingin ng diretso sa akin.
"Good morning." -- tipid na bati ko sa kanya at pinapasok na sa loob. Dala nya ngayon ang isusuot kong dress para sa party mamayang gabi. Nagbihis muna ako ng casual clothes ko para makapagbreakfast na sa baba.
"Mr. Ramirez is waiting for you at the restaurant Miss Salvador." -- usal nya sa akin. Napatango na lang ako, pagkarating namin sa loob ay nakita ko agad si Conrad sa table namin. He looks so good today at napangiti ito ng makita nya ako, tumayo pa ito ng nakalapit kami ni Allison and lean to kiss me on the cheeks. Pinunasan ko naman ang parteng hinalikan nya, na syang kinasimangot nya.
BINABASA MO ANG
BLINDNESS (COMPLETED)
Romancegxg Story. She doesn't care about other people.. She only love herself... She's Heartless, an Ice cold woman indeed. She looks emotionless... She's Flamery Reign Salvador. She's brave and strong enough to protect and defend herself. But every...