FIFTEEN.

2.1K 79 18
                                    

Dedicated this Chapter to nightwalker198722, Thank you ❤️

Enjoy Reading!

------------------------------------

Flamery's POV

After ng P. E. class namin ay sumama na naman sa akin yong tatlo sa Condo ko, I don't know why they wanted to stay at my Condo, may kanya-kanyang Condo naman sila. I can't say No to them kasi ipagpipilitan lang nila ang gusto nila lalo na't I'm allowing them to be part of my life again.

"Saan lakad mo?" -- tanong sa akin ni Vivian ng makita nyang nag aayos ako ng damit ko sa bag. Humiga ito sa kama ko at saktong pumasok naman sina Red at Ice, naupo naman sila sa may sofa dito sa kuwarto ko.

"Sleep over ako today sa isang friend." -- matipid na sagot ko dito. Napatingin naman sa akin sina Red at Ice dahil sa sinabi ko, napabangon naman si Vivian at tumayo para pumunta sa tabi ko sabay akbay nito sa akin, mabilis ko din inalis ang braso nya, ang bigat nya tapos nanunukso pa ang mukha.

"Si special girl ba yan?" -- tanong sa akin ni Red. Tumango na lang ako bilang sagot.

"Ohhh" -- sabay na sabi nina Red at Vivian sa akin, halatang nanunukso na ang tono ng dalawa sa akin.

"We're coming, maybe it's time for us to meet your special girl." -- biglang usal ni Ice kaya napatigil ako sa pag aayos ng gamit ko. I'm not yet ready para ipakilala si Shedi sa kanila especially hindi ko pa nababanggit kay Shedi about this. Napatingin ako sa gawi nila Ice at nginitian ako nito ng tipid.

"That's a good idea." -- sang-ayon naman ni Vivian at nakipag-high five pa ito kay Red. Gusto kong tumanggi pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ng maayos. Napabuntong hininga ako ng makita kong seryoso talaga sila na gusto na nila mameet si Shedi.

"I need to contact her first." -- mahinang usal ko. Napapailing ako habang dinadial ang telephone number nila Shedi, sana okay lang sa kanya.

"Good afternoon, Bautista Residence." -- bungad sa akin ng sumagot sa kabilang linya.

"Ahm.. Hello, this is Flamery." -- alinlangan na usal ko, as usual tuwang tuwa na naman ang katulong nila Shedi at sinabing wait lang at itransfer ang call sa kwarto ni Shedi. Napatingin ako sa tatlo at nakatingin sila sa akin waring inaabangan ang pag uusapan namin.

"Hello, Shedi's speaking." -- she said politely, I maintain myself to suppress my smile dahil nakatutok talaga sa akin yung tatlo.

"Ahm. It's me." -- simpleng usal ko.

"Oh. Hi Flame, papunta ka na ba?" -- she asked excitedly, napangiti ako ng tipid.

"Ahm. Not yet but.. Ahm- Shedi. Ahh- how can I tell her" -- mahinang usal ko sa huli, I don't know how to tell her about my friends want to meet her today. Narinig ko naman ang mahinang tawa nito sa kabilang linya, napatingin naman ako sa tatlo at nagpipigil ng tawa sina Red at Vivian, this is really embarrassing. I know that they're enjoying my situation right now, diko maiwasan ang pamulahan ng mukha dahil sa hiya.

"Go a head Flame, tell me." -- usal nito using her sweet voice. Huminga muna ako ng malalim, you can do this Reign.

"Ahm. My friends want to come over to your place, they want to meet you. I-is it okay?" -- nahihiyang tanong ko sa kanya. Nakita ko naman ang paglapad ng ngiti nina Red at Vivian habang napaakbay na lang si Ice kay Red at hinalikan ito sa may pisngi, kahit saan talaga napakasweet nilang dalawa. Bahagyang natahimik naman ang kabilang linya kaya kinakabahan ako na baka hindi sya papayag.

"Hmm okay Flame. It's okay. I would love to meet them too." -- tugon nito sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag. Nag thumbs up naman ako sa kanila dahil nagtatanong sila kung pumayag.

BLINDNESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon