Shedi's POV
Our Exams went well, masaya ako at hindi ako gaanong nahirapan sa pagsagot. Accounting and Law got hooked me up, jan lang talaga medyo sumakit ang ulo ko. Yesha drag me at the canteen after our last exam this week, another hell next week is waiting though.
"God Sumakit ulo ko sa exam" -- reklamo sa akin ni Yesha habang hinibilot nito ang magkabilang sentido mya, napangiti naman ako.
"I told you to review. Yan ang napala mo." -- sermon ko naman sa kanya. Napasimagot lang ito sa akin at napapikit.
"Here drink this." -- usal ko sabay abot sa kanya ng gamot, tinignan nya lang ito at inismiran.
"I'm not into medicine Faye. Wala ako tiwala sa mga ganyan." -- pagmamatigas nito sa akin.
"Inumin mo na. Wala ka ba tiwala sa akin?" -- pamimilit ko.
"Sayo meron" -- tugon nya sabay tingin sa akin. "Pero..." baling nito sa gamot "jan, wala." -- bagot na dugtong nito.
"Ang arte mo talaga." -- pagsusuko sabay tago ng gamot sa bag ko.
"I'll order food. Anong gusto mo?" -- tanong ko sa kanya.
"Kung anong sa'yo, akin na din." -- sagot nito, binatukan ko naman sya dahil alam kong alam ko naman di nya hilig kumain ng pasta at lasagna. "Sumagot ka ng maayos Yesha, Isa." -- may pagbabanta sa tono ko.
"Fried chicken at Pizza na lang" -- pilit na sagot nito. Napailing nalang ako sa kanya at tuluyang pumila na sa counter.
-----
"Bakit wala yung jowa mo?" -- biglang tanong naman sa akin ni Yesha. Napakunot noo ako dahil sa biglang tanong nito sa akin.
"Anong jowa ang pinagsasabi mo?" -- iritadong tanong ko naman. She smiled playfully to me kaya tinignan ko sya ng masama.
"Nakamove on na ako sayo Faye kaya wag mong isipin na patay na patay ako sayo." -- usal naman nya, ang feeling talaga ng batang ito.
"Alam mo Yesha, isang ganyan mo pa di mo na ako makakausap." -- usal ko na syang ikinatahimik nya.
"I'm just kidding Faye." -- she said while laughing. Isip bata pa din kahit kailan.
"Magreview ka na lang kaya, puro ka kasi party." -- wika ko naman, napailing naman sya sa sinabi ko.
"Party is my happiness. Bakit ba kasi kailangan pa mag aral?" -- walang ganang usal nito.
"Wag mo ngang sabihan yan. Mahalaga ang education sa isang tao. Alam mo bang madaming nangangarap na makapag aral, pero fi nila magawa kasi mahirap ang buhay nila, kaya wag mong sasayangin yung buhay mo at wag kang magsasabi ng ganyan." -- pangangaral ko sa kanya. Napabuntong hininga naman sya.
"Nakakapagod na kasi." -- malungkot na usal nito kaya nawala ang pagkakunot ng noo at asar ko sa kanya.
"Salamat Faye, hindi mo ko iniiwan." -- malungkot na ngumiti ito sa akin.
"If there's a problem with your family you can always talk to me, okay? Nandito lang naman ako, I'm your ate here." -- I said softly and she giggled of what I've said.
"You're really a good person. Thank you, mas okay nga siguro na ganito tayo. May instant Ate ako." -- usal nito na ikinangiti ko.
"Kailangan mo lang maging mature at maging seryoso salag aaral mo. Hindi sa lahat ng bagay puro laro." -- wika ko naman.
"Pag iisipan ko." -- sagot naman nya habang tumatawa. "Alam mo naman na ito na ang kasanayan ko." -- dugtong nito ng tumigil na ito sa pagtawa. "No one dare tried to stay with me. Ikaw lang yung taong nanatili ko kahit na nakita mo na yung mga kalokohan ko." -- biglang sumeryo na naman ang pananalita nito.
BINABASA MO ANG
BLINDNESS (COMPLETED)
Romancegxg Story. She doesn't care about other people.. She only love herself... She's Heartless, an Ice cold woman indeed. She looks emotionless... She's Flamery Reign Salvador. She's brave and strong enough to protect and defend herself. But every...