NOT SO ROMANTIC

1.6K 39 7
                                    

Author's Note:


This novel is a BL or boys' love story, if you're not comfortable reading this kind of genre, just ignore and don't read it! Well I'm not forcing you. But if you're interested, please do follow me, vote and comment your thoughts. That would be a big appreciation for me. Kamsarang!


Band Series #1: For You

Band Series #2: Not So Romantic


Charm's POV:


Sa totoo lang tahimik naman talaga ang buhay ko, not until nung dumating 'yung taong gumulo ng puso't isip ko.


"Ako nga pala ang bago mong roommate, nice to meet you, I'm Tyzon." Eto na nga yung moment na 'yun, nasa harap ko na siya dala-dala ang mga gamit niya.


Akalain mo 'yun? Crush mo noon roommate mo na ngayon.


"Ano? Papapasukin mo pa ba ako o magtititigan na lang tayo rito?" Maangas na pagkakasabi niya na nagpawala sa mood ko.


Hindi ko na lang siya sinagot at baka saan pa mapunta 'yung usapan, tumabi na lang ako at pumasok na nga siya nang tuluyan. Sinara ko kaagad ang pinto.


A day later,


"Talaga?! Si Tyzon 'yung ka roommate mo?" Gulat na gulat na pagkakasabi ni Ezei.


Tumango lang ako at napanganga siya.


"So pano 'yan? 'Di ba sabi mo crush mo 'yon dati? Ngayon ba, wala na ba 'yung mga pusong lumilipad na nakapalibot sa kanya?" Sunod-sunod na tanong ni Ezei at napahilamos naman ako.


"I don't know... matapos 'yung breakup namin ni Phoenix feeling ko 'di na ako na a-attract sa kahit sino." At naalala ko na naman ang nakaraan, hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sakit ng kahapon, hays.


"Sorry na baby, di ko talaga sinasadya." Pilit niya akong binibigyan ng ngiti ngunit 'di ko maiwasang sampalin ulit siya.


"Tinawag mo 'kong malandi tas 'di mo pa rin sinasadya?!" Alam kong napapasigaw na ako pero wala akong pakialam.


"Bakit ka nanonood ng Football, para makakita ng mga gwapong lalaki ha?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga sinasabi niya. Bakit niya ako pinagiisipan ng masama? Wala naman akong ginagawang masama. Sasampalin ko naman sana siyang muli pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.


"2 slaps... are enough, isang sampal pa at papatulugin na talaga kita ng suntok." Mas bumuhos ang mga luha ko at tinanggal niya ang paglakahawak niya sa kamay ko. Napaupo ako sa sahig, halos maubos na ang lakas ko.


"Alis" sabi ko nang mahina. 'Di naman siya umalis kaya inulit ko ito.


"ALIS!" Sigaw ko at mukhang narinig naman niya. Nakayuko lang ako habang dahan-dahan siyang naglalakad papalabas ng pinto.


"Break na tayo, wag ka nang babalik sa buhay ko!" Sigaw ko at alam kong narinig niya 'yun. Lumabas na siya sa pinto at narinig ko naman ang huling sinabi niya.


"Bahala ka sa buhay mo! Break na kung break! Madali ka namang palitan!"


End of flashback~


"Hanggang ngayon iniiyakan mo pa rin 'yung gagong 'yun?!" Galit na pagkakasabi ni Ezeikiel nang makita niyang nagisismula na naman sa pagbagsak ang mga luha ko.


"Ano ba 'yan Charm, move on na, alam kong minahal mo siya nang todo pero sana naman mahalin mo rin naman 'yang sarili mo, tignan mo oh laging mugto 'yung mga mata mo ta's napapansin kong pumapayat ka na, hays... Charm alagaan mo naman sarili mo."


"Okay naman na ako Ez eh, sadyang crybaby lang talaga ako." mahinang pagkakasabi ko at nagbago naman ang facial expression niya.


"Charm naman kasi, ang gusto ko lang sabihin at i-explain ay sana mahalin mo rin ang sarili mo, alagaan mo rin 'yang kalusugan mo, 'wag ka nang magpupuyat sa kakaiyak at kumain kana sa tamang oras, wag mong hayaang kainin ka ng lungkot." Tinapik-tapik pa ni Ezei ang balikat ko.


Siguro tama nga si Ezei, mahalin ko na lang ang sarili ko, mag fo-focus na lang muna ako sa studies at work ko. Sisikapin kong maka ahon sa lungkot, i will try my very best.


"Hi Charm ano 'yang ginagawa mo?" Biglang sulpot ni Tyzon sa gilid ko, pansin kong naka boxer lang ito.


"Nag te-take note ako para sa mga news na kailangan kong i-report." Agad kong sinabi at kumuha naman siya ng upuan at tumabi sa akin.


"Tabi ako ah, curious kasi ako sa ginagawa mo." 'Di ko na lang siya pinansin at nag-focus na ulit sa ginagawa ko. Sulat... sulat... sulat... tapos.


"I'm done." I smiled and faced him. Nakasimangot itong nakatingin sa 'kin wari'y napagod sa observe sa ginawa ko.


"Grabe ka naman magsulat, ambilis, tapos 'yung mga tini-take note mo sobrang detailed, and not gonna lie, maganda 'yung penmanship mo." Ngumiti siya saglit at bahagya pa akong nagulat nang hawakan niya bigla ang mga dailiri ko na nakapatong sa notebook. "Charm."


"B-bakit?"


"Labas tayo."


"H-ha?"


"I mean, kain tayo nagutom kasi ako e, don't worry libre ko." Hays... aayain lang pala akong kumain, pwede naman siyang bumili ng makakain niya o siya na lang mag-isang kumain sa labas.


"Ikaw na lang ayoko pwede naman akong bumili ng pagkain para sa sarili ko." Sabi ko at sumimangot naman ito.


"Gusto kasi kitang kasama kumain." Nakakunot pa ang noo nito.


Gusto ko sanang samahan siya kaso parang may naalala ako bigla. Nakakawala ng gana.


"Ayokong sumama, ikaw nalang kumain mag-isa."


:)

Not So Romantic (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon