NSR 26

216 15 5
                                    

Charm's POV;

Kinakabahan ako.

Nandito na kami ngayon sa bahay nila, ang ganda ng bahay nila, modern style at ang ganda ng garden sa labas. Pero kahit magagandang bagay na ang nakikita ko, hindi parin matanggal sa damdamin ko ang kaba at takot.

Kaba na baka hindi ako matanggap ng pamilya niya at ang takot na baka hindi ko kayanin ang mangyayari.

"Wag kang matakot okay? Andito lang ako sa tabi mo at ipaglalaban ko ang pagmamahalan natin kay mama at papa" tumango ako at inilalayan niya na akong makalabas ng kotse.

Naglakad kami papuntang front door at dire-diretso lang ang pag pasok namin hanggang sa nasa harap na namin ang mama, papa at kapatid niya. Nakaupo sila sa sofa at kami ni Tyzon ay nakatayo kaharap sila.

"Kuya Charm! You're here!" Mabilis na tumakbo papunta sakin ang batang kapatid ni Tyzon na si Tyler.

Yumakap siya sa bewang ko at ginulo-gulo ko lang ang buhok niya.

"Tyler balik dito" utos ng mama niya at agad namang bumalik si Tyler sa sofa at umupo.

"Hi po tita, tito and Tyler" magalang na pagkakabati ko sa kanila. Yung kabang kanina ko pang nararamdaman ay mas tumindi nang makita ko ang mga tingin nila sakin.

"What's the meaning of this?" Seryosong sabi ng papa niya at napalunok na lamang ako ng laway dahil dito.

"Ma, pa, si Charm po, boyfriend ko" dire-diretsong sabi ni Tyzon at mukhang hindi nagustuhan ng mama at papa niya ang mga sinabi niya.

"Boyfriend? Are you out of your mind? Pinalaki ka namin ng maayos tapos magdadala ka lang ng bakla dito para sabihing boyfriend mo? Bakla ka narin ba ha!" Sigaw ng tatay niya sa kanya at kumabog ng mas malakas ang puso ko.

Mas hinigpitan ni Tyzon ang pagkakahawak niya sa kamay ko at muling nagsalita.

"Ma, pa, wala naman pong masama sa pagkaroon ng boyfriend at tsaka nagmamahalan po kami ni Charm"

"Walang masama? Nagmamahalan? Stupidity! Alam nating masama ang pagmamahalan ng lalaki sa lalaki at paano nalang ang image ng family natin pag nalaman nilang lahat na may bakla sa pamilya natin?" Ang lakas na ng boses ng papa niya. Namumuo na ang mga luha sa mata ko na para bang nireserba ko talaga tong mga luhang ito para sa moment na to.

"Hoy! ikaw bakla ka paano mo ginayuma itong anak namin para maging ganito?" Galit na galit na sabi ng mama niya na nagpa buhos na ng luha ko.

"Tapos ngayon iiyak-iyak ka kasi mali naman talaga itong ginagawa niyo! Alam niyo nangang mali ginagawa niyo pa!"

"Mama tama na!" Sigaw ni Tyzon at agad akong niyakap. "Kung may mali man dito, ito yung pang ja judge niyo sa kasintahan ko!"

"A good person will never judge someone by his mistakes and imperfections!" Sigaw pa ni Tyzon na ikinagulat ng mama at papa niya. "Pero sa pagmamahalan namin walang mistakes walang imperfections, you just want to judge us kasi pareho kaming lalaki!"

Nagulat kami ng biglang sampalin si Tyzon ng mama niya.

"Don't shout to my face, I'm your mother, where is your respect?" Natahimik si Tyzon dahil sa sinabi ng mama niya.

"Ikaw, tigil-tigilan mo na itong anak namin kasi hindi ka bagay sa kanya. Babae ang gusto namin sa anak namin hindi isang katulad mo" sabi pa ng mama niya sakin at mas dumoble ang sakit na naramdaman ko.

Dinala ako ni Tyzon papalabas ng bahay nila at agad kaming pumasok sa kotse niya at nag drive parin siya kahit umiiyak. Tumigil kami sa isang mapunong lugar. Madilim na at parang uulan pa yata.

"I'm sorry master, I'm really sorry hindi ko naman inaasahang ganito pala ang mangyayari" iyak na saad niya sakin at pati ako ay patuloy lang din sa pag iyak.

Unti-unti ng bumuhos ang ulan.

Tahimik lang ako at inaalala ang mga sinabi ng mama niya. 'Babae ang gusto namin sa anak namin hindi isang katulad mo'. Ang sakit. Ang sakit sakit sa pakiramdam.

"Tahan na master wag ka ng umiyak" niyakap ako ng mahigpit ni Tyzon at hinalikan sa noo.

"Tyzon paano kung hindi na talaga matanggap ng mga magulang mo ang relasyon natin? Paano kung babae talaga yung para sayo?" Hindi ko na alam kung tama pa ba itong mga iniisip ko.

Basta ang alam ko masakit.

"Ikaw ang para sakin Charm at alam kong tatanggapin din nila ang relasyon natin. Not now but sooner or later, magtiwala lang tayo" hinalikan niya ako sa labi at ramdam ko ang love niya sa halik na yun.

Sana nga ay matanggap nila.

Hindi na kami bumalik sa bahay nila at umuwi nalang kami sa dorm.

"Teka lang master tumatawag si papa" tumango lang ako at sinagot naman niya kaagad ang tawag.

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila dahil hindi naman naka loud speak yung call.

"Po? Ayoko! Hindi niyo po ako mapipigilan. Mahal ko po siya pa. Hinding-hindi ko iiwan ang taong mahal ko kahit ano pang sabihin niyo" inend na niya ang call at nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko.

Lumapit kaagad siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Tahan na master, hinding-hindi kita iiwan okay? Promise ko yan" hinalikan niya ako sa noo at hinagod-hagod ang likod ko.

Buti nalang at pinaglalaban niya ang relationship namin kasi kung hindi baka kanina pa ako nag break down at baka isuko ko rin siya.

Ayokong mangyari yun.

"Wag kang mag-alala bukas na bukas mismo kakausapin ko sila para maayos na 'tong problemang ito" sabi niya at umiyak lang ako.

"What if di na talaga nila matanggap ang relasyon natin?" Sabi ko.

"Ayan ka nanaman, magtiwala ka lang matatanggap din tayo" ginulo niya ang buhok ko tsaka siya pumasok ng banyo.

Napatingin ako sa singsing na suot ko. Paano kung mawala si Tyzon sakin? Kakayanin ko kaya?

Ang hirap naman nito! Kung kelan pa tayo napunta sa tamang tao, sa tamang relasyon, kung kelan pa tayo nagmahal at minahal dun pa tayo hindi tanggap ng mga taong malapit satin.

'Babae ang gusto namin sa anak namin hindi isang katulad mo'

Paulit-ulit sa isipan ko yung sinabi ng mama ni Tyzon.

Ang komplikado.

Napaka komplikado.

Napahiga nalang ako sa kama habang umiiyak. Sana nga tanggapin kami ng mama at papa niya, ayokong isuko si Tyzon. Hahawakan ko ang pangako niyang ipaglalaban yung relasyon namin.

Hindi ko siya isusuko, kung ilalaban man ni Tyzon yung relasyon namin kailangan ako rin, hindi pwedeng siya lang.

Sabay naming haharapin ang mga hadlang at papatunayan sa kanila na walang masama sa pag-iibigan namin.

Mahal na mahal ko si Tyzon, hindi ko siya kayang isuko kaya hanggat kaya ko, ilalaban ko.

...

Not So Romantic (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon