NSR 17

277 19 3
                                    

Charm's POV;

Halos di ako makapaniwala sa ginawa ko kahapon, ang bastos na ng utak ko! Lagi nalang bumabalik sa isip ko yung mga nangyari kahapon. Hindi naman ako lasing bat ganun? Bat ko nagawa yun?

"Charm okay ka lang?" Tanong ni Alec sakin. "Kanina ka pa panay pikit jan na parang may pino problema" nginitian ko lang siya at pinilit kong tanggalin sa isip ko yung mga naiisip ko.

Nag focus ulit ako sa klase at sawakas nag tagumpay naman ako.

Nang matapos ang klase ay biglang nagsi sigawan ang mga tao sa labas. Tilian ng mga babae at binabae. Anong meron?

Ipinasok ko ang mga kagamitan ko sa dala kong bag at nagsalamin muna ng ilang segundo gamit ang phone ko.

Ang ingay talaga nila.

Nagpaalam muna ako kay Alec bago ako naglakad papalabas ng classroom. I didn't expect this to be happen. Naglalakad siya sa corridor, nakasuot ng uniform, naka hairgel ang buhok at may hawak na isang bouqet ng sunflowers.

I love sunflowers!

Napahinto ako sa paglalakad at habang papalapit siya sakin, mas pabilis ng pabilis din ang tibok ng puso ko.

May lalaking biglang nagbigay sa kanya ng bluetooth mic speaker at masaya niya itong tinanggap.

[NP; Best Friend by: Rex Orange County]

'I should've stayed at home
'Cause right now I see all these people that love me
But I still feel alone
Can't help but check my phone

Nanahimik ang mga babae at halos mapakapit na sa isa't-isa dahil sa ganda ng boses ni Tyzon.

Ewan ko ba kung ako lang o sadyang nag slowmotion talaga ang paglakad niya. Parang gusto na tuloy kumawala ng puso ko.

'I could've made you mine
But no, it wasn't meant to be and see, I wasn't made for you
And you weren't made for me
Though it seemed so easy'

Nasa harap ko na siya ngayon at dahan dahang inaabot sakin ang hawak niyang bouquet.

Kinuha ko ito sa kanya at hinawakan niya naman ang isang kamay ko. 3 seconds muna kaming nagkatitigan at muli siyang kumanta.

'And that's because I wanna be your favorite boy
I wanna be the one that makes your day
The one you think about as you lie awake
I can't wait to be your number one
I'll be your biggest fan and you'll be mine
But I still wanna break your heart and make you cry'

Ramdam na ramdam ko yung pagkanta niya at hindi ako magsasawang sabihin na ang ganda ng boses niya. Nakaka kabang pagmasdam ang mga tingin ng tao, lahat sila may iba ibang pinapakitang emosyon sa mukha nila.

"Wag mo silang pansinin, sakin lang dapat ang tingin mo, saakin lang dapat ang atensiyon mo" bumalik ang mga mata namin sa pakikipag titigan. Wala na akong ibang marinig kundi ang tibok ng puso ko.

"Bakit mo pa ginawa to?" Kinagat ko ang labi ko para sabihing naiinis ako sa kanya, kahit hindi naman talaga.

"Syempre nililigawan kita" bulong niya sa tenga ko. Pinilit kong hindi maka ngiti pero ang hirap, ang hirap hirap magtago ng nararamdaman.

Bigla niya akong niyakap at isiniksik niya ako sa dibdib niya, doon ko nilabas ang kilig na nararamdaman ko. Parang gusto kong sumigaw sa saya, parang gusto kong ngumiti 24/7. Aish ansarap.

Niya, charot!

After that noment niyaya niya akong makipag date at syempre um-oo ako, sino ba naman ako para tumanggi diba?

"Bakit yun ang kinanta mo? Diba best friend title nun? Gusto mo ba ako gawing bestfriend?"

"Boyfriend, gusto kitang maging boyfriend"

"Eh bakit yun nga?"

"That's because I wanna be your favorite boy, i wanna be that one that makes your day, that one you think about as you lie awake" matapos niyang sabihin yun ay kinindatan niya ako at nginitian ng napaka tamis. Muntikan ko ng maibuga ang iniinom ko.

Juskong banat yan.

"Para kang tanga"

"Sayo lang naman ako nagiging tanga"

"Corny"

Nagka tinginan muna kami ng ilang segundo at nag tawanan bigla.

Mukha na kaming baliw dito chinese restaurant na kinainan namin.

Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad muna kami ng ilang minuto sa park, dati kasabay ko lang si Mich at Ezeikiel dito, ngayon manliligaw ko na ang kasa kasama kong maglakad sa lugar na 'to.

"Nandito pala sila Kard at yung boyfriend niya" sabi ni Tyzon at lumapit kaagad kami dun sa apat.

Magkasama sina Kard, Xymie, Kier at Marcus naka upo sa damuhan ng park.

Hanggang ngayon kinikilig parin akong alalahanin yung love stories ng dalawang couples na 'to.

Si Xymie at Kard na may sweetest relationship journey tapos itong si Kier at Marcus naman napaka cute lang ng relasyon nila. Both of them has a good stories, if ever na maging writer ako, story nila ang unang isusulat ko.

"Kard vro kamusta!" Paunang bati ni Tyzon sa kaband mate niya.

"Uy Tyzon vro" nag fist bump silang dalawa at nag tawanan.

"Ate Charm! Halika upo ka" tawag sa akin ni Kier at umupo ako sa tabi niya.

"Hello guys, Xymie, Kard, Marcus and syempre sayo din Kier my lilsis" kinamusta ko sila isa-isa at agad napayakap sa akin si Kier.

"Ambusy mo na these past few months ate, di na kita nakakasamang gumala" pag papa cute niya sakin. Kier is just 16 years old, nagkakilala kami sa cinema, mahilig siyang manood ng romantic movies, same kami.

"Teka lang kuya Tyzon, kayo na ba ni Charm? Umamin nga kayo napapadalas na kasi ang mga litrato niyo sa @cuteboyshhu eh" natahimik ako sa tanong ni Xymie, grabe naman kasi yung tanong niya. Kami agad? Porket may pics lang sa internet.

"Nililigawan ko pa lang siya Xy, kung pwede ko lang sabihin na kami na, eh yan talaga sasabihin ko kaso baka magalit sakin eh" natawa lang ang dalawang bottom sa sinabi ng kumag.

"Ikaw naman kasi Charm bat kasi di mo pa sagutin tong kumag na to" agad binatukan ni Tyzon si Kard dahil sa sinabi nito.

Di ako nakaiwas sa pag tawa. Kumag HAHAHAHAHA kung anong tawag ng isip ko kay Tyzon yun naman ang literal na tinatawag sa kanya ni Kard.

"Tawa-tawa ka jan, tignan natin kung makakatawa ka pa pag kinama na kita" automatic napalingon kaming lahat sa kanya at ako itong kinakabahan na napapikit sa inis.

Manyak!

"De joke lang rinerespeto ko yan guys ano ba kayo, wag niyo naman akong tignan ng ganyan, good boy kaya ako"

Good boy daw.

...

Not So Romantic (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon