NSR 11

240 16 0
                                    

Charm's POV;

Hanggang ngayon andami paring nagbubulungan sa paligid, sa tuwing dadaan ako sa kanila bigla nalang silang iiwas ng tingin saka makikipag bulungan sa katabi. Napapansin ko sa skwelahang to  napaka chismoso't chismosa ng mga studyante. Konting issue biglang lalaki, hay nako.

"Wag mo na silang intindihin Charm, ang importante nagkausap na kayo ni Phoenix" inakbayan ako ni Ezeikiel at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang  umabot kami sa parking area.

"Alam mo Zei after nung pag uusap namin, feeling ko gumaan na yung pakiramdam ko" sabi ko habang binubuksan ang pinto ng kotse niya.

"It lighten up your mood kasi yun ang sumagot sa mga tanong na naipon sa isip mo, yung mga tanong na nagpapa bigat ng loob mo, lahat ng yun nabura na" naglagay kami ng seatbelt at tumingin muna siya sakin.

"Katulad lang ng math problem, kung hindi mo alam ang formula mamomroblema ka. Pero pag ini step by step sayo ng teacher hanggang sa ma gets mo, gagaan na yung loob mo at masasagutan mo na yung tanong" maypa math problem math problem pang nalalaman ah.

Ini-start na niya ang makina ng kotse at nagsimulang mag drive papuntang green leaf cafe.

Ito yung cafe na sikat ngayon sa insta, ngayon lang din ako makakapunta dito. Napag alaman ko din na pagmamay-ari ito ng isa sa mga Corpuz brothers. Kuya ata ni Kard Corpuz ang may-ari.

Nang makarating kami, pinili naming umupo sa labas para presko lang ang hangin, may garden kasi ang cafe which is ang ganda sa mata.

"Alam mo naninibago parin ako sayo" sabi niya habang pinagmamasdan ang buong mukha ko.

"Ano ba Ezei ako lang to" i chuckled after i said that, pati siya ay natawa rin kaya ang saya lang ng atmosphere.

"Dito ko lang pala kayo makikita" biglang sulpot ni Mich at agad na nakipag beso saakin at kay Ezei.

"Bat ka naparito?" Tanong ko sa kanya at agad lumutang ang ngiti niya na para bang kinikilig.

"Syempre mag kakape ako ano ba" tumawa pa siya ng slight saka naglakad papalayo samin. "Charot lang may kakausapin lang ako" pumasok siya sa store at kita kong nakikipag kamustahan at tawanan siya sa isang beki din. Like us.

Lumapit naman ang isa sa Corpuz brothers, yun na ata ang kuya ni Kard saka inakbayan yung beki na kausap ni Mich. Ay jowa naman pala.

"Ang ganda na ni Mich no" nawala ang atensiyon ko sa pagmamasid ng mag salita si Ezei.

"Super, ang ganda na ng buhok niya, ang sexy pa, ckearskin kaso ganun paren ang tawa niya, nakakapambulabog" natawa ako sa huling salitang nabanggit ko.

"Parang nung moving up lang natin nung grade 10 ang dungis pa niya, ngayon ambango na" agad akong nagulat sa sinabi niya.

"Inaamoy mo siya?" Gulat na saad ko.

"S-syempre, pag lumalapit siya naaamoy ko talaga yung scent niya"

Naaamoy lang naman pala.

After naming mag kape inaya muna ako ni Ezei na bumili ng pang regalo niya kay Shayne, birthday na kasi ng girlfriend niya next week, ni hindi man lang niya alam ang mga favorite ng jowa niya.

"Yung totoo jowa ka ba talaga o ka fling?" Tanong ko na ikina gulat niya.

"Gago" oh ayan guys napamura na ang lolo niyo. "Girlfriend ko yun kaso di ko lang matandaan mga paboritong bagay niya" nag ikot ikot pa kami sa mall hanggang sa may naisip siya.

"I think mahilig siya sa necklace" tumango lang ako sa sinabi niya at tumungo kami sa pinaka malapit na jewelry store.

"Ito kaya?" Tinuro ko yung kwintas na silver na may mini heart sa gitna at ang simple lang ng design. Kung ako ang pagbibigyan kahit hindi kwintas ang ibigay sakin okay lang, kaso si Shayne parang mas gusto niya ng mga mamahaling bagay. As you can see afford naman ni Ezei yung mga luho ng gf niya kaya okay lang yun.

"Oh nice, galing mo talagang pumili best" and there he goes, binili niya yung kwintas at napag desisyunan na naming umuwi. Sinabihan ko siya na mag stop over muna sa drive thru para bumili ng pang dinner.

Bumili ako ng pagkain para sa amin ng dorm mate ko, hindi naman ako madamot sa pagkain at ayoko rin kumakain mag-isa.

Bumili rin si Ezei para sa kanya at parents niya. Aw sweet naman ng baby boy ni tita Tina.

7:30 na ng makauwi ako sa dorm. Naabutan ko lang si Tyzon na bagong ligo at nagpupunas ng buhok. Naka sweatpants na grey at as usual naka topless nanaman. Busog nanaman ako sa pandesal niya. Charot.

"Kain tayo" nilapag ko sa table namin yung plastic na may lamang pagkain.

"Kainin mo ko" nag lipbite siya at kinindatan ako. "Dejoke lang, ano ba yan master?" Lumapit siya sakin at binuksan ang mga plastic ng pagkain na parang batang sabik sa pasalubong ng mama niya.

"Wow chicken" kinuha niya ang manok saka kinagat.

"Huy mag damit ka nga muna" sabi ko at nilapag niya ang kinakain niya sa platong nilagay ko sa lamesa.

"Bakit? Distracted ka parin ba dito sa abs at biceps ko?" Binigyan nanaman niya ako ng mapang asar na ngiti at hinalikan pa niya ang muscles niya sa balikat. "Magpapatikim naman ako kung gusto mo" nag eyebrow flash pa siya sakin at ako naman itong parang buang na nang init lang bigla ang mukha.

"Ang bastos! Ayusin mo nga muna yang mga pagkain" dali-dali kong hinagis ang bag ko sa kama at pumunta agad ako sa banyo.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo Charm?" Hinawakan ko ang dibdib ko habang nakatulala sa repleksiyon ko sa salamin.

What the-

Ambilis ng tibok.

"Charm ayokong kumain ng hotdog, sayo nalang yung hotdog ko, mahilig ka ba sa hotdog? Ipapakain ko nalang sayo yung akin" sabi niya habang kumakatok sa pinto ng banyo.

Gago to ah.

"Manyak!"

"Then you're green minded, i'm actually talking about the hotdog that you bought" tawa lang siya ng tawa after niyang magsalita. Hindi ako manyak sadyang double meaning lang talaga yung sinabi niya.

"Hmp"

...

Not So Romantic (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon