Charm's POV;
"Kuya gutom na po ako" sambit ni Tyler habang nagpapaawa ng tingin sa kuya niya.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong kaagad ni Tyzon at bigla namang sumigla ang mukha ng bata.
Ang cute.
"Gusto ko po burger tas fries tas ice cream tas chocolate"
"Andami naman" inis na sambit ng kuya niya. "Diba sabi ni mama konti lang kakainin mo kasi baka tumaba ka"
Nawala ang sigla ng bata at dahan-dahan itong napayuko. Agad kong tinapunan ng masamang tingin si Tyzon, napaka strikto naman niya.
"Hindi mo dapat ginaganyan ang bata" kalmadong pagkakasambit ko.
"I'm the brother, I know what's best for him" napatingin ulit ako sa backseat at tumutulo na ang luha ng bata habang nakayuko.
Nakaisip naman ako ng ideya, binuksan ko ang bag ko at kinuha yung chocolate bar na lagi kong binabaon. Nilagay ko ito sa bulsa ko at huminto kaagad ang kotse.
"We're here"
Pagka baba ko ng kotse agad kong binuksan ang pinto ng backseat saka inilalayang makababa si Tyler.
"Thankyou po" pinunasan ko ng panyo ang mga luha niya at inayos ang buhok.
"May ibibigay ako sayo"
"Ano po yun?"
"Tada!" Nilabas ko sa bulsa ko yung chocolate bar na baon ko at binigay sa kanya.
"Para sakin po ito?" Tumango ako. "Thankyou po" he hugged me and i felt happiness.
Ang cute niya.
"But i have condition, since I gave you that chocolate dapat hindi ka na magpa bili ng chocolate sa kuya mo okay? At kakainin mo lang yan pag nasa bahay ka na, kasi hindi naman yan for lunch eh" masayang tumango ang bata at nilagay ang chocolate sa bag.
"What's that chocolate for?" Agad na tanong ni Tyzon at hinawakan ang kamay ng kapatid niya habang naglalakad.
"Para mabawasan ang kakainin niya sabi mo bawal siyang kumain ng marami" napatingin lang siya ng seryoso sakin. Minsan ko lang makita ang ganitong awra niya, nakakatakot na nakaka amaze, ang pogi eh.
"Are you sure na di niya yun kakainin right after?"
"Sinabihan ko na siya na kakainin niya lang yun pag nasa bahay na siya"
Andito na kami sa loob ng mcdonalds, si Tyzon na ang umorder ng pagkain namin at ako naman ang nag babantay kay Tyler.
"Ikaw po ba talaga ang boyfriend ng kuya ko?" Tanong ng bata na ikinagulat ko.
"No, I'm just his dormmate. Share kami ng room ng kuya mo" paglilinaw ko sa bata at parang nalungkot naman siya.
"You two are bagay po" sabi niya at ngumiti, di ko rin mapigilang mapangiti, ang cute niya kasi! But wait did he just say bagay kami ng kuya niya?
"Okay lang ba sayong magka boyfriend ang kuya mo? Diba dapat girlfriend?" Tanong ko sa bata.
"Kung kayo po yung boyfriend ni kuya, okay na okay po" masiglang pagkakasabi niya at bigla namang dumating ang kuya niya. Dala na nito ang inorder at after a few moments nagsimula na din kaming kumain.
Mabilis lang natapos ang pag kain namin at bigla nanamang nag request ang bata.
"Kuya can i eat the chocolate na?" Hawak hawak ni Tyler ang kamay ng kuya niya habang naglalakad kami pabalik ng kotse.
"No you can't"
"Why po?"
"Did you just forgot what your kuya Charm said earlier?" Sabi ni Tyzon habang nakatingin sa mga mata ng kapatid niya. Umiwas ng tingin si Tyler at parang nanghihingi ng tulong sakin.
"Tyler wag mong sisirain yung condition okay, i considered that as a promise of yours" pagkatapos kong sabihin yun ay natahimik lang ang bata at nagpatuloy kami sa paglalakad. Nadaanan namin ang entrance ng game zone at panay lingon dito si Tyler, alam na this.
"How about we play there?" Turo ko sa game zone at mabilis na napatango ang bata.
"Yes yes yes! Kuya Charm, let's go there" hinila ako ng bata, ay hindi pala. Hinila
'kami' ng bata. Dalawa kasi kaming nakahawak sa magkabilang kamay ni Tyler."Ano nanaman tong ginagawa mo? Ini ispoil mo yung bata" bulong ni Tyzon sakin pero inirapan ko lang siya.
"Di ko naman ini i-spoil, pinapa saya ko lang" bumitaw siya sa pagkakahawak sa kapatid niya at kaming dalawa na tuloy ni Tyler ang naglaro ng kung ano-ano.
We played basketball, coin dozers, bump cars, and other arcade games.
"Nasaan po si kuya?" Tanong ng bata at napalingon ako dun sa kinauupuan niya kanina. Wala na siya dun.
"Hindi ko alam baka nanjan lang yun, lika hanapin natin" sumang ayon sa akin si Tyler at hinanap na namin ang kuya Tyzon niya.
Hinalughog na namin ang buong game zone pero hindi namn siya makita. Umupo nalang kaming dalawa dun sa bench at tinry ko ring tawagan si Tyzon, pero di niya sinasagot.
"Kuya!" Tumakbo si Tyler sa kinaroroonan ng kuya niya at agad itong hinagkan.
"Did you miss me? Pakiss nga ako" umupo siya para mapantayan ang height ng kapatid at binigyan siya nito ng kiss sa cheek.
"Yes po miss na miss po kita at si kuya Charm din po miss na miss ka din niya" napatingin kaagad ako sa mukha ni Tyzon na nakangisi at binalik ko ang tingin sa kapatid niyang si Tyler.
Pati rin yung bata naka ngisi. Hala manang mana sa kuya.
"Miss na miss mo daw ako?" Agad niyang tanong at umupo sa tabi ko, nilagay niya ang braso sa likod ng inuupuan ko at nakatingin parin ako sa kapatid niyang umiinom ng tubig, bigay yun ng kuya niya.
"Luh hindi ah, hinanap ka lang namin kasi pano ko iuuwi ang kapatid mo diba"
"Ah ganun pala yun, oh eto tubig" tinanggap ko yung tubig na inabot niya. "Baka kasi uhaw na uhaw ka na sa pagmamahal ko" hindi pa ako nakakainom pero parang gusto ko ng ibuga yung tubig sa mukha niya.
Parang tanga naman tong lalaking to.
"Kilig ka nanaman sakin"
"Luh hindi ah"
"Sus! Tyler lika nga dito" lumapit kaagad ang bata sa kanya at ginulo muna niya ang buhok nito. "Reward mo 'to kasi naging good boy ka ngayon" binigyan niya ng dairy milk chocolate bar ang bata. Kitang-kita sa mukha ng bata ang saya dahil sa natanggap sa kuya niya.
"Kala ko ba hindi i s-spoil" sabi ko.
"Di ko naman talaga ini i-spoil, pinapasaya ko lang"
...