NSR 15

223 17 0
                                    

Charm's POV;

"Oh bakit parang malungkot ka?" Tanong ko kaagad ng makapasok ako sa kwarto niya.

Tinawagan niya kasi ako, pinapapunta niya ako dito sa bahay nila. May problema siguro siya or something.

"Nakipag cool off siya sakin" mahinahong pagkakasabi niya habang inaangat ang necklace.

Medyo nag loading pa yung isip ko ng ilang segundo hanggang sa mapagtanto ko na kwintas pala yun ni Shayne.

"Ano? Diba yan yung necklace na niregalo mo sa kanya?" Tumango lang siya at kitang kita ko sa mga pisngi niya ang nga luhang nanggagaling sa kanyang mga mata.

Agad akong lumapit sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap. I don't want to see my bestfriend cry. Parang pati ako naiiyak. Parang pati ako nasasaktan.

And then i cried. Sinabayan ko siya sa pag iyak at ang ending ay ako na ang naka subsob sa dibdib niya at umiyak ng umiyak.

"Parang mas mabigat 'yang dinadala mo ah" sabi niya at napansin kong nakasubsob na pala ako sa kanya kaya lumayo ako at umupo ng maayos.

"Sorry nadala lang" nag peace sign ako at tumawa lang siya ng slight.

Atleast napapatawa ko siya.

"Ano ba kasi ang nangyari?" Tanong ko.

"Sabi niya napaka common na daw ng mga ginagawa't binibigay ko sa kanya, and she also said na nakakasawa na rin daw ang pagiging busy ko, nagbago na daw ako at di na rin daw niya nararamdaman yung spark di gaya noon" niyakap ko siya ulit kasi feeling ko iiyak nanaman siya.

"Alam mo Zei, hindi ka nagkulang as a bestfriend, you're such a good, very good and nice bestfriend for me. And Shayne? She's your girlfriend and I know that hindi ka rin nag kulang sa kanya, binigay mo lahat ng gusto niya at pag hinahanap ka niya nandun ka, wag na wag mong sisisihin ang sarili mo kasi at the first place, hindi ka nag loko at never kang nag cheat sa kanya" pagkatapos kong sabihin yun, mas humigpit ang pagkakayakap ni Ezei sakin.

"Thankyou best"

-

Sa bawat araw ng buhay natin, iba-ibang emosyon ang nararamdaman natin. May mga taong nalulungkot at may mga tao ring sumasaya, tulad nitong lalaki sa harap ko ngayon.

"Alam mo master parang na a-adik na rin ako sa sunflowers" pinakita niya ang wallpaper ng laptop niya sakin, ayun nanga puro sunflowers. Mas grumabe ang ngiti niya ng ipakita niya rin sakin ang wallpaper ng cellphone niya.

Hindi yun sunflower, kundi picture namin. Hindi intentional yung pagkuha ng pic na yun, screenshot lang yun dun sa interview ko sa banda nila. At that time magkatabi kasi kami kaya ni-crop niya lang yung pic para kaming dalawa lang yung matira.

"Hanep yung trip natin ah" kinuha ko yung cellphone at dinelete yung wallapaper niya.

"Ang sama mo" kinuha niya ang cellphone niya sakin at itinago ito sa baba ng unan. "Yun nga lang meron ako dinelete pa"

Aba nagpapa cute ang kumag.

Actually hindi ko naman pinapasama ang loob niya, kinuha ko yung camera ko at itinutok sa kanya.

"Smile!"

"Di tayo bati" tinakpan niya ng isang kamay ang mukha niya at nag fuck you sign sa camera.

Natawa lang ako at tumabi sa kinauupuan niya.

"Smile!" Tinutok ko sa mukha namin ang camera at automatic na ngumiti siya at inakbayan ako.

"Aayaw pa gusto naman pala"

"Basta ikaw kasama ko, okay na okay"

Kumuha ulit ako ng isa pang picture at nagulat nalang ako ng halikan niya ako sa pisngi habang nakatingin yung mata ko sa kanya.

"Chansing ka ah"

"It's an opportunity, i should grab it" ngumisi lang siya sakin at kinurot ko kaagad ang pisngi niya.

"Ang cute ng kumag"

"Aray!"

Natahimik muna kami ng ilang segundo hanggang sa maalala ko, may gagawin pa pala ako.

"Ibibigay ko nalang sayo yung soft copies ng pictures natin mamaya" nginitian niya lang ako at agad siyang naghubad ng sando sa harap ko.

"Ambastos" tinalikuran ko kaagad siya at pumunta sa working area ko.

"Anong bastos dito eh naghubad lang naman ako, naiinitan ako eh"

"Baka nakakalimutan mong naka aircondition yung dorm" natatawa akong tumingin sa kanya. Naka grey sweatpants nalang siya at di ko nanaman maiwasang mapatingin sa mga pandesal niya.

Ooh la la.

"Gusto mo namang nakahubad ako eh" nag eyebrow flash pa siya sakin at humiga kaagad siya sa kama niya. Naka baba ang paa niya sa sahig at napalunok nalang ako sa nakikita ko.

"Katawan mo? Magugustuhan ko? Luh asa ka!" Nag focus na ako sa laptop at kinalimutan ko nalang yung nakita ko kanina.

Malaki yung bumakat sis.

Nagsimula na akong mag edit ng video, para sa weekly news. Intro, cuts, splits, effects etc. Isang oras na ang nakalipas at di pa rin ako tapos sa ginagawa ko. Saturday ngayon kaya dapat ma ipost ko na ito ngayong araw.

"Mukhang busy'ng busy yung master ko ah" biglang sulpot ni Tyzon sa gilid ko at dinikitan ako ng malamig na inumin sa pisnge.

"Ilayo mo yan" napapikit ako dahil sa inis at lamig.

Tumawa siya at kumuha ng upuan para maka tabi sakin. Nakatingin lang ako sa kanya habang pinagmamasdan ko ang mga ginagawa niya.

"Here drink this" binuksan niya yung coke in can at nilagyan ng metal straw. Kukunin ko na sana ito sa kamay niya pero inilapit niya ito sa bibig ko.

"Wag mo ng hawakan, ako na" ewan ko ba kung matatago ba ng pagkagat sa labi yung pag ngiti pero feeling ko hindi naman effective.

"Kilig ka nanaman"

"Luh hindi ah" pinasok ko kaagad ang straw sa bibig ko at sinipsip ito. Napapikit ako dahil sa refreshment na dala ng coke.

"Sana straw nalang din ako" napatingin ako sa kanya at napa simangot ito.

"Para masubo at ma sipsip mo din ako" muntikan ko ng maibuga yung iniinom ko buti nalang napigilan ko pa.

Tumigil ako sa pag sipsip sa straw at bumalik na sa pag focus sa laptop.

"Ang manyak mo" tumawa lang siya sa sinabi ko at pinwesto ang upuan niya sa likod ko.

Ramdam ko ang paghinga niya sa leeg ko ng ipatong niya ang mukha niya dito.

"Sayo lang naman ako nagiging manyak, sayo lang kasi tumatayo junjun ko" nanigas ako sa kinauupuan ko at bigla niya akong hinalikan sa leeg.

T-teka lang.

...

Not So Romantic (BL) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon